Natulala ako nung pinark ni Axid ang kanyang sasakyan sa harap ng isang bungalow house. Simple lang ang itsura pero napaka-modern ng dating. Malalaking windows, at pati ang pinto is made of glass na natatakpan ng makakapal na mga kurtina. Meron pang balcony at sa gilid non ay may pool! Malawak din ang space na napapaligiran ng carpet grass at iba't-ibang halaman, may puno pa sa tabi. What the F! Sa kanya toh?! Medyo may kalayuan ito sa school kaya pala minsan sa frat house siya nag-stay pero kung ako ang nakatira rito, baka lagi na lang ako dito tumambay. Ang fresh at ang relaxing sa mata, pwede akong umupo sa balcony at mag-sketch na hindi ko napansin ang oras. "Lavi?" para naman akong nagising at tumingin kay Axid na nasa tapat ko ng pinto ng sasakyan at nakabukas na. "Dito ka nakati