A weekend together... Kanina pa nakatitig sila Othan, Sally at Aling Theresa habang nagluluto si Lyan sa Kusina. Walang pasok ang mga bata ngayon kaya naisipa ni Lyan na ipaghanda sila ng umagahan. "Nako, Sana huwag itapon ng mga bata ito." nag aalalang lumapit si Aling Theresa kay Lyan. "Sana nga po. " Napangiti lamang si Lyan. Nang makita nila Othan ang dalawang pares ng pinggan, Kutsara, tinidor at baso na inihanda ni Lyan ay nagulat sila. "Bakit iba ang mga plato nila?" Tanong naman ni Othan. "Ahh. Nakita ko ito sa Grocery kahapon, Nacutan ako kaya binili ko" natutuwang saad naman ni Lyan. Kulay asul at Kulay pink ang platong binili ni Lyan. May limang silid ang hugis parihaba na nabili niyang plato para sa mga bata. Ang baso, kutsara at tinidor naman ay kulay pink at as