BUMABA si Brielle mula sa pagkakasampa niya sa kama nang magising siya kinaumagahan. Pagkatapos niyon ay nag-inat-inat pa siya ng katawan. Hindi na din kasi siya nakakapag-exercise nitong nakalipas na araw dahil nga busy siya. Kung wala naman kasi siyang ginagawa ay ang inuuna niya ay ang magsulat kaysa mag-exercise Ilang minuto din niya iyong ginawa hanggang sa damputin niya ang ponytail niya na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Ipinusod naman niya ang mahabang buhok in a messybun style. May ilang buhok ngang kumawala mula sa pagkakapusod niya pero hinayaan lang niya iyon. Pagkatapos ay napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto para magluto ng breakfast ni Apollo. Kahit na nakakaramdam siya ng bahagyang awkardness dito ay kinakailangan pa din niyang gawin ng maayos ang trabaho niya, k