Chapter 7
“Ang Tatay mo, anong gagawin natin?” agad naghanap si Gelo ng pamunas.
Si Alyana rin ay aligagang nagpunas at nagdamit. “Anong sasabihin natin? Tumakas ako sa bahay at baka napansin nilang wala ako sa higaan ko.”
“Do’n ka sa likod ng pintuan,” bulong ni Gelo . Itinapon ni Gelo ang damit ni Alyana at mabilis din siyang nagsuot ng kanyang boxer short. Pinunasan niya ang t***d niyang nasa dibdib pa niya sa lakas ng talsik non kanina ay umabot pa doon.
Mabilis na nagtago si Alyana sa likod ng mga karton na pinaglalagyan nina Gelo ng mga damit nilang magkakapatid.
“Gelo, gising ka pa ba? Gelo!” kumakatok pa rin si Tiyo Berting.
Mabilis na nakapag-ayos si Alyana. Sinuklay-suklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri.
“Sandali ho. Nakaidlip na ho kasi ako.” sagot ni Gelo. Mukhang hindi kasi titigil si Berting hangga’t di siya lumalabas at mahahalata pa nitong may itinatago siya.
Sinenyasan niya si Alyana if okey na siya
.Bumaba siya at tinungo ang maliit na sala ng kanilang kubo. Inayos niya ang kurtina ng kuwarto niya para hindi masilip ang loob kung sakaling papasok sila. Huminga siya nang malalim nang nasa tapat na siya ng pintuan.
“Bakit ho?” tanong niya nang nabuksan niya ang pinto.
“Si Alyana, nakita mo ba? Wala ba siya rito sa inyo?” si Brenda ang nagtanong. Kasama pala ng Tatay ni Alyana ang Nanay niya. Nakagasera pa silang dalawa.
“Wala ho eh. Hindi ho kaya nasa banyo lang ninyo?”
“Wala eh! Pati sa kuwarto niya wala. Hindi kaya lumabas ‘yon at may pinuntahang iba?”
“Hindi ko ho alam, Tiyo. Nakatulog na nga ho ako eh.”
“Pwede bang pumasok?” tanong ni Berting. Hindi na niya hinintay pang sumagot si Gelo.
Pumasok si Berting hanggang sa kuwarto ni Gelo at hindi napigilan ng huli dahil mas lalo itong magkakaroon ng hinala kapag gawin niya iyon.
Halos hindi na humihinga si Alyana nang makita niya ang Tatay niya. Nangangatog ang tuhod niya. Baliktad pa ang kanyang suot na damit at may mga dagta pa si Gelo sa katawan niya na tumalsik kanina. Kung makita siya sa ganoong hitsura paniguradong iisipin ng Tatay niya may nangyari sa kanila ni Gelo. Ganoon pala ang pakiramdam ng mabubuko. Parang ang laki ng ulo niya na lahat ng buhok niya sa katawan ay nakatindig na. Nangangatog ang tuhod niya. Panigurado kasi, pagagalitan siya ng Nanay at Tatay niya at pagbabawalan na siyang sumama kay Gelo na pakiramdam niya may alam na silang may tinatago silang relasyon. Okey lang sana iyon, na pagalitan siya pero ang ilayo siya kay Gelo ngayon na mahal na mahal na niya ang binata Parang hindi na niya kayang iwan pa si Gelo..
Hanggang sa nakita niyang lilingon na ang Tatay niya kung saan siya nakatayo’t nagtatago.
Wala na. Matitiklo na talaga sila.
Makikita na siya ng Tatay niya at paniguradong sasaktan siya ng mga ito kung aamin siyang may relasyon nga sila ni Gelo na higit pa sa magkaibigan.
Bago lumingon si Berto ay humarang si Gelo kaya may pagkakataon pa siyang umupo para maharangan ng mga nakasalansang mga karton na lagayan ng mga damit nina Gelo.
“Sige. Pasensiya ka na, Gelo ha? Hanapin na lang namin siya ng Tiya Brenda mo sa labas at baka nagpahangin lang sa dalampasigan kasi mdyo maalinsangan ngayon eh. Tumawag kasi si Daniel at gusto sana raw siyang makausap.”
“Daniel ho?” maang-maangan niyang tanong.
“Hindi mo kilala,” sabi agad ni Berto. “Tara na Brenda at baka kung anong mangyari sa anak mo.”
“Pasensiya ka na at nabulahaw ka naming, Gelo,” paghingi ni Brenda ng dispensa.
“Sige ho. Wala hong anuman, Tiya,” sagot ni Gelo. “Makikihanap na rin lang ako. Magdadamit lang ho ako.”
“Oo. May sipon pa yata pisngi mo oh? Sinisipon ka ba?”
