CHAPTER 3

1589 Words
"Cleo Arivantes, ako ang gaganap bilang Bianca, the main antagonist in the story. It is nice to work with all of you especially with you Sam Cuevas. It was an opportunity to work with you. I hope we get along" I smiled. We are in a meeting for the casting of the new series. Nakatitig ako sa bagong aktres na umagaw ng spotlight ko. Cheena Ojales if I'm not mistaken. Ako talaga dapat ang nasa posisyon niya ng audition. Ako dapat ang napili but that f*****g director disappoint me. How he choose Cheena to the role? Tss. I can do better! Kahit pa sinasabi ng iba na hindi ako magaling umarte. Well, kaya ko naman magpatirik ng mata tss. Nang magtama ang mata namin ng bagong aktres ay nginitian niya ako. Wow. Sobrang peke ng ngiti. She has soft features. Mukha talaga siyang mabait pero halatang napakayabang. Porket nanalo sila at naging success ang movie? Huwag niya ako angasan. Ako pa naman kontrabida sa series nila. I'll make sure na mapagbubuntunan ko siya ng galit. Nakasabay ko pa nga sa banyo. Napagsalitaan ko tuloy. Ang plastik eh. After the meeting, umuwi kaagad ako dahil may bisita ako sa bahay. Cherry is with me. Ako ang nag-aalaga sa kaniya after niyang mabaril sa balikat. "Hey Cherry pop!" Bati ko pagdating ko sa aming bahay. Naabutan ko siyang nasa sala at nanonood ng tv. I immediately take off my dress. I'm comfortable wearing my under garments when I'm home. "You're so sexy babe" Cherry said while drooling on my body. "I know" I flipped my hair. I have seductive body. My big b**bies, big b*tt and small waist are natural. Kaya nga siguro binenta ako noon sa bahay aliwan eh. At the age of 15? I think? Anyway, I don't want to think about it. "Want a pizza? Beer?" Alok niya. Umupo ako sa sahig. Kinagatan ko ang hawak niyang pizza bago ko kinuha ang beer na kaniyang hawak para lagukin iyon. I love how it warms my throat before I lean comfortably on the sofa. "How's your shoulder?" "Healed na. Thank you for taking care of me" "Welcome" "Ano pa lang pinapanood mo?" Humarap ako sa tv at natigilan ako nang marealize ko na parang familiar ang binabalita. "Is that....." "Yes babe. Iyan 'yong pinuntahan natin noong nakaraan. Lahat ng kasama mo na babae ay safe na..." Pinanood ko ang balita at sabi sa news ay may mga namatay daw na mga kilalang tao. Ipinakita sa screen ang mga namatay. Iyon 'yong mga ilan sa mga naando'n pero may napansin ako. "Those are the people that tried to buy me that night" sambit ko kay Cherry. Hindi ko makakalimutan ang mga mukha ng mga manyak na pinaglabanan ako sa pag-bi-bid. Mga CEO pala sila at may politician pa! They are disgrace to their family. Mga mayayaman pero mga gago. "Are you sure? Lahat ng iyan ang nagbalak bilhin ka?" Tumango ako. "Yeah. It's odd right? Or coincidence?" Bakit sila ang namatay? Cherry shrugged her shoulder. Iniling ko ang ulo at mas piniling hindi na lang iyon pakielaman. Mabuti nga at namatay sila. Karma nila 'yan. "Anyway, kamusta 'yong bumili sa'yo? Hindi ka naman hinahanap?" Mabilis akong nawala sa mood nang i-open ni Cherry iyon. "Why? Gusto mo bang balikan ako ha?!" Tinaas ko ang kilay. "Eto naman, ang init agad ng ulo. Hindi ba pwedeng nag-aalala lang? But if wala naman naghahanap sa'yo, I'm relieve then" Mas lalong bumusangot ang mukha ko. Muli kong naalala ang mga nangyari noong nakaraang araw at lumitaw na naman ang pagmumukha ng gagong iyon sa aking isipan. I'm sure that we'll meet again but I don't know that it will take long. Or he just save me that night? Pambawi maybe? As if mababawi no'n lahat ng ginawa niya. "Anyway, how's the mission? Natapos mo ba?" Umiling si Cherry. "No. He escaped" ________ Today is the first day of the taping. I made sure to go there early. "Please don't do something that will put you at risk" iyan ang sabi sa akin ni Canor, ang aking manager. Ang manager kong masakit na ang ulo sa akin. "I'm behave Canor. Wala akong ginagawang masama" I smirked. "Akala mo ba hindi ko alam na naiinis ka kay Cheena Ojales?" "I am but I'll try to remember your advice" Bumuntong hininga si Canor. "Hay nako" I chuckled before kissing his cheeks. "Bye Canor baby" Kaagad naman itong pinunasan ang pisngi. "Gaga! Nakakadiri ka!" Omg, ang sarap talaga pagtripan ng gay kong manager. Pagdating ko sa set ay may mas nauna pa pala sa akin. Cheena Ojales is greeting everyone with her bright smile. It's irritating me. I was about to go to Sam when he walk towards Cheena's PA to help her. I raised my brows. At nagkataon pa ngang nagkasalubong kaming dalawa. Gusto ko magsungit kaso nasa likod niya si Sam. I met Sam before. Pangalawang pagkakataon ko na ito na makasama siya sa isang set. Aaminin ko, he is so handsome and kind. Marupok pa naman ako sa mababait na lalaki. I'm also wondering if I could invite him for a coffee or in my apartment maybe? Silly, masiyado ba akong fast forward? "Hey Sam" I show my flirting smile. "Hi Cleo" he smiled. Damn, now I know why he's one of the popular actors in this generation. Sobrang attractive niya sa eyes. Nang tumingin ako sa mga dalahin niya, I look at Cheena's PA. Masama ang tingin ng mga mata nito sa akin. Tumaas pa lalo ang kilay ko. Aba! Parang balak ako kulamin ah. Mukha pa namang witch na malapad ang noo. "Bakit mo dala dala 'yan Sam? Hayaan mo na 'yan sa kanila. It's not your work" "Inaalagaan ko lang ang partner ko" sagot niya sa akin bago tumingin kay Cheena at kumindat. Palihim akong umirap nang lampasan nila ako. I even caught Cheena's PA stucking her tounge out on me. What the hell?! What's wrong with her? The taping starts. We rehearse our lines. Napakastrikto ng direktor kaya naman sobrang busisi kada scene. Nakakailang take din. Kakaunti pa lang ang scene ko so after ng scene ko ay pwede na rin akong umuwi. I bid my goodbye to my fellow co actors and other crew. My plan tonight is to chill in my house after my schedule. Maybe a peaceful dinner with wine in my apartment. Paglabas ko ay may tumapat sa aking black mercedes benz car. Napatigil ako nang biglang bumaba ang car window at sumalubong sa mata ko ang pamilyar na bulto. Nasa harapan ko ang kasama ni Joaz noong nangyari iyon. Siya 'yong tinarakan ng kotsilyo. Crow? Iyon ang natatandaan kong tawag niya sa poging binata na ito na parang sing lamig ng yelo. It's been a month already. Hindi na ako umasa na babalikan niya ako. I was wrong. That motherfucker will come back. His cold eyes went into mine. Tumaas ang balahibo ko. Ang lamig niya namang tumingin. Painitin kaya natin? "Hi Crow" bati ko. Huminga ako ng malalim bago lumapit. I can't escape this anyway. Go with the flow na lang ako. Lalo na ngayong may pogi siyang assistant hindi ba? "Pinapasundo ba ako ng gago mong boss?" Tanong ko nang makalapit. Tahimik itong tumango. "Yes Miss Arivantes" "Paano kapag ayaw ko?" Nameywang ako. "I'll use force then" I smirked. Force? I like it. "Ayaw ko...". Binasa ko ang mga labi bago ako nang-aakit na lumapit sa kaniya mula sa bintana. "Pwersahin mo muna ako" malandi ko pang sambit. Lumayo kaagad siya bago sinara ang bintana. I rolled my eyes. How come na hindi siya naaakit? Humakbang ako paatras nang bigla niyang buksan ang pinto ng kotse. Looks like he will force me. Lumapit ako sa kaniya. Ready na ako tumalon at magpabuhat nang bigla niya akong sakalin at may pinindot sa gilid ng aking leeg. After that, my mind shut down immediately and I didn't know what happened next. Pagkagising ko ay nasa isa akong malaking color red heart shaped bed. Minasahe ko ang bandang batok. Pakiramdam ko ay nangalay iyon. What happened? Ang huli kong natatandaan ay si Crow. Sinakal niya ako and after that ay wala na akong matandaan. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. I feel like living in a palace. The first thing that I've notice is the room is spacious. Napakalaki ng kama na hinihigaan ko. Base on the softness of the matress, alam mong mamahalin. The house is giving me a classical vibe. Parang mga sinaunang movie na palasyo talaga. May mga mamahaling paintings, nagsisilakihang mga bintana at mga kurtina, the chandeleir is beautiful too. Ang furniture ay napakabusisi sa detailye ng itsura. So this is Joaz place? Tiningnan ko ang aking suot. Kung anong suot ko ay ganoon pa rin naman. I was about to go out of the bed when the big two doors opened. Pumasok ang anim na maids. "I'm glad you're awake Seniorita. Please allow us to serve you" My lips formed an 'o' when I realize how wealthy Joaz was. "As if I can decline. It was an order from your seniorito right?" Sabay-sabay silang tumango. I smirked. "Okay then. Anong inutos sa inyo ng boss niyo?" "Inaasahan niya po kayong pumunta sa kaniyang opisina pero bago po iyon ay pinapa-assist ka niya sa amin. Gusto niya hong makita kayong presentable" sabi ng pinakamatanda sa kanilang anim. Sa palagay ko ay siya ang mayordoma ng bahay na ito. Presentable pala huh? Fine. I'll f*****g show you how presentable I am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD