Suot ang isang hapit na yoga pants at tank top, para kaming baliw na naglalakad sa kalye ng campus. Papunta kasi kami ngayon sa initiation ng Bella Sorority House at required na magsuot kami ng ganito. Actually, ayoko ngang sumali eh pero nakiusap sakin si Amy at i-try lang daw namin. May privileges din naman kasi tsaka kanya-kanya daw kami ng room kaya um-oo na ko. Kung bakit kasi may initiation pa! Naku lagot sakin tong si Amy pag pinagawa samin eh makipag-s*x sa brother house nila which is the Apollo Fraternity House compose of football players.
"Amy ah, pag kalokohan lang toh kakalbuhin kita!" inis kong sabi at napa-roll eyes lang siya.
"Ano ka ba Lavi, I'm sure mag-eenjoy din naman tayo especially pag kasali ang mga Apollo boys."
"Mga football players ba ang habol mo? Sabi ko naman sayo ang daming lalake dito sa campus na mas disente. Why don't you try dating a guy who loves art o kaya kasali sa theater o kaya naman ibang sports tulad ng swimming club."
"Swimming club?" curious niyang sabi.
"Yeah, mga lalakeng maganda din ang katawan na nakasuot lang ng tight speedos kaya kitang-kita mo ang kanilang malalaking bukol at matambok na puwet."
"What? Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin toh? Teka, may natikman ka ba don?"
"Gaga! May pinsan ako don at nanonood ako pag may tournament sila. Ikaw kasi puro football ang laman ng utak mo."
"Eh sila ang pinakapopular eh tsaka ilang beses na din silang nag-champion dahil sa magaling nilang quarterback."
"Quarterback?" taka kong sabi.
"Yeah, yong nagto-throw ng football." tumango lang ako at bumuntong-hininga siya. "Wala ka palang alam sa mga ganyan. Hindi ka man lang ba nanood ng game nila dito sa campus?"
"What for? Mas gusto ko pang kasama ang sketchbook ko."
"Kaya ka hindi nagkakaroon ng boyfriend eh. Sandali, yong kasama mo sa party? Sino yon ha?"
"He's none of your business. At ikaw tama na ang kabaliwan mo sa mga football players, sa game lang sila nagseseryoso."
"Whatever! Basta gusto kong makasali sa Bella. Ayaw mo ba ng sarili mong room ha?"
"Syempre gusto... Pero pag may pinagawa silang weird ganon. Yon lang naman ang inaalala ko."
"Let's just hope na wala." tumango ulit ako. Napanganga ako nang makarating sa sorority house. House o mansion? Para siyang greek mansion na kulay white at kita ko na every room ay may maliit na balcony. Pumanhik kami sa isa sa mga double stairs papasok kasama ang mga ibang invitees na naroon. May isang babaeng member na guide namin papunta sa isang malawak na dining hall at nandon rin ang ibang kasama niya. Pinalinya kami at nasa dulo ako katabi si Amy. Maya-maya bumukas ang malaking pinto at pumasok ang hindi ko inaasahan na tao. Ang nagke-claim na boyfriend niya si Axid at mukhang siya ang leader ng Sorority House. Ngumisi siya nang makita ako at napahinga lang ako ng malalim.
"Hello pledges!" masaya niyang sabi at sinuyod niya kami isa-isa. Tumigil siya sa harapan ko at tumaas ang isa niyang kilay. "Ako nga pala si Brianna Rivas, the president of Bella Sorority. Kayo ang mga lucky girls na invite ng mga Bella girls at puwedeng makasali sa aming house. But you need to pass our initiation for today." sumenyas siya sa pinto at may babaeng pumasok na nakahawak ng tray at may mga black blindfolds na nasa ibabaw non. Ang iba na naroon ay kinuha ang mga blindfolds at itinali sa aming ulo para takpan ang aming mga mata. May narinig akong mabibigat na yapak na lumalapit samin. "Ang kailangan niyo lang gawin ay hulaan ang kinain ng mga members ng aming brother house na sasamahan tayo ngayon." nagbulungan ang mga babae na naroon. "You just have to kiss one of them and guess what did they eat and you will pass. Easy lang diba?" tahimik naman akong napamura dahil hindi yon easy para sakin. Why would I kiss a random guy na hindi ko pa nakikita o nakikilala? What the F! Tsaka may lalake akong kinababaliwan ngayon! Bwisit na Brianna toh ah! "You may start!" Nakarinig na ko ng tunog ng halikan, ng mga ungol. Baback-out na sana ako nang may marinig akong kumosyon sa malapit. "What are you doing here?" rinig ko sa gulat na boses ng bruha.
"Move Carter, your in my place." seryosong sabi ng boses na yon na pamilyar sakin.
"I thought your not gonna join." sabi ng malalim na boses na nasa harap ko. "Naman! Type ko pa naman siya!" napakunot-noo naman ako. Ano bang? Sino ba ang mga toh?
"No! Hindi ka kasali dito!" sigaw ni Brianna. "Tsaka Carter, hindi dapat ikaw ang nandito, sa iba ka."
"And give her to Perez na hindi pa naliligo ng isang linggo? I'm not that heartless..." nandiri naman ako sa narinig. Yong Perez ba ang nakatokang halikan ko? Mamamatay muna ako sa suffocation pag ganon. And who is this Carter guy?
"Thanks man, pero ako na ang bahala rito."
"Anytime! I'll see you later cutie!" bulong niya sakin at amoy na amoy ko ang kanyang manly scent. Hinalikan niya pa ko sa pisngi na kinagulat ko naman.
"Bwisit ka Carter!" inis na sabi ng isa at nakarinig lang ako ng tawa.
"Ano bang nangyayari?" mahina kong sabi at may humawak sa mga kamay ko. I inhaled his sweet, musky scent at alam ko na kung sino siya. "Axid?" di-makapaniwala kong sabi. Wala akong narinig na sagot, naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Automatic na pumaikot ang mga kamay ko sa kanyang leeg at tumugon sa halik niya. Nalasahan ko ang mint sa loob ng bibig niya habang nagsasayawan ang aming mga dila. Hindi ko napansin ang mga bulongan at mga hiyawan na nasa paligid namin. I was so into the kiss na kung baka walang pumigil samin eh may magaganap na samin dito. Biglang may humila palayo sa kanya at tinanggal ko naman ang blindfold ko. Saktong nakita kong sinampal siya ni Brianna na kinagulat ng lahat maski ako. Lumapit ako kay Axid at nakita ang namumula niyang pisngi sa lakas ng sampal ng babae. Walanghiyang toh ah! "What the hell! Nobody hurts my man!" galit kong sabi.
"Your man?!" malakas na sabi nito at sarcastic na tumawa. "Hoy haliparot na babae! Akin siya at isa ka lang sa kanyang mga laruan! How dare you! Sino ka ba ha?!"
"I'm not that important pero hindi ko alam na ganito pala ang ugali ng president ng prestigious Bella Sorority House dito sa university. Your not decent at nananakit ng tao. Anong susunod mong gagawin? Uutosan ang mga alipores mo para sugurin ako. Tsaka bakit mo ba sinampal si Axid? He's part of the initiation! Pakialam mo ba kung maghalikan kami? Yon naman ang rules na sinabi mo! And also, mint, I tasted mint on his mouth." confident kong sabi at matalim niya kong tinignan.
"And do you even think I would accept a w***e like you in my house?!" nanggigigil niyang sabi.
"I did chew a mint gum Brianna, tama siya at pasado siya sa initiation."
"Your not the one who will decide here! Lumayas ka dito babae ka!" mahigpit niya kong hinawakan sa braso at akmang kakaladkarin palabas pero pinigilan siya ni Axid. Pinalis niya ang kamay nito at hinapit niya ko sa baywang palapit sa kanya.
"Your right, I'm not the one who will decide but not only you either. The rest of the members have the right to."
"Tumigil ka na nga Brianna!" sabi ng isang babae na may reddish brown ang buhok, maganda rin na lumapit samin at nginitian ako. "Ginagawa mo lang naman toh para may mapagtripan kayo ng mga alipores mo. Tama ang sagot niya, that's why she passed." sumang-ayon naman ang iba.
"Whatever! Hindi pa tayo tapos!" pagkasabi non, nagwalk-out siya kasama ang kanyang mga minions. Nagtawanan naman ang mga natira.
"Ladies you all passed the initiation! Welcome to Bella! There are food and drinks outside so enjoy yourselves!" masayang sabi ng babae na sumingit kanina. Natuwa naman ang lahat at nagbatian habang papalabas sila sa dining hall. "Hi! Ikaw si Lavinia right?"
"Uhm, ba't mo ko kilala?" tanong ko. Masaya ding lumapit sakin si Amy at ngumiti ng makahulugan sa akin habang ang mga mata niya ay nakatutok kay Axid.
"Lagi kang kinukuwento ng pinsan ko! I'm Jessica by the way, pinsan ni Axid." tumingin naman ako sa katabi ko at ngumiti lang siya. "Dahil dito ka na titira, siguradong magwawala si Brianna na ikatutuwa ko naman! We are going to have so much fun! Tara sa backyard, may party don." hinila niya ko at sumunod lang naman si Amy at Axid samin.