Dahil hindi s'ya mapakali ay lumabas s'ya ng condo unit para puntahan ang ama. Paniguradong sa Donya Feliza Hospital dinala ang Daddy n'ya. 'Yun ang pinaka malaking ospital sa bayan ng San Miguel. Wala s'yang pakialam kay Liam. Magalit na ito hanggang gusto nito. Sino ba ito sa tingin nito para hintayin n'ya nais na n'yang malaman ang kalagayan ng Daddy n'ya. Hindi s'ya pwedeng maghintay na lang ng balita galing kay Liam. Kahit ayaw ni Liam at paniguradong magwawala 'yon pag nakita nitong wala s'ya sa condo n'ya. Hindi s'ya nito mapipigilan. Aalamin n'ya ang kondisyon ng ama. Magwala na ito kung gusto nito. Pagdating sa Donya Feliza Hospital. Naglakas loob s'yang pumasok sa loob. Nagsuot s'ya ng hoody at itim na facemask para kahit paano hindi s'ya mamumukhaan. Lumapit s'ya sa informat