PARAISO

1855 Words
Chapter 9 Bumunot si Alyana ng malalim na hininga. Naramdama ni Angelo na parang may takot na kalakip ng buntong-hininga na iyon. “Kakausapin ko na lang si Daniel kapag dumalaw siya sa akin. Sasabihin ko sa kanya na wala na kami, na tapusin na namin, na wala na siyang aasahan sa akin. Huling-huli na ang pagkikita namin sa pagdalaw niya sa akin. May usapan kasi kami kaya kailangan kong tapusin na muna iyon dahil may kailangan ako. Nangangailangan ako.” “Nangangailangan ka ng ano.. ng pera ba?” Tinanggal ni Alyana ang ipiniring sa kanya. Kinusot niya ang mga mata. Maganda ang nakita niyang kapaligiran ngunit hindi muna iyon ang kanyang gustong pansinin kundi mas mahalaga sa kanya na pag-usapan muna nila ni Gelo ang lahat tungkol sa kanila lalo pa’t alam niya na kagagalitan siya ng kanyang mga magulang kung una, hihiwalayan niya si Daniel at pangalawa, pinipili niya ang kanyang kababata na ang alam ng kanyang mga magulang ay kaibigan lang niya. “Magtatapos na tayo ng high school. Mag-eenrol na ako para sa kolehiyo. Gusto kong mag-aral sa Manila eh. Pangarap kong maakapagtapos doon para mas madali sa akin ang makakuha ng magandang trabaho.” “Pero matalino ka naman eh. Hindi ba magiging scholar ka pa nga.” “Kapag ba scholar ako, sapat na yung scholarship ko para mabuhay sa Manila? Tuition lang ang libre at kakarampot na allowance. Hindi mo maiintindihan ang buhay Manila kasi hindi ka pa naman doon nagpunta.” “Sorry ah,” medyo nasaling ang pride ni Angelo. Napahiya. “Sorry din. Huwag mo na kasing isipin pa iyon, okey? Problema ko na ito.” “Sabagay, wala naman akong maibibigay sa’yo na tulong. Hindi kasi akong pera kahit pa gusto ko sanang tumulong. Kulang pa nga ang kinikita ko para sa mga kapatid ko. Simpleng buhay lang kasi ang gusto ko. Magkaiba tayo ng pangarap pero susuportahan ko ang pangarap mo. Hindi ko alam kung paano ako makatutulong ngunit kung ako ang pipiliin mo, gagawin ko ang lahat para matulungan kita.” “Mabuti ka pa, kahit walang sapat na pera mukhang okey lang. Masaya kung anong meron. Sapat na yung buhay na ganito. Pero hindi ang kagaya ko Gelo. Hindi sapat sa akin ang ganito lang. Hindi pwedeng makuntento ako sa kung anong meron lang. Gusto kong umunlad. Gusto kong magbago ang buhay ko. Kung hahanapin ko ang tunay kong ama para lang tulungan akong umunlad ay gagawin ko.” “Maiiwan ako ritong mag-isa?” “Ganoon talaga. Pero pwede bang huwag na lang natin pag-usapan pa tungkol dito, please?” “Sige. Balik na lang tayo kay Daniel, sa tingin mo, maiintindihan niya? Ganoon lang kadali sa kanyang tanggapin iyon?” “M as matanda si Daniel sa’yo ng mga limang taon. May negosyo. Hindi siya kagaya natin.” “Kaya gusto mong tawagin ko siya ng Kuya Daniel?” “Oo.” Huminga nang malalim si Gelo. “Okey. Ano nga? Ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon niya?” “Wala rin naman siyang magagawa eh. Idadahilan ko na lang na nagbago na ang pasya ko sa buhay. Para kasing katawan ko lang ang habol niya at hindi niya ako tutulungan kagaya ng pangako niya sa akin. Umaasa ako na madali ko siyang mapakiusapan na tigilan na niya ako pagkatapos ng aming usapan. Na wala na siyang aasahan pa sa akin. Alam ko kasing iyon ag ipinunta bilang kabayaran sa mga perang ibinigay niya na puhunan kina Nanay at tulong niya sa pag-aaral ko rito.” Hindi gusto ni Gelo ang iniisip niya tungkol sa kabayarang ibibigay ni Alysa kay Daniel ngunit alam niyang hindi rin naman ipagtatapat ni Alyana kung ano iyon. At kung sasabihin niya, baka mainsullto si Alyana na siya nilang maaring pag-awayan. Pinisil na lang niya ang kamay ng dalaga. “Pero kung ikaw nga ang pipiliin ko, paano tayo Gelo? Anong balak mo sa atin?” Napalunok si Gelo. “Eh di magbabanat ako ng buto. Magta-trabaho ako para matulungan ka sa pag-aaral mo sa Maynila.” “Paano ang ma kapatid mo? Kulang na nga lang sa kanila ang kikitain mo sa pangingisda, makikihati pa ako.” “Tutulungan naman siguro kami ni Tita at yung Tiyo ko rito. Sa gabi mangingisda ako at sa umaga naman hanggang hapon maghahatid na lang din ako sa mga turista sa mga island hopping. Kaya kong gawin ang lahat para sa’yo.” “Hindi ka ba magtatapos ng iyong pag-aaral? Masaya ka nab a sa buhay na ganito?” Tumango si Gelo. Ngumiti siya at umiling. “Alam mo naman ang kapasidad ng utak ko hndi ba? Hindi ako kagaya mong matalino. Masipag ako, masikap at iyon ang alam kong lakas ko pata umahon. Wala akong interes sa pag-aaral ngunit gusto ko rin naming magtagumpay sa buhay. Hindi ba nag-aaral ka para maging magaan ang buhay mo? Ako magtatrabaho ako at magsisikap para mabago rin ang buhay ko, ang buhay natin. Di ba hindi naman lahat ng nakapag-aral ay mayaman, hindi rin naman lahat ng di nakapag-aral, mahirap.” “Oo naiintindihan ko at naniniwala ako na kaya mo. Kaya mong umunlad sa sarili mong kaparaanan.” Dahan-dahang hinawakan ni Angelo ang braso ng dalaga, paakyat sa balikat hanggang sa hinawakan niya ang mukha ng dalaga at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Alyana at muli niyang naramdaman ang malambot na labi ng dalaga na nakalapat sa kanyang mga mga labi. Nakapikit niyang ninanamnam ang sarap ng kanilang ginagawa. Hindi siya nagsasawa kahit maghapon at magdamag pa nilang ulit-ulitin ang paghahalikan. Hanggang sa inilayo ni Alyana ang kanyang labi. “Sandali ha? Ilagay muna natin ang piring mo, Baby ko?” sabi ni Gelo. “Baby ko?” “Ayaw mo?” “Syempre gusto, Baby ko.” “Salamat naman kung gusto mo ang tawagan natin.” “Oo gusto ko. Matagal pa?” ang tinatanong niyang matagal pa ay ang pagpiring sa kanya ni Gelo. “Sandali na lang ‘to. Di pa kasi tayo nakararating sa ipakikita ko sana sa’yo. Mga 2 minutes na lang ang layo mula rito” “Sige na nga.” Muling inilagay ni Gelo ang piring sa dalaga. Naglakad na sila. Inalalayan niya si Alyana. “Ang dilim pero parang may narinig na akong lagaslas ng tubig. Alon ba? Bumalik ba tayo sa dalampasigan?” “Oo pero ibang dalampasigan. Dumilat ka na baby ko...bilis!" Bago nagawang dumilat ni Alyana ay naikintal sa isip niya ang sinabi ni Gelo na baby. Baby ko. Iyon ang magiging tawagan nila? Napangiti si Alyana kasi usually, silang mga babae ang pumipili ng kanilang endearment pero si Gelo, siya ang nag-isip. Kinilig siya. Pagdilat niya ay nakita niya ang ganda ng lugar na sa picture o sa pelikula lang bihirang nakikita. Yung magandang tanawin na akala niya wala sa bayan na iyon kasi namayani yung takot ng lahat na ang islang ito ay hindi maaring puntahan dahil sa samo’t saring mga sabi-sabi ng mga matatanda. Napakaputi ng buhangin. May mga wild orchids din na parang isinabog sa mga nagtataasang mga niyog. Malinaw na kulay asul ang tubig at marahan lang ang hampas ng alon. Napakaganda ng lugar kahit pa lumaki siya sa gilid ng dagat. Para ito yung nakikita niyang mga pictures sa social media na Boracay. Pino ang buhangin. Ibig sabihin ay bibihirang tao pa lamang ang nakakapunta rito. Malayo lang kasi pero sulit ang hirap sa ganda ng tanawin na makikita. "Wow! Ang