NAKANGITI ako habang hawak ko pa rin ang kamay ng lalaking nasa harap ko ngayon. “Finally, I found you, Mister Ren! My savior!” malakas kong sabi para marinig niya ako, nasa bar pa rin kami at maingay. Hinawakan ko siya nang mabuti at baka makawala siya sa akin. “Mister Ren, thanks for saving me!” saad ko muli sa kanya! Nakita ko ang gulat niyang pagtingin sa akin. “H-hey, Miss, I donʼt know you!” malakas niyang sabi sa akin at nilalayo niya ako sa kanya ngayon. Napanguso ako at sinipa siya nang mahina. “Hey! Mister Ren! I'm the one you helped pickpockets in Paris! Have you forgotten? I even mistook you for one of them, right? Sorry if I called you a pickpocket too! But, thanks, because you returned my phone!” mahabang sabi ko sa kanya while I was still looking at his handsome face. Na