CHAPTER O1
“MASOKISTA ka, girl!”
Napakibit balikat na lang si Abbey sa narinig mula sa kasamahan sa trabaho at pinsan na si Georgie. Her cousin video called her just to make sure that she’s not drowning herself to death with vodka.
Of course she won’t! Maybe not with vodka? Martini perhaps?
Ipinilig niya ang ulo upang maalis ang masamang ideya sa kanyang isipan. Hinding-hindi siya magpapakalasing para lang makalimutan ang nararamdamang lungkot nang mga oras na iyon. Nagpunta siya sa Las Vegas para maging maid of honor sa kasal ng best friend niyang si Monique. Kailangan niyang isantabi muna ang sariling emosyon para suportahan ang kaibigan.
Itinaas niya ang kanyang noo upang ipakitang matatag siya.
“I won’t do anything stupid, Georgie. Naka-move on na ako,” pagtatanggol niya sa sarili sabay taas sa isang baso ng lemonade at saka uminom mula roon. Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant ng hotel upang mananghalian. Kakarating lang niya mula New Jersey at halos wala pa siyang agahan.
“Narinig ko na ‘yan, Abbey. Sana nga ay totoo. Kasi mahirap naman kung deep inside eh affected ka pa rin. Ikakasal na ang first love mo at sa bestfriend mo pa!” banat muli ni Georgie.
“Hala grabe s’ya! Baka may makarinig sa’yo.” Nagpalinga-linga si Abbey para masiguradong walang kakilala sa paligid. Naka-on pa naman ang speaker ng kanyang cellphone. Mahirap na at baka marinig pa ng ibang bisita ng bride at groom.
Nang masiguradong walang taong mukhang Pinoy sa kanyang paligid ay saka niya binalikan ang pinsan. “Pero ang supportive mo, ha? Talagang pinapalakas mo ang loob ko,” may lamang sarkasmong sabi niya.
“Pinapaalala ko lang sa’yo na dapat kang magpakatatag. Tama rin lang naman na nandiyan ka. Para ma-let go mo na ang nakaraan. You have to witness the wedding.” Ngayon ay mas naging comforting ang boses ng kausap. Alam din naman niya na nag-aalala lang ito sa kanya. Saksi ito sa ilang linggong pagiging aligaga iniya sa nalalapit na kasal ni Monique at Jock.
“Alam ko naman ‘yon. And I’m trying my best. It’s just...” She took a deep breath and closed her eyes. “Di ko pa rin mapigilan minsan. Ewan ko ba.”
“Tiisin mo na lang, Abbey. Before you know it, pabalik ka na rito. Pwede mo ring sulitin ang bakasyon mo. You have a week para magbakasyon. You can visit other cities if you want to,” payo ng pinsan na sinang-ayunan naman niya.
Dahil subsob sa trabaho bilang caregiver ay bihira lang na magbakasyon si Abbey. Hindi na nga niya maalala ang huling panahon na nagbakasyon siya. Ang tanging mahalaga para sa kanya ay ang kumita ng pera para sa pamilya.
Besides, I’m doing this for Monique.
Magkababata sila ni Monique. Bago pa siya nagpunta sa America para magtrabaho ay sabay silang lumaki nito sa Taguig. Parehong may kaya ang mga pamilya nila at nag-aaral sa isang prestigious university. Pero nagbago lang iyon nang maaksidente at mamatay ang papa niya. Bigla silang naghirap. Imbes na tapusin ang kursong business management ay natigil siya sa pag-aaral para magtrabaho at tulungan ang pamilya. Wala kasing trabaho ang kanyang ina at siya na ang nagtutustos ng pang-tuition ng mga kapatid. But Monique never left her side habang nasa kasagsagan siya ng paghihirap. She remained as her faithful friend.
Until Jock came into the picture.
Nakilala lang nila si Jock tatlong taon ang nakakaraan. May lakad sila ni Monique noong araw na iyon nang mabangga ni Jock ang kotse na sinasakyan nila. Ayon sa lalaki ay nagmamadali ito dahil mali-late na raw ito sa isang business deal. Mabuti nalang at walang nasaktan sa kanila pero kahit na ganoon ay sinagot pa rin ni Jock ang lahat ng physical examinations nilang dalawa ni Monique. He’s that sorry for them. Mula rin noong araw na iyon ay naging magkaibigan na silang tatlo. Jock seemed like a very nice young man. Matalino, gwapo at sincere. Suddenly, Jock made her feel things she never knew she could. Dahil na rin sa tutok siya sa trabaho ay hindi niya nasubukang magka-boyfriend man lang. But Jock changed that. He changed that once he kissed her.
Yes.
A kiss did happen.
Pareho silang nakainom noon dahil birthday ni Monique. Inakala niyang liligawan na siya ni Jock dahil ramdam niya ang intensity ng halik nito. Pero matapos ang ilang araw ay sinabi na lang sa kanya ni Monique na nanliligaw rito ang lalaki. It broke her heart. Even after three years ay hindi niya maitatangging may kirot pa rin sa puso niya kapag naaalala ang nangyari. Maybe because Jock was her first love. At hindi pa ito napapalitan sa puso niya.
Dahil mahalaga sa kanya si Monique ay tinanggap niya ang katotohanang iyon. It was also her decision to step away from Jock. Hindi na siya masyadong sumasama sa mga lakad ng magnobyo. Bukod sa iniiwasan niyang masaktan ay ayaw niya ring maging third wheel. Magmumukha lang siyang tanga kapag sumama-sama pa siya. Hindi niya alam kung napapansin ni Jock ang pagdistansya niya. Pero kung hindi man ay masasabi niyang tama talaga ang naging desisyon niya. Jock is for Monique. Iyon ang totoo.
And most importantly, the kiss meant nothing.
Hanggang sa nagdesisyon siyang mag-apply bilang caregiver sa US. Her mother forced her to enrol in a caregiving training course to qualify. Mabuti nalang at natanggap siya sa isang nursing home sa New Jersey. That happened more than a year ago. Ganoon na rin katagal nang huling beses na makita niya si Jock.
“Don’t worry, Georgie. I’ll take the earliest flight pabalik d’yan sa New Jersey. Wala akong balak mag-extend rito,” paninigurado niya sa pinsan. Kahit na may ilang araw pa siyang bakasyon ay hindi niya igugugol iyon sa Las Vegas.
“You know what? Pwede namang hindi ka agad umuwi rito eh. Like I said, magsaya ka muna. Why not hook up with someone.”
Naloloka na talaga ang kaibigan s***h pinsan. Kung ano-ano na ang payo sa kanya! Kahit noon pa man ay medyo sa wild side ang utak nito. Kaya kahit magpinsan ay pakiramdam niya ay mas magkabarkada sila.
“Seriously? Iyan ang advice mo sa akin?” bulalas niya.
“Sus! Di na uso ang pa-virgin ngayon. Why not enjoy the moment? Humanap ka ng gwapo. Tulad na lang niyang lalaki sa likod mo o! Ang gwapo!”
Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at muntik nang masamid.
May isang lalaki nga na nakaupo roon. At hindi lang basta lalaki. The guy is ridiculously good looking. Para itong hinugot mula sa isang magazine.
Hollywood actor ba ito? Pero mukhang hindi pa niya nakikita sa anomang movie or tv series ang lalaki. Caucasian looking ito pero hindi mukhang American. Parang may halong latino ang dugo. He’s wearing a black suit which gives her a vibe na isa itong businessman.
Basta! The man has an aura that screams sexiness. At dahil magkalapit lang siguro ang mesa nila ay tila napansin siya nito. Lumingon ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata.
Damn!