Nagising ako sa boses ng isang lalaki. Kahit hindi ko imulat ang aking mga mata ay pamilyar ito sa akin. Ngunit hindi ka agad ako nagmulat ng mga mata. At talagang pinakinggan ko ang pinagsasabi nito sa kausap nito. “Kill them. Wala kayong ititira kahit isang buhay!” narinig kong utos ng lalaking kilala ko ang boses. Ramdam ko rin ang galit sa tono ng pananalita nito. Hanggang sa biglang nag-sink in sa utak ko ang nangyari sa akin. Ang pagkawala ko ng malay tao. Mabilis tuloy akong napamulat ng mga mata. Agad din akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Dali-dali kong inayos ang kama na kung saan ako nakahiga dahil gusot na ang cover nito. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin. Ngunit nakakahiya naman kung nakahiga pa ako rito sa ibabaw ng kama na alam ko sa aking sarili na