bc

I'm Married With My Brother's Boss (Tagalog)

book_age18+
1.8K
FOLLOW
6.2K
READ
love-triangle
possessive
family
arranged marriage
goodgirl
maid
drama
mystery
others
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Aouie ay walang maalala buhat ng nangyaring aksidente sa kanya. Tanging mga di-pamilyar na tao ang una niyang nakita pagmulat ng kanyang mga mata.

Gulong-gulo ito at madaming katanungan sa kanyang isipan, gusto ang kasagutan. Ngunit ang taong inaasahan niyang makakasagot nito ay wala sa kanyang tabi.

Tanging mga di familiar na tao ang kanyang nasasalamuha sa ospital at isang binatang lalaki na ubod ng ka-gwapuhan ang bumungad sa kanya pagkamulat niya ng kanyang mga mata, dahil sa gagwapuhan nito napagkamalan pa siyang anghel ng dalaga.

Sa kanilang banda, labis-labis naman ang pagaalala niya sa kanyang kapatid, di nito alam kung anong iisipin sa mga sandaling iyon. Taimtim itong nagdarasal as loob-loob niya na sanay ligtas ang kanyang kapatid.

chap-preview
Free preview
KABANATA ISA
Aouie Fortalejo Pov's Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ito'y inilakbay sa paligid. Isang lalaking naka tuxedo ang aking unang nakita, agad siyang lumapit sa aking tabi. "Kamusta na pakiramdam mo?" Nakangiting tanong nito sakin. "Nasaan ako?" una kong tanong. "Sino ka?" sunod kong tanong sa kanya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaking nasa harap ko ngayon, sobrang labo ng aking paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Doc! Doc! f**k!" rinig kong sigaw nito. Sino 'tong lalaking 'to? Bakit ako nakahiga dito? Asan ba ako? Bakit sobrang sakit ng ulo ko? Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang ng aking nararamdaman. "Baby, are you okay? Are you a wake, wife?" Baby? wife? Paano ako nagkakaroon ng asawa e, aalis pa kami nila mama. Magkikita pa kami ni papa, bakit ba ako nakahiga dito asan na si mama? Si Lola asan? Si Mavy bakit wala sila dito? Bakit ang baliw na nakatuxedo itong tinatawag akong wife? ... Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng magising ako sa pagkaka-coma ko, sabi ng doctor halos tatlong taon akong nasa coma. Hindi ko na rin nakita yung lalaking tinatawag akong wife at baby. Simula nang magising ako hindi na siya dumadalawa sakin. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano ako nagkaroon ng asawa. Where's Mavy? He is dead? Until now i really don't know what happened in this past three years. I ask myself what happened in the past three years, what happened to my brother and why when I woke up his not there? Andito parin ako sa hospital at hinihintay na dumating yung matandang babae na ipinadala ng lalaking naka-duxedo. Tinanong ko sa matandang babae kung anu ang pangalan ng lalaking naka-tuxedo, pero hindi niya ako sinasagot. She only answer me once, and she said. I will meet him soon. Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang matandang babae, naka ngiti itong pumasok. "Halina na po kayo Young lady." May paggalang na wika nito sakin. Inalalayan niya akong makatayo. "Kaya ko na po."  Naglakad na kami palabas ng kwarto, pagkalabas namin ng hospital sinalubong kami ng isang lalaking naka-tuxedo. Bakit puro naka-tuxedo ang nakikita ko? Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Tiningnan ko ulit yung lalaking naka-tuxedo. "Naghihintay po sainyo si sir Mavy." May paggalang din na wika nito. "Si Mavy? Asan siya?" Sunod-sunod kong tanong "Sumakay po muna kayo ma'am" mabilis na tugon nito sakin Naguguluhan man pumasok na ako doon sa loob ng kotse. Madami mang katanungan ang pumapasok ngayon sa aking isipan binalewala ko ito sa pagkat ang alam ko lang sa ngayon makikita ko ang aking kapatid na si Mavy. Gusto ko na siyang mayakap, ganundin si mama at si lola. ... Bumukas ang isang malaking gate at pumasok ang sinasakyan kong kotse doon sa malawak na hardin. Punong puno ng mga bulalak ang paligid kahit saan ka