Bad Move I-pinangako ni Lyan na uuwi siya ng maaga ng Lunes upang maihatid pa niya ang mga bata sa eskwelahan. Para na rin makapag luto siya ng baon nila. Nang papasok na sana siya sa malaking pintoan ay nadatnan niya si Jin at Jana sa tapat ni Chase. Base sa hitsura ng dalawang bata ay mukhang pinagagalitan sila ni Chase. "Lagi na lang ba kayong ganito? Nag-hahanda ako para sa trabaho ko tapos ang tigas tigas ng ulo ninyo. Huwag niyo nang papasukin sa eskwelahan ang dalawang ito." Umalingawngaw sa loob ng bahay ang galit na boses ni Chase. Malungkot ang mukha nila Sally nang magtinginan silang dalawa ni Lyan. "Ikaw Jin, Tama ba na Paglaruan mo ang mga bagay na hindi sayo?" Naalarma nalang si Lyan nang hawakan ni Chase sa braso si Jin. "Jin" agad na lumapit si Lyan sa mag-aama.