Follow You Nadatnan ni Lyan si Chase sa labas ng mansion. Mukhang walang pasok ito ngayon dahil hindi siya naka office attire. Naka shorts lamang ito at naka T-shirt ng may collar. Napakasimple pero napakalinis tignan. Isa sa mga nagustohan ni Lyan kay Chase ay ang pagiging malinis nito. Napakaayos ng buhok nito lagi. Sa gilid sa hati ng buhok, at pinatigas gamit ng wax. “Are you ready?” Napalingon naman si Lyan sa kanyang likoran at hinanap kung sino ang kausap ni Chase. “Ako po?” turo naman nito sa kanyang sarili. “No, I meant that plant at your back” “Ano po?” “Yes Ikaw. Kung wala ka nang hinihintay pa na iba, Lumakad na tayo” sabi naman ni Chase habang hinahalungkat ang kanyang cellphone. “Bakit meron bang tayo?” “Ano?” Napailing-iling naman kaagad si Lyan sa kanyang