bc

Started with a Kiss

book_age18+
7.0K
FOLLOW
46.3K
READ
fated
opposites attract
self-improved
boss
drama
tragedy
sweet
bxg
love at the first sight
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang mas masakit? Ang lokohin at iwan ng tao na pinakamamahal mo o ang traydorin ng tao na sobrang pinagkakatiwalaan mo? Paano kung parehas na mangyari sa 'yo, ano ang mararamdaman mo?

Natuklasan ni Ellie na ang boyfriend niya at bestfriend niya ay may tinatago na relasyon. Halos gumuho ang mundo niya dahil nakuha siyang saktan ng dalawang tao na sobrang malapit at importante sa kanya. Iyon ang naging dahilan kung bakit naging kasing lamig ng yelo at kasing tigas ng bato ang puso niya. May pag-asa pa ba na matunaw ang yelo at madurog ang bato para magmahal ulit.

Pagkalipas ng ilang taon ay hindi inaasahan na nagkita muli si Ellie at ang Ex niya. Ano naman kaya ang gagawin ni Ellie ngayon na nagpaparamdam muli ang Ex niya? This time ay pinamukha nito sa kanya na hindi pa rin siya nakaka-move on. Ngunit out of nowhere ay may isang pangahas na lalaki na bigla na lang siya hinalikan at nagpakilala na boyfriend niya.