tumingin makikita mo sila at ang gaganda talaga nila. Hindi kalayuan matatanaw mo ang isang mansion sobrang laki nito at kulay puti ang pintura. Napapaligiran din ito ng mga bulaklak. Binuksan ni kuyang naka-tuxedo ang pinto. Ganto ba kayaman ang napangasawa ko, o namamalikmata lang talaga ako? Binuksan ng matandang babae ang pintuan ng mansion, naaninag ko ang isang familiar na lalaki na napatayo sa kinauupuan nito at ngiting-ngiti ito ng makita ako. Mabilis akong lumapit sakanya para yakapin siya, niyakap niya rin ako pabalik. Nagsimulang tumulo ang sa aking luha ng tuluyan ko na siyang mahagkan. I thought his dead. "Finally you're a wake." Thankful na wika niya. Kumawala ako sa pagkakayakap sakanya. Mabilis ko siyang binatukan na siyang ikinagulat niya. "Bakit? Bakit wala ka nang magising ako? Alam mo ba na nag-aalala ako sayo?!" Sigaw na sambit ko sakanya. "Hindi ka lang naman dumalaw sakin." Dagdag na wika ko pa. "Ate sorry, may secret mission ako na kailangan ayusin, kaya hindi kita napuntahan agad." Pagpapaliwanag niya. "Detective ka ba?" Pasigaw pa rin na tanong ko sa kanya. Hindi naman ito sumagot sa tanong ko sakanya.  Niyakap niya ulit ako. "Asan sila mama at si Lola?" Seryoso kong tanong sakanya. Kumawala siya sa pagkakayakap sakin. "Kumain muna na tayo." Yaya niya sakin. Hindi ko maintindihan bakit hindi niya sinagot ang tanong ko, bigla niyang iniwas ang usapan ng itanong ko iyon sa kanya. "Pumunta ba sila kay papa? Diba sabay- sabay tayong pupunta para makita si papa? Bakit hindi tayo hinintay nila mama?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya. Ni-isang sagot wala akong narinig mula kay Mavy, randam ko ang kalungkutan nito, ganundin ang pagkainis sa hindi ko malamang dahilan. Pumunta siya doon sa sofa at umupo, sinundan ko siya at umupo din. Ano bang problema niya? "Mavy Fortalejo, bakit hindi mo sinasagot ang lahat ng mga tanong ko sayo?" Bakit ako kinakabahan ng ganito, bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko? Hindi niya pa naman sinasagot lahat ng tanong ko pero bakit labis na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi naman siguro tama ang kutob diba? Ayokong isipin, di ko kakayanin kung totoo man ang iniisip ko ngayon. Di ko kaya. "Ate sabi ng doctor nagka-amnesia ka, hindi pa alam kung hanggang kailan tatagal yan, kaya mas mabuti kung magpahinga ka muna." Mahinahon na wika niya. "Mavy sagutin mo naman ang tanong, asan ba kasi talaga sila mama?" Pagsusumamo ko sa kanya. "Alam mo bang nanaginip ako ng masama, habang papunta tayo kung saan natin makikita si papa nabangga ang sinasakyan nating kotse at namatay sila mama at Lola." Dagdag ko pa. At tumulo na ang luha sa aking mga mata. "Kaya please sabihin mo na asan ba sila?" Pagsusumamo ko parin sa kanya. Hindi ko alam pero patuloy parin ako sa pagiyak kahit wala pa siyang ibinibigay na sagot, kahit anung gawin kong pagpigil patuloy parin ako sa pagiyak. "Patay na sila ate." Aniya ni Mavy. "Matagal na silang patay." Dagdag niya pa. Nang marinig ko ang mga salitang iyon, bigla na lang gumuho ang mundo ko. Ang inaasahan kong makita ay hindi ko na pala makikita, dapat namatay na lang ako, dapat hindi na ako nagising! Lumapit ako sakanya at niyugyog siya ng niyugyog. "Nagbibiro ka lang diba Mavy?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Ang saya-saya pa natin kasi makikita na natin si papa. Nagbibiro ka lang diba?" Patuloy parin ako sa pagyugyog sa kanya. Hindi ito sumagot sa'kin at nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Napaupo ako sa sahig at napahagulgol. "Akala ko panaginip lang ang lahat, hindi pala... totoo pala ang lahat ng iyon." Patuloy pa rin ako sa pagiyak. Bakit kailangan sakin mangyari 'yon? Bakit sila mama at lola pa? Bakit? Halos isang oras akong umiiyak at isang oras na ring nakaupo doon si Mavy. "Sabihin mo kailan pa sila namatay, abi ng doctor halos tatlong taon akong nasa coma." Wala