bc

Tough Hunks Series 3 : Vin The Assassin

book_age16+
3.4K
FOLLOW
13.2K
READ
possessive
dominant
kickass heroine
brave
confident
bxg
humorous
mystery
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Kelly Homer - Isang dalagang socialite na iniwan ng kanyang mapapangasawa sa altar. Nasaktan, nabigo, kaya nag unwind sa dagat gamit ang speedboat.

Vin Alcaraz - Isang government secret assassin at walang pinagkakatiwalaan sinuman bukod sa mga kaibigan. Hinabol, tumakbo, pumunta sa dagat para tumakas at nang agaw ng speedboat.

*****

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Umuusok pa ang baril na dala ngayon ni Vin habang pagapang siyang umusad sa deck ng barko. Bawat daanan niya ay may trace ng dugo na nagmumula sa tama ng baril sa kanyang kaliwang braso. Huminto muna siya sa paggapang at hinugot niya ang cell phone mula sa kanyang bulsa. "Si agent Alcaraz to." he muttered. "May problema ako. Nakumpromiso ko ang plan B. Nadali kasi ako dito sa pier, at may tatlong armadong lalaki pa ang sumusunod sakin. Kailangan ko ang back up guys para makalabas ako ng buhay dito." "Wag kang mag-alala Alcaraz, na ta-track ka pa rin namin sa pamamagitan ng GPS. Sabi ni bossing, stay put ka lang daw muna diyan ng mga ilang minuto. Meanwhile, sabihin mo muna sakin ang kalagayan mo diyan." Napapangiwi na si Vin sa sobrang hapdi ng tama niya pero kailangang hindi siya manghina dahil kung hindi ma de-deadbol siya. "Nabaril ako." sabi niya. "Sa kaliwang braso. Pero sa tingin ko daplis lang, hindi ko pa kasi natingnan ang tama ko. Paubos na rin ang bala ko dito at kung hindi kayo magmamadali baka kinakatay na ako ng mga kalaban dito." "Dumudugo ba yong sugat mo?" sabi ng combat controller. "Alangan naman. Oo, dumudugo nga ang sugat ko. Hindi kaya ako si Ironman na hindi matatablan ng bala." "Okay, aplayan mo ng pressure ang dumudugong sugat mo gamit ang malinis na tela, hawakan mo lang ito hanggang sa huminto ang pagdurugo ng sugat mo." "Geez, salamat doc ha? Wala kasi akong ideya kung anong gagawin ko." Matabang na pahayag ni Vin. Sa totoo lang, silang mga agent ay alam na nila ang first aid kung matamaan man sila ng baril. "SOP lang natin yan na kailangang e brief pa rin ang mga operatives sa wastong pagkaka apply ng first aid." matabang rin na sagot ng controller. "Kaya nga kung mamatay ka, walang habol ang pamilya mo samin dahil pinaalala pa rin namin sayo ang wastong paraan sa first aid." Vin snorted. Eh sampung taon na ngang hindi siya nagpaparamdam sa pamilya niya. Kaya kung mamatay man siya wala na sigurong maghahanap sa kanya. Napatanto rin niya na marami ng oras ang nasayang niya sa pakikipag-usap sa walang kwenta nilang controller, at baka napapaligiran na nga siya ng mga kalaban. Pero wala pa namang lumitaw na kalaban sa ngayon, pero duda siyang nasa labas ng barko lang ang mga ito at naghihintay sa kanya na makababa. Seconds turned into minutes, at nagtataka siya kung gaano siya katagal na hinintay ng mga kalaban na lumabas sa kanyang lungga. Kung naghihintay nga ang mga ito, hindi kaya naubos na ang pasensya ng mga ito at siguro kanina pa siya pinaulanan ng mga bala. He was dead meat if they caught him out here like this. May bagong tinig naman siyang naririnig sa kanyang communicator device. "Greenlantern, si Stallion ito." banggit ng OIC nila sa kanyang codename. Siya si Brad Jarapan, former US Navy Seal Commander. "I've got a plan C for you. About a half mile down the port, may bahay bakasyonan diyan si Congressman Dicson Honoridez. May speedboat din siyang nakatambay doon base sa nakuha naming impormasyon. Kaya nga nagpaalam na kami sa kanya kung pwede ba naming magamit iyon at pumayag naman siya. Kunin mo lang daw ang spare key na nasa yati nilang nakatambay ron sa pinakaibabang cabin. You'll have to break into the cabin, though. Sinabi ko naman sa kanya na tayo ang magpapaayos sa sisirain mo na pinto." A half mile? Damn, parang ang layo ata non ah. "Ano po ang itsura ng yati? Marami kasing mga yati na nakatambay sa malapitan." pahayag ni Vin. "It's a thirty-eight foot. And--" hesitant ito sa susunod na sasabihin. "--it's pink. Ang nakapangalan nito ay Pretty Doll." "Pink po?" kumpirma ni Vin. "Kung sa pink na yati po ako matigok, mumultohin ko talaga kayo." Napahalakhak naman ng tawa si Stallion. "Tawagan mo lang kami kung makakaligtas ka. At gamutin mo yang tama mo kung may tsansa ka pang mabuhay." "Will do, sir." Tinanggal na ni Vin mula sa kanyang tenga ang communicator. Kailangan pa kasi niyang langoyin ang pink boat na yon. But his shoulder was throbbing like hell, idagdag pa na maalat ang dagat at sigurado siyang mas lalong humapdi ang sugat niya kapag mababad ito sa dagat. Dahan-dahan naman siyang bumaba sa barko. Kung buhay man siyang makalabas sa barko na ito, magtitirik talaga siya ng kandila sa Quiapo. Kung makakalabas nga siya ng buhay. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.3K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.0K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook