Chapter 28

2024 Words

"KAMUSTA ka naman, Brielle?" tanong ng kaibigang si Marie ng minsang magkita sila. Nasa isang coffee shop silang dalawa na matatagpuan sa loob ng Mall. Sunday nang araw na iyon at day-off niya. Umuwi siya sa kanila. At bago siya umuwi ay hinintay mo na niya ang pagdating ng Mama nito para ito mo na ang magbabantay sa anak nito. Bilin din kasi ng Mama nito na hintayin niya ito bago siya umalis ng bahay para kahit papaano ay mau magbabantay kay Apollo, may magbibigay ng pangangailangan nito. At bago nga siya umalis ay nagpasalamat pa ito sa kanya sa hindi niya pagsuko sa trabaho, na nanatili siya do'n kahit na sa unang araw niya ay pinahirapan siya ni Apollo dahil lagi itong nagagalit sa kanya. At bilib din si Brielle sa sarili dahil nakayanan niya ang ugali ng Boss niyang napakasungit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD