TUMAYO si Apollo mula sa pagkakaupo niya sa sofa ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng bahay niya. Sigurado siya na ang taong kumakatok sa labas ng bahay niya sa sandaling iyon ay walang iba kundi si Doc Trevor. Kanina pa kasi niya hinihintay ang pagdating nito dahil inaasahan niya ang lalaki. Kasabay naman ng pagtayo ni Apollo mula sa pagkakaupo niya ay ang pagdampot ng walking stick niya niya na nakapatong sa center table. At saka siya naglakad palapit sa gawi ng pinto para pagbuksan niya si Doc Trevor. He opened the door. "Good evening, Apollo," narinig naman niyang bati ni Doc Trevor sa kanya ng matapos niya itong mapagbuksan ng pinto. "What took you so long?" tanong naman niya dito, hindi din niya napigilan ang mapakunot ng noo. Kanina pa kasi niya ito hi