CHAPTER 1
Rachel’s POV
Everything is set for another big day of two couple in love. Napaka engrande ng five-star hotel venue ng kasal at mas lalo pa itong naging aesthetic dahil sa arrangement and decoration namin. And that is the pride of Blushing Bride Wedding Services. Giving our clients the most memorable wedding experience na worth it sa budget na inilaan nila.
At hindi lang kami pang bigatin, pangmasa rin. Kahit ang simpleng covered court lang ay kaya namin pagmukhaing sosyal na swak sa budget. We are versatile in every way, kaya naman, sa loob ng tatlong taon ay maramin client na angnagtiwala sa amn.
“Team, standby,” command ko sa earcpiece na konektado sa lahat ng staff ko na punong-abala sa paghahanda. Nakakalat sila sa buong paligid para masigurong magiging maayos ang flow ng event hanggang sa matapos ito.
Everbody responded, “Yes ma’am.” But a white noise came in after.
“Ms. R…”
Boses ni Moana iyon, ang aking staff na in-charge sa pag-aasikaso sa bride.
“Moana Marie? May problema ba?” medyo nag-aalala kong tanong.
Uutal-utal namang sumagot si Moana. “Y-yung bride po kasi ano…”
“Ano?” sabi ko naman.
“Natagusan,” tipid niyang sagot.
“Natagusan? Eh ‘di pagsuotin mo ng napkin!” sagot ko at napasapo ng noo.
Kahit mag pads pa ang bride, hindi na mabubura iyong mantsa ng gown niya. Mermaid type pa naman iyon, hapit na hapit sa katawan kaya siguradong mahahalata ang mantsa.
“Pasuotin niyo na muna ng pads. Punta ako riyan,” sabi ko naman uli.
“Naku, bilisan mo Ms. R, hindi ko na alam ang gagawin. Umiiyak na yung bride, parang aatras na ng kasal!”
“Ano? Hindi pwede! Tatakbo na ako diyan,” taranta kong sabi.
Hindi na ako kumibo pa at dali-dali nang tinungo ang hotel room na kinaroroonan ng bride. Para akong magmamarathon kung tumakbo palabas ng ballroom. Iniiwasan kong makasalubong ang pamilya ng mga ikakasal at baka mahalatang may problema. Narating ko na ang pinto ng ballroom na nakabukas na dahil malapit nang magsimula ang entourage, nakapuwesto na ang mga maglalakad sa aisle sa bungad. “Miss R!” Tinawag pa ako ni Helga, ang in-charge sa entourage pero sinenyasan ko siya gamit ang mga palad ko at direderetsong lumakad patungo sa hallway.
Aminado naman akong hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, kaya hindi ko inaasahan ang pagbunggo ng kung anumang matigas na bagay sa mukha ko dahilan para matumba ako sa sahig.
“I’m sorry miss, I didn’t saw you coming. May I help you?” anang malamig na boses ng kungsinuman, na sa tingin ko ay siyang nakabangga sa akin. Nakita ko pang inilahad nito ang mabalbon na kamay sa akin.
“No I’m okay,” sagot ko at pilit tumayo nang hindi tinapunan ng kahit sulyap man lang ang taong iyon. Masyado akong nagmamadali para mag abala pang kilalanin ang taong iyon.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at narating ko na ang room na kinaroroonan ng bride.
“Miss Cherry are you okay?” tanong ko sa bride nang makalapit ako. Hinagod ko pa ang likod nito para huminahon mula sa pag-iyak.
“Why do I feel like destiny would not allow us to get married?” she asked while continually sobbing.
“No it’s not like that ma’am, this is just a minimal problem. Magagawan natin ‘to ng paraan,” paliwanag ko sa kanya sa may pinakamahinahon na tono. “May mga gowns kami na pweden niyong suotin. Don’t worry, matutuloy po ang kasal, okay?”
This time, I held her hand and looked at her eye to eye. “Isipin niyo ma’am, hinihintay kayo ng groom niyo at lahat ng nagmamahal sa inyo. Ayaw mo naman silang biguin, hindi po ba?”
Sandali siiyang tumigil sa pag-iyak at tila nagising sa sinabi ko.
Nginitian ko siya saka nagsalitang muli. “After all, this day is all about you and your groom making a promise of forever in the eyes of God and the people who loves you. Right? And you don’t want this to be ruined just because of a stained gown.”
**********
“We have been through seasons of our relationship, we saw the ups and downs. The best and worst in each other. Because of you, I have learned to forgive. I have learned to make room for mistakes and to continue to love even if you don’t understand the person. I don’t believe in second chances but here we are on this altar. Today, in front of the people we love. I promise to love you, til they take my breathe away.”
Sa wakas, natuloy rin ang kasal na muntik ma postponed dahil sa simpleng tagos. Buti naman at naging successful ulit ang event na ito. Nakuhaan namin ng panibagong gown si Ms. Cherry. Maganda pa rin ito kahit hindi man iyong pinili niyang design ang naisuot niya. Wala ring nakahala ni isa sa pamilya nila na muntik nang hindi matuloy ang kasalan.
“Wui, Ms. R, naki-carried away ka yata ah,” pukaw sa akin ng katabi kong si Kaila, na siniko pa ako. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa mga mata. Hindi naman na bago sa akin na makarinig ng wedding vows. Pero yung continue to love a person even if you don’t understand? Parang ang hirap no’n. ang hirap ata pagbigyan ng taong minsan nang nagkasala sa’yo, nangako sa’yo na mamahalin ka pero nang-iwan sa’yo sa ere, at… sinong may sabi na may karapatan akong mag-senti?
Pasimple kong pinahid ang luha at sumagot. “Wala lang. nakakaiyak kasi yung bakground music, ‘tsaka natutuwa ako na natuloy pa rin ang kasal kahit nagkaroon ng kaunting aberiya.”
“Asus… naaalala yata ni Ms. R yung boyfriend niyang sea uhmmm—”
“Itikom mo ‘yang bibig mo!” hindi na natuloy ang sasabihin ni Anja dahil sinupalpal na siya ni Kaila.
Napailing-iling na lamang ako saka iniwan sila.
Sino nga namang mag-aakala na ang isang tulad ko ay magiging isang wedding planner? Ako na iniwan ng sariling groom sa miamong araw ng kasal.
How ironic right? Ang tawag nga ng ibang tao sa akin, ‘the ghosted bride’
Funny but true. Napailing-iling na lang ako at pumunta sa sulok kung saan walang makakapansin.
You did a great job self. Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kabuuan ng lugar.