NAKARATING na rin kami sa restaurants kung saan nagpa-book si tita Tiffany. Sobrang elegant ng restaurant na ito, Smith Restaurants ang name nito. Kilala ang mga Smith pagdating din sa business world. “Mr. De Leon, We are now in the private room reserved by Mrs. Martinez. They are already inside. Enjoy here at the Smiths' restaurants!” nakangiting sabi ng staff sa amin at mukhang ʼdi para sa amin iyon dahil.nakita ko ang tingin ng babaeng staff kay uncle Devon. Girlʼs magnet din ang isang ito! “Ehem, uncle Devon... Mukhang may sasabihin ako kay Criza,” nakangising sabi ko sa kanya at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hinawakan niya ang aking buhok at ningitian ako nang malaki. “Subukan mo,” mahina niya ring sabi sa akin kaya napanguso ako dahil doon. “Che! Dʼyan ka na nga!” sabi ko