PAUWI na kaming tatlo ngayon dahil may pasok pa ako sa hospital tomorrow. Kinuha na ni Kenzo ang mga gamit namin at pinasok sa sasakyan. “Dumalaw ulit kayo rito, iha, ha? Hihintayin ko ang pagbabalik mo at gusto ko rin ipakilala sa iyo ang bunso kong anak na babae,” sabi ni tito Rafael sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Sure po, tito Rafael! Thank you rin po sa mga binigay niyong pasalubong sa parents ko po. Paniguradong matutuwa po sila!” nakangiting sabi ko sa kanya. Binigyan niya kami ng ibaʼt-ibang klaseng gulay, gatas ng baka, delicacies ng Marinduque lalo na ang arrowroot, lambanog, mga best seller nilang alcoholic drinks and bulaklak para kay mommy. Ang daming binigay ni tito Rafael para sa parents ko. “Wala iyon, ha! Mag-iingat kayo sa byahe, ha?” sabi niya sa akin. “Renzo and Ke