ganda! Grabe!" “Di ba? Nadiskubre ko lang ito nang nangisda ako at hindi ko alam na ganito pala kaganda rito. Pakiramdam ko, imbento lang yung mga kuwento-kwento para hindi masira ang lugar na ito at dayuin ng mga turista at mga tao. Kaya hindi napupunbtahan kasi nakita mo yung lakas ng hamoas ng alon sa bahaging iyon at doon?” itinuro niya ang bahagi kung saan kailangan daanan ng Bangka para maabot. Kaya sila naglakad dahil paniguradong hindi kakayanin ng bangka ang dumaan doon. Umupo si Gelo sa pino at maputing buhangin. Hinila niya ang dalaga at pinasandig niya sa malapad niyang dibdib. Niyakap niya ang dalagang nakasandal na sa kanya. "Alam mo baby ko? Simple lang ang pangarap ko. 'Yung sana yumaman ako. Tapos, mabili ko ang lugar na ito, mapatayuan ng kubo at kasama kita araw-araw.” Napangiti si Alyana. Alam kasi niyang imposible iyon. “Bakit ka nakangiti? Hindi ka ba naniniwala?” “Siguro. Hindi ko alam. Pero salamat ha?” “Salamat saan?” “Kahit alam mo na may mga bagay akong ginagawa ngayon na hindi ko halos kayanin pero kailangan kong gawin ay inintindi at tinanggap mo. Feeling ko nga, andumi-dumi kong babae kasi para makamit ko lahat ang mga pinapangarap ko ay kailangan ko pang pumatol ng kagaya ni Daniel. At dahil may naipangako na ako kanya, pakiramdam ko iyon na ang siyang sisira sa akin, sa buhay ko, sa buhay at mga plano natin." "Hindi kita maintindihan.” “Hindi mo talaga maiintindihan kasi magkaiba tayo ng buhay. Pagkatapos natin ng high school. Lalo na ngayon, graduating na tayo, aalis ako rito. Nangangailangan ako ng malaking halaga at bahala na kung saan ako dadalhin ng aking mga paa pero kailangan kong magtagumpay. Kailangan kong makatapos para sa atin.” “Kinausap mo na ba ang mga magulang mo? Malakas naman ang negosyo ninyo hindi ba?” “Nagsabi na ako pero ang negosyong iyon ay galing din kay Daniel na ang kapalit ay ako. Kaya nga pupunta rito si Daniel para maningil ng kabayaran ng lahat at kukunin na rin ako para panindigan ang pangakong patapusin ako sa aking pag-aaral.” “Wala ka naman ginagawang masama di ba? Bilib nga ako sa iyo dahil ikaw ang dumidiskarte sa sarili mong buhay. Di tulad ko, baka nga hanggang dito na lang din talaga ako. Kaya tuloy hindi ko alam kung paano kita matutulungan. Hindi ako mangangako ng halaga pero susubukan ko." "Huwag na. Ibigay mo na lang sa mga kapatid mo kasi sila ang higit na nangangailangan ng tulong mo. Alam mo ba? Naiinggit ako sa iyo.” “Sa akin? Wala ka naman dapat kainggitan sa akin ah.” “Meron. Yung simpleng pag-iisip. Simpleng hangarin. Simpleng pangarap. Wala kang ibang iniisip kundi ang ngayon lang. Ako kailangan kong magtrabaho at gamitin ang lahat ng sa akin para sa matayog kong pangarap. Kailangan kong magtiis. Kailangan kong tanggapin at sikmurain ang lahat para lang makapag-aral sa kolehiyo. Maswerte ako sabi nina Nanay at Tatay kasi nandiyan si Daniel ngunit pagkatapos nito, ngayong magkokolehiyo na rin ako, hindi ko na alam kung ano na ang hihinging kapalit ni Daniel. Sa edad ko ngayon baby ko, ang dami ko nang pinagdaanan na hindi ko masikmura ngunit wala akong magawa kundi gawin iyon ngayon." "Anong di mo masikmurang ginagawa mo? Maayos ka naman dito ah. May gusto ka bang sabihin sa akin?" Naguguluhan na si Gelo. Para kasing may gustong tumbukin si Alyana na di niya tuwirang nasasabi. Tinitigan siya ng dalaga. May namumuong luha sa kaniyang mga mata. Kinutuban si Gelo nang hindi maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD