CHAPTER 1
1st Day
Tamad na bumangon si Anastasia matapos marinig na tumunog ang alarm clock niya. Ito ang unang araw niya sa bago niyang school.
Hindi na bago sa kaniya ito sa dami ba naman ng school na pinaglipatan niya. At kung bakit siya pinaalis sa dating niyang school. Well, ang pagiging pasaway lang naman niya. Kahit yata walang kwentang bagay ay ginagawan niya ng kalokohan.
"Ate!" sigaw ng kapatid niyang si Chanell
Hinihingal ito ng pumasok sa kwarto niya.
"Ano ba Astrid ang aga-aga sumisigaw ka diyan?" sanay siyang tawagin ang bunsong kapatid sa second name nito.
Habol hininga itong naupo sa kama niya. "Ate, 'di ba? first day mo ngayon sa bago mong school? sama ako ah. Sige na Ate sama mo na ako gusto kong makita new school mo." pangungulit nito sa kaniya. Lagi itong excited tuwing lilipat siya ng School.
Napabuntong hininga siyang tumango sa kapatid
"Yehey! Thank you Ate."
"Wait, promise me. Huwag kang makulit d'on. Ihahatid din naman ako ni Ate kaya behave ka dapat. Maliwanag ba Chanell Astrid?"
Ngumuso naman itong tumango.
Pagkatapos nilang mag-usap na kapatid ay naghanda na siya para pumasok.
'Bakit pa kasi ako ililipat ni Mommy, End of semester na ano naman kaya matutunan ko ilang lessons nalang maabutan ko'
Pagmamaktol ni Aysha sa sarili.
Nang makababa ay nandoon na ang mga kapatid niya. Apat silang magkakapatid. Pero ang Ate at Kuya niya lang ang nag-aalaga sa kanilang dalawa ni Astrid Habang ang mga magulang naman niya ay nasa ibang bansa inaasikaso ang mga negosyo ng pamilya nila.
Hindi pa man siya nakaka-upo ay bigla ng nagsalita ang Kuya niya."Ready ka na ba Aysha For the 8th times please sana magtino kana at huwag ka ng gagawa ng kalokohan. Aba't halos lahat ng School dito pinasok mo na ilang beses ka ng palipat-lipat. Hindi dahil hindi ka namin pinipigilan sa mga ginagawa mo ay umaabuso ka naman." pangangaral nito sa kaniya
"My God Kuya, Ang aga pa para sermonan mo ako." reklamo niya sabay irap.
"Mamaya mo na sermonan si Aysha baka malate iyan. Kakausapin ko pa ang teacher's niya. Babalaan ko na agad sila. Kilala ko 'tong si Aysha every first day of school niya ay laging may bagong kalokohan."
Laging ganiyan ang sinasabi ng Ate niya. Sa dati niyang School kasi may pinagtripan siyang isang kaklase niya. Maganda naman iyong girl kaso baduy manamit tapos lagi pang may suot na eyeglass . Kaya naisipan niyang tanggalin ang glasses nito. Nang tinanggal niya malabo pala talaga mata nito. Pero sobrang ganda ng kaklase niya kapag walang glasses. Hindi naman siya naiinggit kasi maganda din naman siya.Pinasuot ito ng isa niyang classmate ng dress. Kasi nga baduy manamit iyong kaklase pinagtripan niya.Pinalakad nila ito sa school ground. Pagtapos iniwan nila kasi oras na ng klase hindi naman nila alam na maaaksidente pala. Tinamaan daw ng bola ng baseball. Nakalimutan nila na every 3:00 PM may nagpa-practice na mga players d'on.
Pinatawag ang mga magulang niya sa guidance n'on pati nga Kuya at Ate niya sumama. Pinagalitan din sila kahit kasalanan naman talaga ni Aysha iyon. Pati mga classmate niya na kasama ng time na iyon. Hindi napakiusapan ang magulang ng classmate niya kaya wala siyang nagawa kung 'di ang ilipat ng School.
Kahit naman ilang beses siyang ilipat hindi na talaga mababago ang ugali niya.
Nang makarating sila sa School. Napaawang ang bibig niya sa pagkamangha. Ibang-iba ito sa mga dati niyang school mas malaki kumpara sa dating pinapasukan.
Hindi nakaligtas si Aysha ang mga mata ng mga estudyante doon. Na para bang iyon ang unang beses na nakakita sila ng hindi pamilyar na mukha.
"Giovane hatid mo na si Aysha sa room niya. Kakausapin ko lang ang Principal at Guidance." utos ni Gianna kay Giovane
Sumama naman si Astrid sa Ate niya mahirap na baka kung saan pa ito magsusuot gaya ni Aysha ay pasaway din ang bunso nilang kapatid.
Nasa second floor ng Junior High Building ang room niya.
'Wala na bang mas tataas pa sa building na'to. Tingin ko malalate ako nito araw-araw lalo na't ayokong nagmamadali o minamadali tuwing papasok.'
Sabi niya sa sarili.
Habang naglalakad sila ng Kuya niya papunta sa room niya.Napadaan sila sa isang music room. Sinadya niyang bagalan ng konti ang paglalakad nang marinig siyang may kumakanta sa loob kasabay ng tunog ng gitara. Namiss niya bigla ang kumanta kaya bigla siyang huminto sa paglalakad at pinakinggan ang kumakanta.
Ang ganda ng boses ng lalaking kumakanta. Iyong parang nakakadala ang boses niya ramdam mo ang bawat lyrics ng kanta.
"Aysha!"
'Tsk! Kuya naman e. Ganda na ng pinapakinggan ko. Gusto ko sana magreklamo pero baka pagalitan na naman ako isumbong pa ako kay Ate.' bulong niya sa sarili
"Oo na ito na nga. Kuya naman mukhang mas excited ka pa kaysa sa'kin. Okay lang naman malate kasi transferee ako."
"Kahit na. Baka may gawin kang kalokohan mas okay na iyong ihahatid kita hanggang sa pagpasok mo sa room."
Nakasimangot siyang sumunod sa Kuya niya. Gusto sana niyang mag-protesta pero wala rin silbi iyon alam niya kasi na kahit kumontra pa siya ipipilit pa din ng Kuya niya na ihatid siya. Minsan iniisip niyang para na siyang bata na may body guards na mga kapatid todo kung bantayan siya.
"Ito na nga room ko. Sige na Kuya kaya ko na sarili ko ako pa ba?"
"Hintayin muna kitang makapasok."
Kumatok siya sa pinto, Nilingon naman siya ng teacher na naistorbo yata sa pagtuturo niya.
"Good Morning Ma'am."
"You must be Ms.Dawson right?" Tanong ng guro niya saka lumapit sa kaniya.
"Yes po, obvious naman po 'di ba?" like duh? Saan galing ang pagiging magalang ko gosh!
Nasabi niya sa sarili. Tinaasan naman siya ng kilay ng guro niya pero wala siyang pakealam.
Nang makapasok na siya ay saka siya lumingon ulit sa labas sabay senyas sa Kuya niya na umalis na
"Class listen, This is Ms. Dawson your new classmate. Ms.Dawson can you introduced yourself to your classmates."
"Hi Everyone. Call me Aysha short for Anastasia Chantell Dawson. Don't call me Chantell. Only my best of friends can call me Chantell okay? Nice meeting you all"
Natahimik naman ang mga kaklase niya.
"You may take your sit Ms. Dawaon d'on ka sa tabi ni Ms. De Silva"
"Hi Classmate." agad na bati ng ka-seatmate niya.
Ngumiti lang siya at umupo.
"End of semester na ah, Bakit ngayon ka lang lumipat?" tanong nito sa kaniya. Ayaw pa naman niya sa taong madaming tanong lalo na kung hindi niya pa close.
"Malay ko sa parents ko. Baka trip lang nila." iritadong niyang sagot.
"Pwede ba iyon trip-trip lang."
"Oo pwede iyon baka gusto mo ikaw pag-tripan ko ang ingay mo nakikinig ako sa teacher dito e."
"Ay sorry."
Kahit pasaway siya dahil iyon din naman tingin ng iba sa kaniya. Sakit daw siya sa ulo ng pamilya niya pero nag-aaral naman siya kahit papano. Hindi lang talaga maiwasan na makagawa siya ng hindi magandang bagay.
Matapos ang klase nila ay muli siya kinausap ng kaklase niya.
"Rylee nga pala, Sorry kanina ah! Gusto ko sanang makipag-kaibigan sayo okay lang ba?"
"Well, Mukhang mabait ka naman hmm sige. Pero please huwag ka masiyadong matanong naiirita ako."
"Alam mo kakaiba ka talaga. By the way thank you wala kasi akong close dito e nitong semester lang din ako lumipat dito. Ayoko naman makipag-kaibigan sa mga classmate natin masyado silang sosyal at ang aarte."
"Oh? so hindi ka na-aartehan sa'kin gan'on?"
"Medyo pero ang cute mo naman tingnan e."
"Duh? hindi bagay sakin ang salitang cute dapat gorgeous."
"Ang Kulet mo talaga Aysha. Tara na nga kumain na tayo."
Matapos nilang mag-kwetuhan. Nagtungo na sila sa Cafeteria.
Ngumiti nalang siya.
Si Rylee na ang bumili ng snacks nila treat nito sa kaniya kasi friends na raw sila. Medyo na-weirdohan siya. Mas weird pa yata si Rylee kaysa sa mga friends niya.
Habang hinihintay niya si Rylee. Panay naman ang tingin niya sa paligid lahat abala sa pagkain ang iba naman sa cafeteria na nagbabasa ng libro at notes habang kumakain. Maya maya ay nagsisigawan na ang mga babae.
'Anong meron? may sunog ba?' Gulat niyang tanong sa sarili
Sakto namang paglapit ni Rylee sa table nila dala ang pagkain.
Hinintay muna niyang makaupo ito."Anong meron? Bakit nagsisigawan sila?" aniya, saka kinuha ang baso na may lamang juice.
"Nandiyan na naman ang Level Five. Sila ang sikat na boy band dito sa Oxfield. Tuwing may event ay sila ang tumutugtog. Last month ay may mini concert sila." nilingon niya ang gawi kung saan pumasok ang sinasabi ni Rylee na Level Five boy band kuno sa school nila.
Akala niya ay mga artista na ang dumating kung makasigaw naman kasi ang mga babae.
"Anong Club ang sinalihan mo dito?"
Ngumuya muna ito saka sumagot. "Theater Club ang sinalihan ko. Pangarap ko kasi maging artista. Ikaw may sasalihan ka ba? pwede kitang tulungan." napaisip din siya sa suhesiyon ni Rylee.
Bago kasi siya pumasok sa Oxfield ay sinabihan siya ng Principal noong nagpa-enroll sila na dapat may salihan siyang Club required iyon sa bawat estudyante ng eskwelahan nila.
"Gusto ko sana sa Music Club"
"Marunong kang kumanta? or tumugtog ng instrument?"
"Oo, sa dati kong school.may group kami ng mga kaibigan ko kaso naiwan sila doon sa dati kong School. Gusto nga nilang lumipat din kaso patapos na ang semester kaya hindi sila pinayagan ng parents nila baka next semester nalang daw sila lilipat."
"Buti ka pa may kaibigan ako kasi wala. Home school kasi ako dati. Last year lang ako pinayagan mag-enroll sa School. Pero sa States ako nag-aral nitong semester lang kami lumipat kasi dito na din nag-aral ang kapatid ko."
Ang daming kwento ni Rylee sa kaniya. Hindi naman ito mahirap kaibigan, sobrang bait nito sa kaniya. Sobrang daldal nga lang parang hindi nauubusan ng kwento.
Pabalik na sila sa room ng makasalubong nila iyong Level Five na pinagkaguluha kanina sa Cafeteria.
"Hi Zyler " nahihiyang bati ni Rylee.
Tiningnan lang nila ang limang lalaki hindi niya kasi kilala kung sino sa limang ang tinutukoy ni Rylee.
Pero nilagpasan lang sila nga mga ito
'Aba't bastos'
"Hoy!" sigaw niya sa limang lalaki.lumingon naman iyong apat.
"Aysha, Ano ka ba ganiyan talaga sila hayaan mo na." pigil sa kaniya ni Rylee. "Pasensya na kayo bago lang kasi siya dito." inis naman niyang nilingon si Rylee, dahil sa paghingi nito ng pasensya sa mga lalaking nasa harap nila.
Magsasalita na sana ulit siya pero deadma lang ang mga ito at naglakad palayo
"Bakit mo kasi ako pinigilan. Ang bastos naman ng mga iyon hindi porque sikat sila ay ganiyan na sila umasta."
"Hayaan mo na ganiyan lang talaga sila. Saka sabi din ng iba hindi talaga masyadong namamansin ang grupo na iyan lalo na si Zyler."
"Huwag kang papayag na ginagan'on ka. Bakit mo kasi ako pinigilan kanina gusto kong sabihan ang mga iyon e."
Napabuntong hininga nalang si Rylee sa sinabi niya.
'May araw din sa'kin ang mga iyon.' huli niyang sinabi sa sarili saka sila nagpatuloy sa paglalakad.