BAHAGYANG kumunot ang noo ni Brielle ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng kwarto na tinutuluyan. Saglit siyang napatitig sa nakasarang pinto pero ng hindi na nasundan ang pagkatok ay inalis niya ang tingin sa pinto at itinuon ang atensiyon sa hawak na cellphone. She was busy writing again on her cellphone. Wala din naman kasi siyang ibang gagawin ng sandaling iyon. Nakapaglinis na siya, nakapagluto, nakapaglaba. Si Apollo naman ay nagkulong na sa loob ng kwarto nito. At sigurado si Brielle na mamayang gabi na ito lalabas ng kwarto. At para maging productive ang araw niya ay naisipan na lang niyang magsulat. Sayang din naman ang oras niya kung magmumuni-muni lang siya. At akmang magtitipa si Brielle sa cellphone niya ng mapatigil siya ng muli siyang mak