Sino nga ba ang lalaking 'yon at ano ang mga kasunod na mangyayari sa kanila? Ito na nga ba ang lalaki na magbabago sa buhay ni Ellie?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The worst day ever
Elizabeth "Ellie, please talk to us." Sabi ni Maricon at inagaw ang bote ng alak mula sa kamay niya. Tiningnan niya ito ng masama at inagaw niya ang bote mula rito saka pinuno ang baso niya. Wala na siyang pakialam kung ano na ang itsura niya sa mga oras na 'yon at kung ano ang sasabihin ng mga tao na nakakakita sa kanya. Ang gusto lang niya ay ang makalimot kahit saglit lang. Gusto niya mawala sa isip niya ang imahe na nakita niya kanina lang. Sa tuwing maalala niya 'yon ay parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang galit. "Hindi mo naman kailangan uminom girl just talk to us, please. Ilabas mo sa amin ang lahat nang nararamdaman mo but not like this. Umiyak ka hanggang gusto mo, sumigaw ka or anything basta huwag lang sa ganitong paraan. Hindi ka ganito, Ellie," puno ng pag-aalala na sabi ni Hana. Umiling siya ng ilang ulit saka inubos ang laman ng baso at napapikit siya nang maramdaman ang mainit na pagguhit sa lalamunan niya. Pinunasan nito ang mukha niya at inayos ang buhok niya. Napatingin siya rito at na guilty siya dahil nakita niya na sobrang nag-aalala ito. Hindi talaga siya ang babaeng nakikita ng mga ito ngayon. Siya ang tipo ng babae na hindi umiinom, wala siyang bisyo, nakikisama naman siya pero hindi siya lumalampas sa limitation niya, hangga't maari ay ayaw niya na magkamali lalo na sa harapan ng boyfriend niya at gusto niya perfect ang lahat. "Pwede ba iwan na muna ninyo ako. Nakiki-usap ako sa inyo dahil gusto ko lang na mapag-isa." lumuluha na pakiusap ap niya sa mga ito at straight na ininom ang laman ng bote. Kanina ay napapangiwi pa siya habang humahagod ang mainit na likido sa lalamunan niya. Paglipas ng ilang shot ay halos hindi na niya malasahan ang pait nang iniinom niya. Sa mga oras na iyon ang pakiramdam niya ay para siyang bomba na anytime ay pwedeng sumabog. Gusto niyang sumigaw at magwala pero hindi niya magawa. Mas pinili na lang niya na sarilinin ang nararamdaman niya at dahil sa sobrang sakit ay gusto niya na mamanhid ang buong katawan niya para wala na siya maramdaman. Alam niya na nag-aalala lang ang mga kaibigan niya pero mas gusto niya na mapag-isa. "Seryoso ka ba? Gusto mong iwan ka namin dito sa lugar na ito Elizabeth Sandoval?! Para ano? Para maglasing at ipahamak ang sarili mo?" gigil na sabi ni Mila habang tumitingin sa paligid ng bar. "Alam namin na nasasaktan ka ngayon pero hindi ito makakatulong sa 'yo kaya tara na umuwi na tayo, Ellie." Sabi ni Mila at kinuha nito ang isang kamay niya saka tumayo na ito. Kung alam lang ng mga ito kung gaano siya nasasaktan sa mga oras na iyon. Kung gaano kasakit ang pagtaksilan at lokohin ng mga taong mahalaga sa 'yo. Hindi niya lubos akalain na mangyayari sa kanya ang bagay na iti. Sobrang nagtiwala siya sa mga ito pero sa huli ay ito pa ang napala niya. Matatanggap pa siguro niya kung ang boyfriend lang niya ang nanloko sa kanya at hindi siguro siya masasaktan ng ganito. Pero ang traydorin ka ng bestfriend mo na itinuring mo na kapatid ang sobrang nagpapasakit sa puso niya. Iyon ang hindi niya matanggap at maintindihan kung bakit. Bakit siya nagawang saktan ng tayong pinagkakatiwalaan niya. Saglit siya napapikit dahil naalala niya ang itsura ng bestfriend niya kanina kasama ang boyfriend niya. Wala siyang nakita na reaksyon o emosyon mula rito at hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya na nakita niya ito ngumiti habang pinamumukha sa kanya ng boyfriend niya ang dahilan kung bakit nito pinatulan ang bestfriend niya. "Fine! Kung ayaw ninyong umalis at iwan ako rito you na mag-isa. All of you need to drink with me," namumungay ang mga mata na hamon niya sa mga ito. Nagkatinginan muna ang mga ito, alam ng mga ito na wala na silang magagawa kung hindi ang samahan siya. Tinawag ni Maricon ang waiter para umorder ng inumin. Alam niya na concern lang ang mga ito sa kalagayan niya pero anong gagawin niya para makalimot saglit. Ito lang ang naiisip niyang paraan, ang lunurin ang sarili sa alak para kahit paano ay mamanhid siya. Umaasa siya na sa tulong ng alak ay saglit niyang makakalimutan ang lahat. "Gusto ko na magsabi kayo ng totoo. May problema ba sa akin? Pangit ba ako? Hindi ba ako kaakit-akit? Manhid ba talaga ako at walang pakialam? Masama ba akong kaibigan?" tanong niya habang pinipigilan ang sarili na maiyak at sabay-sabay na umiling ang mga ito. "Walang problema sa'yo Ellie tandaan mo iyan you are a great person and a good friend. Sila ni Erika at Roy ang may problema kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Hindi sila marunong magpahalaga sa nararamdaman ng ibang tao. Huwag mo silang iyakan, paghinayangan at lalong huwag na huwag mo rin sisihin ang sarili mo, okay? Sila ang nagkamali dahil sinira nila ang tiwala mo," Sagot ni Hana at inabutan siya ng panyo. Tuluyan nang nalaglag ang mga luha mula sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya or ano bang mali sa kanya para maranasan niya ito. Ibinigay naman niya ang lahat ng oras, panahon at pagmamahal niya kay Roy. Ginawa na niya ang lahat para rito pero nagawa pa rin siya nito saktan. Base sa boyfriend niya na Ex-boyfriend na niya ngayon ay siya ang dahilan kung bakit ito naghanap ng iba. Nasasakal na raw ito dahil sa pagiging demanding, controlling at clingy niya. Hindi rin daw niya kayang painitin ito tulad ng ginawa ni Ericka rito. Hindi niya napigilan na sampalin ito dahil sa mga sinabi nito sa kanya. "Sorry to say this Ellie but you know guys na I never approved of Roy from the very start. I don't know why, it's just that I can sense na he will do you no good. But because you're my friend and I know you love him so much all I can do is support you," sabi ni Maricon pagkatapos nito uminom at siya naman ay nagpapahid ng luha sa pisngi. "Grabe, I can't still understand how this all happened and how long this has been going on. Yes, Ericka can be a b***h sometimes and