Chapter 70 Natameme siya. Sa gulat at sa dami ng mga nangyayari, hindi agad nakagalaw si Alyana. Ni hindi siya makasigaw para humingi ng tulong. Para bang may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan. Gusto niyang pigilan si Daniel ngunit hindi niya magawa. Nakita niya ang mga kapatid ni Gelo sa gilid ng kuwarto. Ayaw nyang madamay ang mga ito. Hindi siya makakalaban. Hindi niya maikilos ang kanyang katawan sa sobrang pagkabigla. Ngunit hindi pwede ng gano’n na lang. Kailangan may gagawin siya, hindi pwedeng maulit muli ang nangyari kay Gelo dahil paniguradong tutuluyan na siya ni Daniel. Tumulo ang kanyang mga luha. Naiinis siya sa sarili niya na nakatutok na ang baril sa ulo ni Gelo ngunit wala pa rin siyang magawa. "Maniwala ka sa amin Dok. Gising na siya! Gumalaw ang kamay niya, Dok