HALOS ikabagsak ng mukha at balikat ni Summer ng makarating sila. Maraming tao at tila naghihintay sa mga taong kalahok sa paligsahan.
" Baliw ka ba?" Angas na tanong niya sa kaibigan niya.
" Hehehe ! Sige na, alam kong ikaw lang ang ipambabato ko diyan."
" Ayako nga. Ikaw na sumali sa paligsahang yan."
" Arte nito, di mo ba alam nilista ko pangalan mo diyan."
" Ano? Bat mo ginawa yun?" May halong pagkainis sa boses ni Summer.
" Kasi alam kong mananalo ka." Pagtataas ng kilay nito sabay ngiti sa kaibigan.
" Ayo-ko ! Uwi na ako."
" Gaga, uuwi ka tapos papabugbog o uuwi kang may dalang premyo kapalit nung manook na nawala mo?" Aniya ng kaibigang hinuhuli ang reaksyon ni Summer.
Napakamot sa ulo naman si Summer saka napatingin sa mesa kung saan sa ilalim ng bawat itlog na nilaga ay may perang tig 20 at sa pinakadulo ay may tatlong bote din ng alak kung saan may tig isang daan din sa ilalim nito.
" Maureen, hindi ka talaga hulog ni Lord sakin nuh." Napapakunot noong sambit niya.
" Sige na sumsum, wag mo naman ipahiya ang nayon natin. Ikaw napili namin para diyan." Pakiusap nito na nakanguso pa.
" Bakit ba kasi ako pinili? Ni di mo man lang sakin sinabi muna. Sa tingin mo ba mauubos ko yung labing dalawang nilagang itlog tapos may redhorse pang tatlong bote? "
" Hehe! Sum yakang yaka mo yan di ba? Nilagang itlog lang yan tsaka redhorse kaya alam kong kayang kaya mo yan. Sige na."
" Hoy Maureen, di porket taga benta ako ng mga itlog ay kayang kaya ko ng lunukin lahat ng mga itlog na yan. Isa pa nakakasawa kaya yan."
" Talaga naman, eh di mo naman lulunukin lahat yan, ngunguyain mo lang. Tsaka isipin mo pag nagawa mo lahat yan ey di ka na mamomoroblema. Sige na oh !" Pamimilit ng kaibigan nito sa kaniya na nagpapakurap kurap pa ng mata habang nakanguso.
Napasulyap muli si Summer sa mesa saka napabuntong hininga.
May tama nga naman si Maureen, kung mauubos ko lahat yan panigurado hindi na ako mahihirapan pang mag isip kung san ako kukuha ng perang pamalit dun sa letcheng winala nuong lalaking baliw na yun. Pero umay na umay na ako sa nilaga. Araw-araw kong inuulam ang itlog simula ng nagkamuta na ako. Kung hindi itlog na maalat, ey itlog na nilaga o kaya prinito. Itlog na itlog talaga ang buhay mo Summer.
Sigaw ng isip niya na ikinailing niya.
" Oy ano na? Tinatawag na pangalan mo Sum." Yugyog sa balikat niya ni Summer.
" Oo na. Sa susunod pwede ba wag naman sa mga itlugan, sawa na ako sa anak. Yung nanay naman okay? " Sabay irap nitong sambit ni Summer kay Maureen na agad namang yumakap sa kanya.
" Sabi na ii di ka tatanggi heheh. Thank you."
" Magpasalamat ka nalang dahil gipit ako at kailangan kong kumapit na naman sa mga itlog na yan kung hinid lagot ka talaga sakin ngayon." Banta niya sa kaibigan na pinanlalakihan niya pa ng mga mata.
" Hehe ! Thank you. Loveyoulots !"
" Heeeh ! Oh hawakan mo yang basket ko, hawakan mong maigi baka pati yan mawala pa." Saka tumalikod na sa kaibigan at humakbang papalayo.
" Go Summie ! Go Sum-sum ! Go Sunny ! Go Ms. Queen of Eggs--opss !" Napatakip ng bibig ng biglang sinamaan ng tingin ni Summer na kasalukuyan ng nasa harapan ng mesa katabi ang lalaking host ng palaro.
" Humanda ka sakin mamaya Maureen, papalunukin ko yang bunganga mo ng isang buong itlog." Bulong nito sa sarili saka umirap.
SAMANTALA,kaaalis pa lamang nila Forrest sa kanilang bahay at kasalukuyan na silang papunta sa lugar kung saan magboboluntaryong magtuturo si Alex. Habang nasa kasagsagan sila ng daan ay naagaw naman ang atensyon nila sa mga taong nag uumpukan na tila may kaniya kaniyang pambato na isinisigaw.
" Anong meron? May naaksidente ba?" Tanong ni Alex. Tinapik namna siya sa balikat ni Forrest.
" Pre, dito sa probinsiya hindi lang aksidente ang pinagkakaguluhan. Naalala ko may mga palaro pala ang Mayor ngayon dahil sa nalalapit na piyesta."
" Piyesta? Hahaha ! Seriously, pinagtutuunan niyo yan ng pansin?" Natatawang saad ni Alex.
" Yep, dito sa probinsya pre ang piyesta ang pinakamasayang araw sa mga tao, bawat bahay ay may kaniya kaniyang handaan, at mga bisita. Nagpapalaro ang Mayor kapag malapit na ang piyesta, may palaro din sa dagat, may paligsahan, at may mga papremyo. Dinadayo din ng karatig nayon ang lugar na may piyesta para makikain, at makisaya lalao na yung mga kamag anak na malalayo ay talagang napapadayo yun. Tsaka may sayawan pang nagaganap." Nakangiting nagkwekwento kay Alex na kasalukuyang napapailing.
" Talaga lang huh? Bat sa Maynila walang ganun?" Tanong nito.
" Tanong mo sa Mayor niyo kung bakit wala hahah."
" Gag* ! "
" Hindi meron naman kayo pero hindi ganun kasaya sa mga piyesta namin dito sa probinsya. O'sya tara manuod tayo." Sabay hatak nito kay Alex palapit sa nagkakagulong palaro. Pero sabay silang napalunoko ng matanaw nila ang babaeng sunod sunod na dumadampot ng nilagang itlog at inilalagay sa bibig niya.
" P--pre ! Ta--tama ba ako ng nakikita ko? Si--siya na naman. Yung--yung asawa mo este yung--yung babae kanina. Pre--what-what if ibalik nalang kaya kita sa Maynila, baka nagagalit sakin si--si Serene sa ideya kong tu sayo. Tara na--" Napapalunook nitong sambit saka nagpalipat lipat ng tingin kay Summer at kay Alex.
Napalingon naman sila sa katabi nitong nagtatatalon at sumisigaw.
" Go Ms. Queen of eggs. Go Sumsum ! Tatlong itlog nalang at tatlong redhorse ! Kaya mo yan para sa manok na nawala mo." Sigaw nito dahilan para magkatinginan si Alex at Forrest. Dahilan para pasimpleng humakbang pakaliwa si Forrest kung san nakatayo si Maureen saka napalunok at naglakas loob na magtanong.
" Ah --eh ! Excuse me Miss?" Saad niya, napatingin naman ng masama sa kaniya si Maureen.
" Excuse me too, kung manghihingi ka ng numero ko, sinasabi ko sayo di ka papasa sa standard ko." Sabay irap nito dahilan para mapakunot noo si Forrest.
" Suplada. Akala naman kagandahan." Sabay talikod.
" Anong sabi mo?" Sigaw ni Mau para magulat si Forrest.
" Hoy ! For your intonation. Ako ang pinakamaganda sa nayon na tu kaya maghinay hinay ka sa mga sinasabi mo."
Napakagat labi naman si Forrest saka hinarap si Mau.
" Talaga lang huh? Hindi halata. Tsaka for your information yun Miss, hindi intonation. Boba."
" Aba't---sira ulo ka din ii nuh? Ano bang kelangan mo huh? " Nakapamewang na tanong na ni Maureen na tila naghahamon na ng away.
" Ita--ta--itatanong ko lang kung kaibigan mo nga yung lumulunok ng itlog." Napapalunok nitong tanong.
" Abay oo bakit?'' Sigang sagot ni Maureen.
" Anong kulay ng damit niya?"
" Eh ikaw pala boba satin eehy, kulay lang di mo pa alam. Diyan ka na nga."Mabilis na sagot ni Maureen saka ito napatalikod. Napakagat labi naman itong si Forrest.
" Pre, hindi nga tayo minumulto. Totoong kamukha niya si Serene. "