Mabilis na inapuhap ni Gelo ang balikat. Alam niyang hindi sipon iyon. Hindi niya alam ang isasagot.
“Punasan mo ‘yan.”
Patay-malisyang pinunasan ni Gelo ang t***d na umabot pa hanggang do’n.
Pagkalabas nina Brenda at Berting ay agad niyang isinara ang pinto.
Noon na lang sila nakahinga nang makuwag.
“Ayusin mo ang damit mo at buhok, dali. Habang nasa labas sila, lumabas ka sa kusina naming at lalabas ako sa harap ng kubo. Kunyari makakasalubong mo kami at bahala ka nang magdahilan.” Halos tulungan na niya si Alyana na ayusin ang damit. Siya ang mas ninenerbiyos kaysa sa dalaga.
Nang makadamit siya ay niyakap pa niya si Gelo nang mahigpit saka niya hinalikan ang binata.
“Sige na! Lumabas ka na,” hinawakan ni Gelo ang kamay ng dalaga at inihatid niya ito sa pintuan sa likod bahay nila.
Dahan-dahan nilang binuksan ang pinto sa kusina nina Geloat nang makita nilang safe nang lumabas ay agad na lumabas si Alyana. Dali-dali naming lumabas si Gelo para kunyari sasama at tutulong siya sa paghahanap.
Kalalabas pa lang ni Gelo sa pintuan nang makita niyang nakita na nina Berting at Brenda ang anak.
“Saan ka galing?” tanong ni Berting kay Alyana.
“Diyan lang ho sa dalampasigan. Nagpahangin. Bakit ho?”
“Di ka man lang sa amin nagpaalam ng Tatay mo. Pati yang si Gelo naistorbo pa ang tulog. Uli-uli kapag lumabas ka, magsabi ka lalo na kung disoras na ng gabi ha, Lana?” Lana ang palayaw ni Alyana sa mga magulang niya.
“Kung saan-saan ka nagpupunta, eh gabi na.”
“Saan naman ako pupunta sa baryong ito? Wala ka naman pwedeng puntahan eh kun di diyan sa dalampasigan,” sagot ni Alyana sa Tatay niya. “Bakit ho ba hinahanap ninyo ako?”
“Tumawag si Daniel. Tawagan mo na lang kais binaba na niya ang tawag niya. Hindi ka raw kasi nasagot sa text niya eh magka-text lang daw kayo tapos bigla ka lang nawala.”
“Ka-text kanina eh. Sinabi ko pa nga matutulog na ako. Ano bang sabi?”
“Tuloy na raw ang pagdalaw sa’yo rito. I-text mo na nang hindi nag-aalala”
“Bukas na ho. Text ko na lang na tutulog na ako.”
“Nakaihi ka pa yata oh? Basa pa ang pajama mo.”
Natigilan si Gelo at nagkatinginan sila ni Alyana.
“Natalsikan ako ng alon. Ang dami naman ho ninyong napapansin.”
“Sige na. :Pumasok ka na sa bahay nang makapagpalit ka na at matulog ka na ha?.”
“Sige na ho, matutulog na ho ako. May pasok pa bukas.”
“Sige. Basta i-text mo muna si Daniel ha?”
“Oho. Ako nang bahala, Tay.”
“Okey na, Gelo. Matulog ka na rin. Pasensiya na sa abala ha? Kaibigan mo kasi hindi mapirmi sa bahay eh,” sabi ni Brenda na kumaway pa.
“Sige ho.”
Nagtinginan sina Alyana at Gelo.
Ngiting tagumpay ang kanilang mga ngiti.
Hinila ni Gelo ang pinto at pumasok sa kanyang kuwarto. Napasuntok pa siya sa sobrang saya. Hmiga siya sa matigas niyang papag na nakangiti. Inilagay niya ang magkasaklob niyang palad sa likod ng kanyang ulo. Iyon ang ginamit niyang pinang-unan habang nakangiting nakatingin lang sa kisame. Ang sarap lang kanina. Sabay na dapat ng paglabas ng kanilang katas ni Alyana kung hindi lang istorbo ang Nanay at Tatay ni Alyana. Pero sa gabing ito, kahit pa hindi niya napasok si Alyana, pakiramdam niya hindi na siya gaya dati na inosente. May alam na siya sa s*x at gusto niya. Gusto niyang ulit-ulitin iyon kasama si si Alyana. Sigurado na kasi siya sa gusto niya. Gusto niyang si Alyana na kanyang maging asawa. Pagkakatiwalaan niya ang kanyang kasintahan na kahit sila ni Daniel ay siya pa rin ang pipiliin nito. Gusto niyang bumuo sila ng sarili nilang pamilya kapag nakatapos na si Alyana kagaya ng ipinangako sa kanya.