sa sariling sambit ko sakanya. "Makalipas ang dalawang taon na pagkamatay ni mama at lola, na aksidente ka at nasa coma ng tatlong taon." Paliwanag niya sakin. "Takot na takot ako non akala ko pati ikaw mawawala na rin sakin, ate." Dagdag niya pa. Tumulo ulit ang mga luha sa aking mga mata nang makita ko ang takot ni Mavy sa mga mata niya, habang sinasabi iyon. Now, I really thankful that I'm still alive, I felt how he feel that time, when my accident happened. "Bakit ako nagkaroon ng asawa? Coma ako ng halos tatlong taon paano nangyari iyon?" May pagtatakang tanong ko. Narinig naming bumukas ang pinto ng mansion. Hindi na nakasagot si Mavy sa tanong ko at mabilis itong tumayo at inayos ang sarili. "Boss." May paggalang na wika niya . Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan, hindi ko alam kung paano haharapin ang boss niya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at inayos ang sarili. Bakit ba kasi bigla bigla na lang sumusulpot ang boss niya? Hinarap ko siya nang may ngiti sa mga labi ko. Oh my god, patay na ba ako? Bakit anghel itong nasa harapan ko? Binatukan ko si Mavy na siyang ikinagulat niya, ikinatawa ng anghel na ito. This is not a dream.. it's real. Hindi ko alam na may anghel na pala dito sa lupa. "Are you crying?" May pag-aalalang tanong ng lalaking nasa harapan ko. Tinatanong niya ba kung umiiyak ako o hindi? Of course tinatanong niya.  "Nakakita ka lang ng mukhang anghel naging bobo kana?" Bulong ko sa sarili bago nagpailing-iling. "Tears of joy?" Patanong na sagot ko. Tumango naman ito sakin. "Ready na po ang hapunan Young lady and Young master." Sabi nung matandang babae. "Mavy follow me in my office." Seryosong wika ng anghel na ito. "Baby, mauna kana lang muna kumain. Okay?" malambing na wika niya. Pumasok sila sa isang kwarto, inihatid naman ako nung matandang babae sa lamesa. "Young lady pwede na po kayong kumain." May paggalang na wika niya. Kakalabas ko lang ng hospital pero sa unang araw ko sa mansion na ito, kakain agad ako ng magisa. Sobrang lungkot ko ngayon pero bakit iniwan nila akong dalawa at hinayaan akong kumain magisa sa malawak na lamesang ito. ... Halos dalawang oras na akong naghihintay, inaantok na rin ako kakahintay dito. "Young Lady ituturo ko na po sa inyo kung saan ang inyong kwarto para po makapagpahinga na rin kayo."  Wala sa sariling tumango ako sakanya, sinundan ko lang yung matandang babae at wala sa sariling pumasok ako sa kwarto na itinuro nung matanda sakin. Mabilis akong humiga doon sa kama. Wow.. Ang sarap nito sa pakiramdam. Naramdaman ko na ang pagbigat nang talukap ng aking mga mata. Kumuha ako ng isang unan na nasa aking uluhan at niyakap ito. Iminulat ko ang aking mata at nilakbay ito sa paligid. Yes, I'm still alive and this is not a dream. Simula ngayon kailangan ko ng ingatan ang sarili ko para hindi na mangyari sakin ang nangyari noon. Hindi na pwedeng mangyari ulit yun sakin Wala sa sariling tumayo ako sa higaan ko at bumaba para mag-almusal. "Young Lady magi-" Dahil nga wala ako sa sarili hindi ko napansin na naglilinis pala doon yung matandang babae. Aksidente akong nadulas napapikit na lang ako sa sunod na mangyayari sakin dahil huli na upang maibalanse ko ang aking katawan. "Young lady!" Kinapa-kapa ko ang sahig kung saan ako bumaksagk, dahil natatakot ako, hindi ko muna iminulat ang aking mga mata. Kinapa-kapa ko lang ang sahig. Wait.... Katawan?  "Are you okay?"  Boses ng lalaki ang kumawala. Mabilis akong napatayo sa pagkakabagsak. "So-sorry." Nauutal na wika ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung bakit pero agad napako ang aking paningin sa katawan niyang halos hindi na magkasya ang suot niyang t-shirt. Naglalakbay din ang aking mata sa kaniyang mga biceps, hindi rin nakaligtas sakin ang balikat niyang kay sarap higaan dahil sa lapad nito. Naglakad siya papunta sa sofa at kinuha niya yung tuxedo na nandoon. Lumapit ito sakin at isinuot niya iyon na siyang ikinagulat ko. Tumingin ako sakanya pero umiwas lang ito ng tingin. Tiningnan ko naman ang sarili ko kung anu ang mali sakin. What the f**k! Nakamaikli akong short at nakasando at higit sa lahat wala akong suot na bra, kaya sobrang halata ng dibdib ko. Tumingin ulit ako sakanya. Nakaiwas parin ito ng tingin at namumula ang kaniyang mukha. Oh my god, nakakahiya! Mabilis kong ibinatones ang isinuot niyang tuxedo sakin. "Sa-salamat." Nauutal na aniya ko sa kanya. Tumango naman ito sakin, pero hindi parin siya tumingin sa direksyon ko. Tiningnan ko ulit siya mula ulo hanggang paa, matangkad siya kaysa sakin siguro mga six footer siya. Maamo ang kaniyang mga mukha singkit ang kaniyang mga mata na bumagay naman sa kanya. Mahahaba rin ang kaniyang pilikmata na mas lalong bumagay sakanyang mukha. Matangos rin ang kaniyang ilong at ang labi niya na kay sarap halikan. Narinig naming bumukas ang pinto ng mansion. Nakita ko siyang tumango. Tumingin siya sakin at ngumiti. Kinuha niya ang mga gamit niya sa sofa at naglalakad na siya. Sinundan ko siya ng tingin. "Excuse me?" Pagpigil ko sakanya. Huminto naman siya sa paglalakad at tumingin sa direksyon ko. Nakatitig siya sa akin at hinihintay ang sunod na sasabihin ko. "Wha-what's your name?" Nauutal na tanong ko. Ngumiti ito sa'kin. "Azu Atticus, my wife." fuck, bakit ang pogi niya? .  Pagkaalis ni Azu umakyat ulit ako sa kwarto, para maligo at magaayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit pero habang nag-aayos ako ng sarili may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman. Bakit sobrang saya ko? Bakit sobrang bilis pa din ng t***k ng puso ko? Napakagat labi na lang ako ng muli kong maimagine ang mga ngiting ibinigay niya sakin, di ko din pinalagpas yung katawan niya na nakita ko kanina. "Young lady?" Mabilis akong bumalik sa katotohanan ng marinig ko ang boses ni manang, medyo nainis ako dahil doon. "Yes?" Me. Binuksan niya ang pinto ng kwarto, may dala itong isang box. Inabot niya sakin ang box na dala niya. Tiningnan ko siya at hinihintay ang sunod na sasabihin niya. "Pinapabigay po iyan ni Young master." May paggalang na sabi niya. Binuksan ko ang box na ibinigay niya. "Ano po ito?" May pagtatakang tanong ko. "Cellphone po yan young lady magagamit niyo po yan para matawagan niyo si young master at ang kapatid niyo." May paggalang na paliwanag niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanya "Paano po ito gamitin?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. "Halos tatlong taon po kasi akong nasa coma at alam niyo po nagkaroon po ako ng amnesia at may mga bagay na hindi ko matandaan kung pano gamitin." Dagdag ko pa. Natawa naman ito sa sinabi ko na siyang ikanainis ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tsk! Bigla namang tumunog yung hawak kong cellphone, lumapit sakin si manang para ituro kung paano gamitin ang cellphone na hawak-hawak ko. "Una po kailangan niyo po munang sagutin ang tawag ni Young Master." Panimula niya. "Nakikita niyo po ba yang color green na yan pindutin niyo po iyan tapos i-slide niyo pakanan. Pagkatapos niyo pong gawin iyon ilagay niyo sa tainga niyo ang cellphone para marinig niyo ang boses ni Young Master " Dagdag niya. Ginawa ko ang sinabi niya. Pinindot ko yung green na color sa cellphone at ini-slide ito pakanan tapos inilagay ito sa taenga ko gaya ng sinabi niya. "It's me, baby." Azu. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napangiti ng marinig ko ang boses niya. "Save it okay?" Malambing na sambit niya. "O-okay." Nauutal na sagot. Biglang na lang nawala yung boses niya na nanggagaling sa cellphone na hawak hawak ko. Tumingin ako kay manang na may pagtataka. "Binabaan na po kayo ni Young Master ang ibig sabihin po nun may ginagawa na siya." Mahinahon na paliwanag niya. Tumango tango naman ako na parang naintindihan ko lahat ng mga sinabi niya sakin. Pinagpatuloy ni manang ang pagpapaliwanag niya kung pano gamitin ang cellphone na hawakhawak ko. Sabi ni Azu i-save ko raw itong number niya. Ano naman kaya ang ilalagay kong pangalan? "Manang anu po dapat kong itawag sa asawa ko?" Nahihiyang tanong ko kay manang. "Sabi po ni Azu i-save ko raw po ang number niya pero hindi ko naman alam kung ano ang ilalagay ko? Kung Azu nalang po kaya?" Dagdag ko pa. "Young Lady kung may tawag po sainyo si young master dapat po may tawag rin kayo sakanya." Mahinahon na sambit niya. "Dahil po ang pagpapakita ng effort sa isang tao ay pagpapakita na rin po ng pagmamahal niya, kahit sa simpleng paraan lang." Dagdag pa ni manang. Ang pagpapakita ng effort ay pagpapakita ng pagmamahal?  Napaisip ako sa sinabi nito, "Pero di ko naman siya mahal?" Bulong ko sa sarili. "Di nga ba?"  Naguguluhan ko. Masaya akong nakikita siya kahit ilang beses palang nagtatagpo ang aming mga landas at ngayon di ko na siya maalis pa sa isip ko. Pero bago yan kailangan ko munang isave ang number niya. Baby... ... Andito pa din ako ngayon sa kwarto ko pinagmamasdan ko ang cellphone na ibinigay niya sakin. Bakit kaya hindi pa siya tumatawag? Gaano ba karami ang ginagawa niya? Nakakapagpahinga pa kaya siya? Kung andito lang sana si Mavy hindi ako maboboring, speaking of Mavy, nasaan nga pala yung taong iyon? Bakit hindi ko siya nakita kanina? Huli kong kita sakanya kagabi nung nagusap sila ni Azu, pero hindi ko na siya nahintay pang lumabas. Asan na kaya siya? Bumaba ako para itanong kay manang kung nasaan si Mavy. "Young Lady may kailangan po ba kayo?" Sa lubong sakin ni manang ng makarating ako sa kusina. "Manang nakita niyo po si Mavy?" Maypagaalalang tanong ko kay manang. "May kailangan pa po kasi akong itanong sa kanya." Dagdag na wika ko pa. Bakit ako nagkaroon ng asawa kung nasa coma ako ng tatlong taon? At bakit ako na aksidente? Anong nangyari sakin bago ang aksidente? Yan ang mga tanong na hanggang ngayon ay hindi pa na sasagot. Nasaan na ba kasi si Mavy? "Maaga po siyang umalis young lady." Mahinahong sagot niya. Umalis? Saan naman siya pumunta? Anu ba talaga ang pinag-usapan nila ni Azu kagabi? Bakit maaga siyang umalis? Magtatanong pa sana ako pero narinig kong bumukas ang pinto ng mansion kaya mabilis akong napalingon doon. Ang aga niya naman atang umuwi? Tapos na ba siya sa ginagawa niya? Isang hindi familiar na lalaki ang iniluwal ng pinto.  Nakangiti itong lumapit sa direksyon namin. "Young Master Asher masaya akong makita kayo." Masayang bati sa kanya ni manang. "Masaya rin po ako na makita kayo Mrs.Han." nakangiti rin nitong reply dito. Asher? Tumingin ito sa direksyon ko at ngumiti. Hala siya feeling close si kuya. "Hai I'm Asher Alvarez." Nakangiting pagpapakilala niya. "Azu's bestfriend." Dagdag niya pa. "Hai I'm Aouie Fortalejo." Nakangiting pagpapakilala ko rin sakanya. "Mas maganda ka pala talaga sa inaasahan ko." Nakangiting niyang wika. Mabuti naman at marunong siyang tumingin ng maganda, pero sorry siya mas pogi ang asawa ko sakanya. "Pinapapunta nga pala ako dito ni Azu para sunduin ka." Asher. Inabot niya ang kanina niya pang hawak-hawak na paper bag. Tiningnan ko siya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya. "Suotin mo daw yang damit na yan." Aniya niya. Tumango naman ako sakanya. Iniwan ko siya at umakayat sa taas para magpalit. Binuksan ko ang hawak kong paper bag. Isang dress ang laman at kulay peach ito mayroon din itong partner na sandals na kulay peach din. Isinuot ko iyon at inayos ang sarili at pagkatapos bumaba na ako sa baba. "Paniguradong mas lalong maiinlove sayo si boss." Nakangiting aniya. "Tayo na hinihintay na tayo ni Azu sa office niya." Dagdag pa nito. Naguguluhan man ako sa mga sinabi niya sumama parin ako sakanya. Ang alam ko sa ngayon ay makikita ko ulit si Azu, at sobrang excited na ako doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook