Chapter 20: Startled IVY'S P. O. V "Guys, kayo na bahala magsara ng cafe ah?" nakangiting bilin ko sa mga tauhan ko. "Sige po, Ma'am! Mag-iingat po kayo!" nakangiting sabi naman ng isa sa mga tauhan ko. Tumango at kumaway lang ako sa kanila bago ako sumakay sa sasakyan ko. Napag-isipan ko kasing puntahan si Serenity sa company niya dahil ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Bukod pa dun ay nag-aalala rin ako sa lagay niya dahil alam kong may problema siya. Wala pang nag-aalaga sa kanya kaya hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaibigan ko. Kaya nang nakapagsimula na akong magmaneho ay agad naman akong nakarating sa harap ng company building ni Serenity. Mabilis ko lang na pi-nark ang aking sasakyan sa parking lot bago ako naglakad papasok ng building. Nang makapasok ako sa