"EARTH to Brielle." Napakurap-kurap ng mga mata si Brielle nang marinig niya ang boses na iyon ni Marie. Napansin din niya ang pagpitik ng kamay nito sa mukha niya. Napatingin naman siya dito. At napansin niya ang pagtaas ng isa nitong kilay ng magtama ang mga mata nila. "Bakit?" tanong naman ni Brielle kay Marie. "Saang planeta naglalakbay ang isip mo?" wika nito sa halip na magbigay ito ng komento sa sinabi niya. "Hindi kita ma-reach," dagdag pa na wika nito sa kanya. Kinagat naman ni Brielle ang ibabang labi. Hindi din niya napigilan ang makaramdam ng guilt habang nakatingin siya sa kaibigan. "Sorry," hingi naman niya ng paunmanhin kay Marie dahil sa hindi niya pakikinig sa sinasabi nito. Naririnig naman niya ang sinasabi nito pero hindi niya iyon naiintindihan dahil wala doon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books