WARNING! [R-18] Nagawang pumasok ni Claristine Berlie Zerfa sa Villion Corp, bilang secretary ng nag-iisang Pierson Ivoro ‘Pivo’ Villion. Kahit wala naman sa desisyon niya ang pumasok sa Villion Corp, ay wala siyang nagawa nang humingi ng tulong sa kaniya ang ina ng kaniyang kababatang si Delion Levorn ‘Dell’ Villion. Magtatrabaho siya bilang secretary ng panganay nitong anak na si Pivo na ubod ng babaero, sa kadahilanan na lahat na lang ng nagiging sekretarya nito ay kaniyang inaangkin. Ang tingin ni Pivo kay Claristine ay parang bunsong kapatid lamang, tulad ng kaniyang bunsong kapatid na si Dell. Ang tingin naman ni Claristine kay Pivo ay masamang lalaki na laging pinaglalaruan lamang ang mga damdamin ng babae. Magagawa kaya ni Claristine ang trabaho niya? Na hindi mahulog sa panganay na Villion? Ang unang sekretaryang hindi magpapaangkin kay Pivo?
WARNING: RATED 18+ Sabi nila, hindi solusyon ang hiwalayan sa dalawang taong nagmamahalan. Ang mali ay ayusin, ang hindi maintindihan ay pag-usapan. Ngunit walang binigay na choice para sa akin at ang natitirang solusyon lamang ay iwan ka. Mahal na mahal ni Wensy Shore si Gav, ngunit dahil sa isang utos ay nagawa niya itong iwan. Ngayong bumalik si Wensy sa Pilipinas, para ayusin ang lahat. Magagawa niya kayang palambutin muli, ang pusong muling tumigas? Magagawa kaya niya?
Matapos makita ni Leveste Versosa ang kaniyang asawa na nakikipaghalikan sa kaniyang kapatid ay nadurog ang puso nito. Alam niya kung bakit, dahil sa itsura nitong hindi kaakit-akit tulad ng kaniyang kapatid na babae. Kaya’t agad na umalis ng bansa si Leveste, hindi para magtago. Kung hindi para magbago at maghiganti.
After Multibillionaire and corporate professional photographer Alexander Cielo 'Cielo' Castro cancelled his engagement with the billionaire's daughter Dashiel 'Dasha' Villion ay ikinawarak iyon ng puso ng dalaga. Dashiel 'Dasha' Villion had always loved Alexander Cielo 'Cielo' Castro. At nang malaman niyang ikakasal siya nito sa lalaking mahal niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa. Ngunit nang dumating ang araw na akala ni Dasha ay mahal siya ni Cielo ay doon nawasak ang puso niya nang i-cancel ni Cielo ang kasal. Ngunit sa ilang taon na ang lumipas ay bakit pinagtatagpo pa rin sila ng tadhana? May tyansa pa nga bang matuloy ang kanilang naudlot na kasal?
Playboy? Isa siyang Playboy na kung saan madaming babae ang lumalapit at kumakapit sa kaniya. Ako? Isa lamang akong babae na hindi pansinin sa aming paaralan ngunit lahat ng iyon ay nagbago simula ng pakasalanan ko ang lalaking womanizer, babaero o mas kilalang Playboy. Gumuho ang mundo ko ng may magkalat sa buong paaralan na 'Live in' kami na kung saan ay totoo naman. Kaya naman naka isip ito ng paraan upang pagtakpan ang kasal namin na ayaw niyang ipaalam sa lahat. Ngayon ay isa akong nagpapanggap na Personal Assistant ng Asawa kong Playboy.
WARNING: R-18+ Matapos makapasok ni Cleofaith ‘Cleo’ Mandrid sa Hampton Group of Companies ay parang panaginip ang lahat sa kaniya. Bibihira lamang makapasok sa kumpanya na iyon kung hindi naka-graduate ng kolehiyo. Ngunit siya ay hindi man lang nakatungtong koleyo, ngunit nang pakiusap siya ng secretary ng kaniyang boss na si Hugo Samuel Hampton na maging tempopary secretary sa Palawan sa loob ng seven hundred and fifty hours, ay hindi na ito nag-isip pa at dali-dali niya iyong tinanggap ang trabaho. Ngunit paano na lamang kung ang boss mo ay ang asawa mo na iyong nalimutan? “Sure ka po?” agad kong tanong sa kausap kong babae nang matanggap ako agad sa Hampton Group of Companies, bilang isang accounting clerk. Para sa akin ay kakaiba naman iyon. Hindi pa man niya natitignan ang kabuuan ang aking resume ay tanggap na ako. “Ayaw mo ba? Kasi hiring talaga kami ngayon at kulang na rin sa tao, kaya kung ayaw mo ay sabihin mo na agad,” nang sabihin niya iyon ay mabilis na akong umiling. “Nako! Hindi! Hindi lang talaga ako makapaniwala…” kamot ko pa sa aking noo. “Kung gano’n ay bukas na bukas ay mag-uumpisa ka na, kung iyon ay ayos lang sa ‘yo?” ngumiti siya sa akin nang itanong niya iyon. “O-okay lang!” kahit hindi ko na alam, kung sasabihin ko pa ba sa kaniya na tignan ang aking resume. Hindi kasi ata tama na bigla na lamang niya akong tanggapin nang kunin lamang ang resume ko at biglaan na akong magkaroon ng posisyon sa Hampton Group. Ngayon ay April twenty-one, dahil sa hirap ng buhay ay hindi ko alam, kung bakit ko naisip na mapadpad sa company na ito. Ang sabi kasi nila ay isa raw ito sa mga malalaking magpasahod, lalo ngayon na hindi naman ako nakapagtapos ng college at nagsisimula lang muli sa buhay. Wala na akong magulang at hirap sa buhay, ngunit ngayon ay para akong binagsakan ng blessings, dahil sa pagtanggap sa akin. Kaya nang dumating ang kinabukasan ay masaya akong pumasok sa Hampton Group, bilang isang accounting clerk. “Kumusta po,” pagbati ko sa karamihan mula sa aming department nang makaakyat ako sa itaas. “Cleo, right?” tanong sa akin ng babaeng kausap ko lamang kahapon na bigla akong tinggap. “O-opo,” agad kong sagot. Parang hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa, pero bilang paggalang na lamang ang aking po at opo sa kaniya. “Tutulungan ka na lang nila sa mga kailangan mong gawin. As of now, dahil wala ka pa namang experience as A.C ay under-training ka muna, ha?” hawak niya pa sa aking braso. Tumungo-tungo lamang ako at tinignan ang mga kasama kong busy sa pagta-type sa kanilang keyboard. “They kinda… busy,” ani ng babae. “Well, hindi ko pa pala nakakapilala ang sarili ko sa ‘yo… I’m Anie Reah, pero Anie na lang…” hawak niya pa sa kaniyang dibdib. Sunod no’n ay agad niyang inabot ang kaniyang kamay sa akin. Mabilis ko naman iyong tinanggap at ngumiti. “C-cleo, Cleofaith…” pagpapakilala ko, kahit alam ko naman na kilala na niya ako. Ngumiti siya sa akin at tumungo. “Ako nga pala ang secretary ng Chief Executive Officer,” sabay turo niya pa sa taas. Para akong napanganga sa kaniyang sinabi. Siya ang secretary? Ibig sabihin ay gano’n siya kataas, para makasama ang C.E.O ng company na ito. “Dalhin na kita sa cubicle mo…” hawak niya pa sa aking braso at agad naman akong idinala sa isang hindi naman kaliitan na cubicle, ngunit kitang-kita ko naman ang cctv na nakatutok sa banda ko. Nakuha ni Ma’am Anie ang tinitignan ko, kaya nang itaas niya rin ang kaniyang paningin ay natawa naman siya. “Maraming cctv talaga dito… marami kasing tamad-tamad, kaya marami rin ang natatanggal. Mag-ingat ka, baka mamaya ay mahuli ka at tanggalin ka, ha?” ilang tapik ang ginawa niya sa aking braso na ikinakaba ko. Muli kong pinagmasdan ang cctv na animo’y parang sinusundan rin ang aking galaw. “Anyways, congrats!” pagpaalam niya pa sa akin at agad na umalis. Ngayon ay mag-isa na lamang akong nakaupo sa aking upuan. Pinagmasdan ko ang cctv na nakaharap sa akin at napanguso. “Hi? Ikaw pala ‘yung bago,” masayang bati sa akin ng isang babae na mula sa kabilang cubicle. “Chelley, pero tawagin mo na lang akong Chel,” ngiti niya pang sabi sa akin at inilahad rin ang kaniyang kamay. “Good to know na nakapasok ka rito… siguro ay nakatapos ka sa magandang paaralan.” turo niya pa sa akin na may naniningkit na mata. Napawi ang ngiti ko. Hindi nga ako naka graduate ng college sa pagkakatanda ko. “I-ikaw? Saan ka ba nag-aral?” tanong ko sa kaniya. “Ateneo, ikaw?” mas lalo lumaki ang butas ng ilong ko. Ni hindi nga ako nakatungtong o nakapaapak man lang sa kahit anong unibesidad n
WARNING ⚠️ 18+ Nakalakihan ni Dalliance Vercy ‘Darcy’ Zerfa na ang pera ang sagot sa lahat. Magagawa niyang gawin ang lahat, gamit lamang ang pera. ‘Money can buy happiness, iyan ang kaniyang laging sinasabi. Ngunit para kay Delion Levorn ‘Dell’ Villion, ay hindi mabibili ng pera ang kaligayahan. Kaya naman nang parusahan si Darcy ng kaniyang ama ay agad siyang pinapunta sa Samar at doon maturan ng leksyon. Magagawa kaya ni Dell na baguhin ang pananaw ni Darcy?
WARNING! SUPER SPG! Ciara Amando knows that she’s doing forbidden things in her life. She’s an actress, and she’s a porn star at such a young age. Sa mabilis na kitaan ng pera ay aminado siyang nabuhay niya ang buong pamilya niya kapalit ng katawan niya sa media. Ngunit lahat iyon ay nagbago nang makilala niya ang isang bilyonaryong si Solomon Isaac ‘Solo’ Del Cantara. Ang isang bilyonaryong maka-d’yos at may paninindigan sa lahat ng kaniyang salita. He’s a walking green-flag at lahat ng babaeng nasa paligid niya ay alam iyon. Matatanggap kaya siya ni Solo sa kaniyang napakadilim na nakaraan?
Para kay Saindele Haile ‘Sasha’ Villion, ay hindi niya kayang baguhin ang kapalaran niya. Sa sobrang pagmamahal niya sa kaniyang magulang at kapatid ay nagawa niyang gawin ang lahat, kahit ang kapalit pa nito’y madurog ang puso niya. Matagal na silang hiwalay ni Shad Fern ‘Shad’ Prio, ang nagmamay-ari ng PRIODAB. Ano na lamang ang gagawin ni Sasha, kung malaman niyang ang ex-boy friend niyang si Shad ay ang ama ng kaniyang dinadala?
Mahal na mahal kita at kahit hindi mo ko kayang mahalin ay patuloy pa rin kitang mamahalin. 'Yan ang laging sinasabi ni Wensy Shore kay Gav ang kaniyang kababata. Matagal na niya itong gusto ngunit kahit anong pagpapapansin nito ay hindi nito magawang lingunin. Laging inis sa kaniya si Gav sa hindi malaman na dahilan. Paano nito papalambutin ang pusong kahit kailan ay hindi magawang tumibok para sa kanya?