Natakot ako nang makita ko ang panlilisik ng mga mata ni Owen. Halos makalimutan ko nga na halos mabali na niya ang kamay ko dahil sa pagkakahawak niya rito. “Ma’am, okay lang po ba kayo rito?” May lumapit sa aming isang waiter. Nakaabang na rin ang guard ng diner. Napansin ata nila kaming nakatayo lang dito. Agad akong binitawan ni Owen at inayos ang kanyang sarili. Ngumiti siya roon sa waiter bago mag-iwan ng pangbayad sa lamesa. “We’re fine. Nagtatalo lang kami kung sinong magbabayad,” kalmado niyang sinabi. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko si Owen na ganoon kaya sobra na lang ang pagkabigla ko. “Shall we go?” Bumaling sa akin si Owen habang nakangiti. Ganoon pa man kita mo pa rin ang panlilisik ng mga mata niya. Nauna siyang naglakad papal