KUMUNOT ang noo ni Apollo nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Kinapa naman niya ang cellphone kung saan niya madalas inilagay ang cellphone niya. And since hindi naman niya nakikita kung sino ang tumatawag sa kanya at hindi niya nakikita ang answer button niyon ay kinuha din niya ang airpod na nasa ibabaw ng bedside table at inilagay niya iyon sa tainga niya. At iyon ang ginamit niya para sagutin ang tawag. "Hello?" he said in a deep baritone voice when he answered the phone call, his expression didn't change, his foreahead still creased. "Apollo," narinig naman na banggit sa pangalan niya mula sa kabilang linya. His voice is familliar. Kilala kasi niya ang boses na iyon. It was Dr. Trevor Gomez--his Doctor and his family friend. "Oh, what?" he asked in a