Sa una palang ay mainit na ang dugo ni Johann sa kanya dahil kamuntikan na itong maaksidente dahil sa kanya. Hindi maganda ang una nilang pagkikita na sinundan pa ng hindi inaasahang pangyayari at kinailangan pang makitira nina Janelle sa pamamahay ng mga ito na lalong hindi nagustuhan ng binata. Nagkaroon ng cancer sa buto ang Mommy ni Janelle at inofferan sila ng Daddy ni Johann na tutulungan maipagamot basta doon sila titira sa mansyon ng mga ito. Hindi na nagdalawang isip si Janelle at mabilis na pumayag para sa kapakanan ng kanyang Mommy. Hindi naman nagustuhan ni Johann ang ideya na iyon. Ginawa ni Johann ang lahat ng kasamaan sa kanya para mapalayas lang sya. He almost r**e her but Janelle tolerate him. Nagtataka sya kung bakit ganun nalang ang galit nito sa kanilang dalawa ng Mommy nya. "Why he hates me so much?" "Ano bang nagawa ko sa kanya?" Mga katanungan na gusto nyang bigyan ng sagot. Pero hanggang kelan nya kakayanin ang mga pamamahiya nito sa kanya para lang mapaalis sya sa bahay ng mga ito. She's living like a hell!
Labag man sa kalooban ko pero kailangan kong gawin ito upang mahanap ko ang taong kumitil sa buhay ng kapatid ko. Gusto kong malaman ang totoong nangyari sa karumal dumal na pagpatay sa kapatid ko. Gabriel De Leon. Ang pangalang tumatak sa isipan ko. Ayon sa mga pulis ay ito raw ang huling namataan na kasama ng biktima nung gabing mangyari ang krimen. Isang waiter ang ate ko sa isang high class na Club na tanging mayayaman lang ang maaaring makapasok sa loob. It's a mysterious club. Kaya nacurious ako kung anong kalakaran ang meron sa club na iyon. Dalawa lang kaming magkapatid at hindi ko hahayaan na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko. Pero sa gagawin kong ito sisiguraduhin kong babagsak sa mga kamay ko Ang Gabriel na iyan. But revenge gone wrong! Nagkapalit kami ng sitwasyon. Mangyari din kaya sa akin ang nangyari sa kapatid ko? Sino nga ba si Gabriel De Leon? Kaaway ko ba sya o kakampi?
Akira Samson, A nerd turned into a hot and beautiful Mommy! A mommy but still a Virgin. A history repeat itself. Yan ang pamantayan nya. Ni minsan ay hindi na binalak ni Akira ang magka boyfriend o magkaroon ng asawa dahil sa nangyari sa Inay nya. Nang mabuntis ang Inay nya ng isang extranghero ay tinakbuhan ito at hindi na binalikan at sya ang naging bunga niyon. Kaya lumaki siyang walang kinilalang Ama. Nang pumanaw na ang kanyang Inay ay iniwan siya nito sa pangangalaga ng kanyang Tiyahin na nagtatrabaho sa Mansyon ng mga Montelibano. Isinama nito si Akira bilang kapalit sa trabahong maiiwan nito sa mansyon. Si Kier Montelibano, An instant Daddy! Isang Playboy, Jerk, Arrogante at kung ano ano pang hindi magandang ugali ang pwedeng itawag sa kanya pero mayaman at higit sa lahat ay saksakan ng gwapo. Ito lang naman ang magiging ama ng anak ni Akira pero hindi nito alam. Maniwala kaya ito kung sakaling malaman nito ang katotohanan mula kay Akira? O ituturing siya ni Kier pakawala at disgrasyada kagaya ng ibang naging babae nito?
Warning! Some of the chapters has detailed bedscene! This is a Romance/Fantasy story. "You're mine Taliyah, you're mine.." sabi kay Taliyah ng isang lalake na malagong ang boses. Inaangkin siya nito palagi sa kanyang panaginip. Taliyah is a miracle baby ng mag asawang sina Damian at Maria kaya naman ibinuhos ng nga ito ang buong pagmamahal sa nag iisa nilang anak. Matagal ng nawalan ng pagasa si Maria na magdadalang tao siya ngunit sa tulong ng albularyong si Tata Temyong ay nagbuntis nga si Maria. Ngunit hindi akalain ni Damian na planado pala ang pagbubuntis ni Maria. Huli na nila nalaman na si Taliyah ang nakatakdang sakripisyo at ang sanggol na nasa sinapupunan nito upang mabuhay na magmuli ang isang makapangyarihang demonyo sa pamamagitan ni Taliyah. Taliyah-Owned By The Possesive Demon Can she even get away from a powerful creature if she had been considered his property since she was a child?
Loner, rebeldeng-anak, attention-seeker. Ano pa ba ang maaaring itawag kay Caroline? Maliban sa tila wala ng direksyon na buhay, tila puro kahihiyan na lamang ang idinulot niya sa pamilyang ang tanging nais niya ay mapansin lang naman siya at makadama ng pagpapahalaga mula rito. Ang masamang imahe bilang estudyante at anak ang tanging naging tatak niya sa paningin ng mga ito, at sa kawalan ng pag-asang magbabago pa siya. Ipinakasal siya kay Daxen Dawson, ngunit lalo lamang siyang nag rebelde at naging mas malupit ang naging ganti sa kanya ng asawa. Sapilitan siya nitong inangkin at nagbunga ang kalupitan nito. Lucas Monteverde, ang lalakeng nahumaling kay Caroline. Sa kagustuhang maangkin ang babaeng itinatangi, itinakas niya ito kasabay ng pagkakatuklas ng katotohanan na nagdadalang-tao pala ang babaeng kinahuhumalingan. Paano ba baguhin ng tadhana ang pagkatao ni Caroline? Paano kung sa kabila ng mga pinagdaanan nila ni Daxen ay matuklasan niyang mahal niya na pala ang ama ng kambal na pinalaki ng mag-isa? At si Lucas, paano niya ito pagbabayarin sa mga kasamaang ginawa nito sa buhay niya? Magpapatawad ba siya o mananatiling pikit-matang tatanggapin ang katotohanang tila huli na ang lahat?
‼️DAEMON AND TALIYAH'S SON-2ND GENERATION‼️ ‼️MAURITHIUS ELIGOR DEMETRIO‼️ Maurithius Eligor Demetrio-Son of Daemon and Taliyah. Nais niyang malaman ang pag iiba ng kanyang katauhan. Kung bakit tila naiiba siya dahil sa kakaibang pakpak na lumalabas sa likuran niya sa tuwing hindi niya makontrol ang kanyang sarili. Dahlia Natalie Valiente- naiwan sa kanyang madrasta ng mamatay ang kanyang ama, ngunit hindi pa pala natapos ang dagok sa kanyang buhay ng gawin siyang pambayad utang ng kanyang madrasta sa grupo ng pinagkakautangan nito. Nakilala niya ang lalaking pinagbentahan sa kanya ngunit ang laki na ng ipinagbago nito. Naaalala niyang ito rin ang lalakeng palaging kasama ng Pastor na nagbabahay bahay noon, ngunit ngayon ay mistula na itong demonyo sa kanyang paningin. Nabalot nang takot ang araw-araw niyang paglalagi sa balwarte nito lalo nang nadagdagan ang takot niya ng sapilitan siyang angkinin nito at makita ang tunay na anyo nito. Dahlia Natalie Valiente-Slave By The Powerful Demon. Magawa kaya niyang gawing puso ng isang anghel ang matagal ng puso ng isang demonyo?
Franchesca Madrigal–ang babaeng isinantabi ang pansariling kaligayahan para sa Inay niyang nangangailangan ng matinding gamutan. Tinanggihan niya ang alok na kasal ng kanyang Long time boyfriend na si Lorenzo Monte Carlo. Nagamot nga ang puso ng Inay niya pero puso naman niya ang nawasak ng mabalitaan niyang nagpakasal na ito sa babaeng ipinagkasundo dito ng mga magulang. At sa muli nilang pagkikita ay malalaman pa niya na ang batang inaalagaan niya ay anak pala ng dati niyang kasintahan. Magagawa ba niyang pagsabayin ang poot at galit nito dahil sa pag-iwan niya at sa ugali ng anak nito na halos ika-baliw niya?
"Kapag natalo kita, akin ka at kapag natalo mo naman ako, sayo na ako." Sambit ni Henry sa puno ng tenga ni Ana. "Teka? Ang unfair naman ata ng kondisyon mo? Bakit lahat yata pabor sayo?" Protesta naman ni Ana. "Because you have no choice... sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka talaga." Nakangising sambit ni Henry. Si Ana ay naatasan na hanapin ang nawawalang apo ni Don Gustavo. Napilitan si Ana na mamasukan bilang isang katulong kahit na hindi siya marunong sa gawaing bahay upang sundin ang huling kahilingan ng matandang kumukop sa kanya. Ulilang lubos si Ana. Pinatay ang mga magulang nito noong maliit pa lamang siya ngunit ang lahat ng pangyayari ay nakatatak sa isipan niya. Pinagsabay niya ang paghahanap sa apo ng Don at paghahanap ng hustisya para sa mga magulang niya. Ngunit paano kung magkasabay niyang matagpuan ang Apo ni Don Gustavo at ang pumatay sa mga magulang niya? At ang taong matagal na pala niyang hinahanap ay nasa harapan lang pala niya? Will she kill them? Or Will she forgive them? Tunghayan ang kwento ng Bastardo ng mga Montelibano na si Henry the nice guy. The Maginoo pero medyo bastos. HENRY MONTELIBANO X ANA MADRID STORY
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.