very straightforward forward especially on the things she wants but sleeping with your friend boyfriend that's way too much." Umiiling na sabi ni Hana. Ganoon nga si Ericka prangka, confident at mataas ang pangarap. Hinahangaan pa nga niya ito dahil naka-focus ito na makamit ang pangarap nito. Wala siyang nakita at napansin na kakaiba sa dalawa o baka dahil sa sobrang tiwala niya kaya naging bulag siya sa mga nangyayari. "Now we all know kung sino ang kasama ni Ericka sa Macau last summer," sabi ni Mila at tumango ang lahat maliban sa kanya na tulala sa mga oras na 'yon. "Can we stop talking about them and just enjoy this. There is no use in crying over a spilled water, Ellie. You just have to move forward and learn from all of this. Let's have a toast ladies." Sabi ni Mila saka nito tinaas ang baso na hawak nito. "For the freedom and the new beginning of Ellie." nakangiti na sabi ni Mila at tinaas din nilang tatlo ang baso nila. Tama ang mga kaibigan niya dapat na siyang mag-move on dahil wala na rin naman siyang magagawa kung hindi tanggapin ang lahat. Sa palagay naman niya ay ginawa na niya ang lahat pero hindi lang siguro talaga sila para sa isa't isa. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya iniwan ng mga kaibigan niya lalo na sa oras na ito kahit pa nga pinagtutulakan na niya ang mga ito kanina. "Nandito lang kami para sa 'yo at hinding-hindi ka namin iiwan," sabi ni Maricon at pinunasan ulit niya ang pisngi niya dahil naiyak na naman siya. "Excuse me, Ladies. My friends over there thinks that you need company," nakangiti na sabi ng lalaki na nagpalingon sa kanilang lahat. "Thank you for noticing but no thank you," matabang na sabi niya na hindi man lang niya tiningnan ulit ang lalaki. Katatapos lang niyang isumpa si Roy pero mukhang may isusumpa na naman ata siya. Mula sa oras na iyon ay pinangako niya sa sarili na hindi na ulit siya basta-basta magtitiwala sa mga lalaki or sa ibang tao. Hindi na niya hahayaan ang sarili na masaktan pa ulit lalo na ng isang lalaki. "Wow! I can sense bitterness in the air." Pabirong sabi nito habang nakataas ang dalawang kamay sa ere nang sulyapan niya ito at napabuntong-hininga lang siya. "Mister pasensya ka na pero it's better kung umalis ka na," malumanay na pakiusap ni Hana sa lalaki na ramdam na ramdam niya ang presensya mula sa likuran niya. "Well, if that's the case I will just do this and be on my way," tugon nito. Nakakunot ang noo na lumingon siya rito para alamin kung ano ang ibig nitong sabihin. Medyo madilim ang paligid kaya hindi niya ito masyadong makita isama pa ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa pag-iyak niya kanina pa. Ang mga sumunod na nangyari ang hindi niya inaasahan. Tuluyan siya nitong pinaharap at ipinatong nito ang kamay nito sa gilid ng lamesa. Namalayan niya na dahan-dahan lumalapit ang mukha nito sa mukha niya hanggang sa magpantay ang level ng mata nila. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang ikot ng mundo at para may kung anong magnet ang humahatak sa kanya papalapit dito. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya na hindi niya maipaliwanag kung dahil ba sa presensya nito o dahil sa dami ng alak na ininom niya. The last time na experience niya ito ay noong una siyang halikan ni Roy. She know exactly what will happen next and she need to stop him pero bago pa niya napigilan ang lalaki ay naramdaman na niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya na hindi niya maintindihan. "Ellie! Stop this right now before you loose it." sigaw ng isang part ng utak niya. Gamit ang natitira pang lakas ay tinulak niya ito nang maramdaman niya ang malikot nitong dila mula sa loob ng bibig niya. Padabog siyang tumayo at hindi na niya napigilan ang sarili nang sampalin niya ito na sa palagay naman niya ay natural na reaksyon sa ganoon na scenario. Hindi niya napigilan ang mapalunok nang mapagmasdan niya ng mabuti ang mukha ng lalaking na mapangahas na humalik sa kanya. Hinimas nito ang pisngi kung saan dumapo ang palad niya at ngumiti lang ito na parang nakakaloko. "Ang hinayupak na ito nakuha pang ngumiti ang sarap pilipitin ang leeg," inis ba sabi niya sa sarili. "Lakas din naman ng trip mo, naka-drugs ka ba at —" naputol ang sasabihin niya nang maramdaman niya ang pagdapo ng hinlalaking daliri nito sa lower lip niya. "Bitter sweet, not bad. I do really enjoy it but I guess you enjoy it more." Nakangiti na sabi nito saka tumalikod. Pakiramdam niya ay nanigas ang buong kalamnan niya at nanunuyo ang lalamunan niya. Ramdam din niya na umiinit ang pisngi niya na umabot hanggang sa tenga niya. Kung kanina pagkatayo niya ay para siyang nahihilo dahil sa epekto ng alak, ngayon naman ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Naningkit ang mata niya nang makita na nakatalikod na nito ay kumaway pa ang mapagsamantalang lalaki habang naglalakad papalayo. "Hoy gago ka! Hindi ka masarap humalik at amoy alak ang hininga mo," sigaw niya habang naglalakad na ito palayo. "Anong ibig sabihin niya na mas nag-enjoy ako? Ibig bang sabihin na gumanti rin ako ng halik? Gaano nga ba katagal ang halik na iyon bago ko siya naitulak?" bulong niya. "Ang kapal ng mukha mo. Manyakis ka!" inis na sigaw pa niya. Nakita niya na maraming tao ang napatingin sa pwesto nila kaya umupo na siya. Nangangapal ang buong mukha niya dahil sa kahihiyan. Tiningnan niya ng masama ang mga kaibigan niya dahil tumatawa ang mga ito. "Napa-supportive naman ninyong kaibigan hinayaan lang ninyo ako na halikan ng lalaking 'yon. Hindi man lang ninyo inawat o pinigilan at mukhang nag-enjoy pa kayo sa nakita ninyo." inis na sabi niya sa mga ito pagka-upo niya at ngumiti lang ang mga ito. "This is the worst day ever!." inis na sabi niya at sinubsob ang mukha sa dalawa palad niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.1K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.0K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

My Last (Tagalog)

read
486.1K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
429.4K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook