Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. Bigla tuloy akong napatingin sa aking pang-ibabang kasuotan. Ano kayang mali? Isang simpleng short lang naman ang suot ko? Ano’ng problema ng lalaking ‘to? Hanggang sa muli akong tumingin dito. Nakakunot din ang aking noo. “Mawalang galang na po, Master. Hindi ko po kasi maunawaan ang mga pinagsasabi mo---” Ngunit napahinto ako sa pagsasalita nang muli na namang magbuga ng usok ng sigarilyo ang lalaki sa aking mukha. Agad ko na lang hinawi ang usok na tatama sa akin. Wala naman akong narinig na salita ulit sa lalaki nakatingin lamang ito sa akin habang panay pa rin ang hithit ng sigarilyo. “Maiwan na po kita, Master. Aayosin ko pa kasi ang mga damit mo.” Nagmamadali na akong tumalikod at hindi ko na ito hinintay na magsalita. Agad kong kinuha