bc

Code Name: Mercy

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.7K
READ
revenge
killer
drama
lighthearted
straight
bold
brilliant
female lead
realistic earth
faceslapping
like
intro-logo
Blurb

Rain is to replace her late sister's job in South Kisoka as an assistant of Ethan Lee, a member of the popular idol group Lexus. However, there's more about Rain than your regular celebrity's assistant.

Rain has multiple jobs, one requires beauty and talent, while the other has no mercy nor conscience. A job that also begins with an "A" yet ends with a sin.

[TAGLISH]

chap-preview
Free preview
CODE NO. 01
R A I N A green platform with green background, dashing camera flash, and bustling of people. Abala ang lahat, panay ang pagkislap ng flash ng camera habang naka-focus ang lahat sa limang lalaking model na nasa platform.  Lahat ay may kanya-kanyang charm, lahat may itsura, at lahat nakakaakit sa camera. They are now the center of everyone’s attention. On the other side of the room is where I am — inside the dressing room trying to fix my hair and wipe my sweat. Naririnig ko mula rito ang pagkamangha ng mga staff sa mga model na kinukuhanan ng pictures. Pero wala akong oras para makisali sa kanila, nagmamadali ako dahil 20 minutes na lang ay matatapos na ang pictorial, at kailangan ko nang lumabas para sa huling tema. Kinuha ko ang magarang jacket na kulay puti at gawa pa sa sutla saka lumabas, at pumwesto sa pagitan ng cameraman at ng manager.  "Rain, standby you're next," sabi sa akin ng manager ng grupo na si Mr. Efrhain.  Even outside the dressing room panay pa rin ang pagpupunas ko ng pawis dahil sa init ng shooting room. Nasira kasi bigla ang aircon sa kalagitnaan ng pictorial at kasalukuyang inaayos ng maintenance. Malas lang kasi winter ang tema ng pictorial kaya balot na balot ng makakapal na damit ang mga model.  "2 minutes, Rain," sabi ulit ni Mr. Efrhain bilang paalala.  The place went all silent at tanging click lang ng camera ang maririnig sa paligid dahil sa ayaw nilang madagdagan ang init sa ingay ng lahat. Noise pollution nga ika ng kaibigan kong si Sasha. I miss posing in front of the camera. Ever since I came in this country, I've been meaning to see a pictorial. At sa wakas! Matapos ang isang linggo na paghihintay ay nasa pictorial set na kami. Kaso, mainit nga lang talaga ang paligid dahil sa sirang aircon.  "How long does it take to fix the aircon?" mahina kong tanong kay Mr. Efrhain habang nagpapaypay.  "Probably, another 10 minutes. I get where you're coming, it's hard to work without the aircon. Especially, with these warm lights around us," angal din niya. "Uh, yeah. It's hot in here. I bet it's warmer on the platform with all the lights facing straight to them," wika ko naman habang hinahawi ang buhok ko nang maimagine ko ang init.  "Oh, these hard-working boys. They r— oh! Rain! They're done! They're done!" Mr. Efrhain suddenly yelled when he saw the boys walking down the platform.  Mabilis din naman akong tumakbo patungo sa platform. At sinalubong ang matangkad at maputing lalaki, sinubukan kong abutin ang malapad niyang balikat para ipatong ang hawak-hawak kong jacket. Sunod ay iniabot ko naman sa isa pang lalaki na mas pandak sa nauna ang damit na gawa sa sutla at sa katabi naman niya ang isa pang jacket na gawa sa lino.  "Here's yours, Jay. Jake, this is yours. Let me wipe that sweat on your cheek, the camera might catch it."  "Thanks, Rain," ani Jake na inaangat ang hawak niyang plastik na bote ng tubig.  "Isn't it hot there?" tanong naman ni Mr. Efrhain na naka-krus pa ang mga braso. "It's so hot, like very very hot. I barely smile at the camera because of the heat," angal naman ni Ethan, "and look, now we're wearing these warm jackets? Come on! What are we now, steamed buns?" he added. He obviously wanted to remove the perfectly fitted jacket on him.  I briefly smiled at him and pulled the jacket together, ang likot niya kasing bihisan.  "Okay! Last batch!" sigaw ng photographer.  Kaagad naman na nagsibalik sa platform ang mga lalaki. Pero bago pa man sila nakatungtong ay tumunog ang malakas na buga ng hangin.  "Finally," bulalas ni Mr. Efrhain, naayos at umaandar na kasi ulit ang aircon. "Rain, quickly, you have to prepare Ethan's medication. That child still has a fever.." Napahinto naman ako nang marinig ang utos ni Mr. Efrhain. "Uh, sir? Uhm, I guess Ethan's fever has gone down. I checked his temperature before starting the shoot, and it's going back to normal," paliwanag ko.  "Oh, that's great..." sambit niya habang nakaangat ang dalawang kilay, "Thanks for making sure. They have an outdoor pictorial tomorrow for LAX Apparel. I was so worried that Ethan's condition might worsen." Ngumiti lang ulit ako tapos nagpaalam na kaagad kay Mr. Efrhain. "I- I'll have to go back to the dressing room, sir. Marami pa po— there are still more to clean."  "Sure. Sure. Thank you again." Ethan Lee, siya ay miyembro ng isang sikat na idol group na ang tawag ay Lexus. Lima sila sa grupo, he's the main vocal and the oldest member of the group. He's too energetic and goofy kaya hindi na ako nagtaka kung bakit siya nagkasakit. Hindi ko rin alam kung bakit siya nilagnat, isang linggo pa lang ako sa trabahong ito at may lagnat na siya noong dumating ako. The next guy is Jay Park, the dad in the group. Dad in a way na siya ang pinaka-mature sa kanilang lahat mag-isip, medyo magkasalungat sila ni Ethan sa iilang bagay. Kagaya na lang ng sa pagkain, Ethan likes spicy food habang ayaw naman ito ni Jay. Mahilig mag-eksperimento ng damit si Jay, he is a fashionista. Samantala, nagmumukhang pariwara naman si Ethan kapag pinabayaan siyang pumili ng suot niya. Regardless of their differences, they both get along with each other.  The third guy is Jake Salvatore. If I were to describe him, it is that he's an honest boy. At kapag sinabi kong honest hindi lang pagiging matapat ang ibig sabihin nito, this also means that he is honest with himself. Kalmado siya at laging nakangiti. Pero lumalabas din ang pagkapilyo niya sa tuwing sumisingit na sa eksena si Lucas Kim, ang ikaapat na miyembro ng grupo at ang malapit na kaibigan ni Jake. They both share the same personality kaya panay ang kulitan nila. Naawa nga ako sa assistant nila na si Korina dahil sa sobrang pasaway nila. Kaya naman, noong nakaraang araw lang ay nilipat ng assistant si Jake. The reason why Jake and Jay are now under Lian's care.  The last member at ang bunso sa grupo ay si Liam Choi. Ngunit kahit na bunso ay hindi siya magpapatalo sa talento. Siya ang pinakamagaling sumayaw sa kanila, main dancer nga ika nila rito. At siya rin ang pinakamatangkad, tapos sumunod si Ethan. Sa totoo lang ay malapit silang dalawa sa isa't isa, dahil limang taon na mas bata si Liam kay Ethan madalas na sa kanya siya nagtatanong at umaasa.  But who cares about their personality? Sapat na sa akin na malaman ang pinakamababaw na detalye tungkol sa kanila dahil assistant lang naman ako ng isang miyembro, at ito ay si Ethan. Therefore, I have to focus on him.  Pero maiba lang ang usapan, may maniniwala kaya kapag sinabi ko na isa rin akong sikat na tao? Show business is the world that I belong. The world of good-looking people, popping camera flash, glamorous outfits, and busy schedules. But currently, I am not in the right country. Wala ako sa bansa kung saan kilala ako ng marami.  As one might have noticed I am not in the Philippines, kaya halos dumugo ang ilong ko sa kasasalita ng English. Pero okay lang, I am kind of used to it. Kaso may mga panahon at sandali lang talaga na nadudulas ang dila ko.  "Rain! Nabigay mo na ba kina Jay at Jake ang mga jacket nila?" tanong sa akin ni Lian.  Isa siya sa tatlong Pilipino na katrabaho ko rito. Isa rin siya sa dahilan kung bakit ako madalas kung madulas sa pagsasalita ng Tagalog.  "Yup. The last shoot begins," sagot ko sa kanya.  Kukunin ko na sana ang mga nakakalat na damit sa upuan ni Ethan nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa aking bulsa, saka mabilis na binasa ang text dito. " The pictorial will start tomorrow. I'll be there. Also, your father wants me to ask you about your job," basa ko sa text.  Who might this be?  "Unknown number," bigkas ko nang makita ang naka-register sa pangalan ng sender.  I just shrugged. Kung sino man siya ay makikita ko rin naman siya bukas. Hula ko ay isa ito sa mga tauhan ni Daddy. He will always find me kahit hindi ko man sabihin sa kanya na nasa South Kisoka na ako. So, as I have been saying, I am a celebrity in the Philippines. Limang taon na ang nagdaan noong nagsimula ako sa show business, and I have never been to a different country to shoot pictorials. Isa ito sa mga goal ko as I step up on the ladder of fame. And yup, I was almost there. Sa kasalukuyan, may tatlong teleserye na akong pinagbidahan. Several advertisements and endorsements.  I was so close to taking photoshoots in Europe, but instead, I am here, in South Kisoka. Ang mas malala pa hindi photoshoot ko ang pinunta ko rito. Sa mundo ng showbiz ako nabibilang, bata pa lang ako ay alam ko na ito. Subalit, nagbago ang lahat nang mamatay ang kapatid ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.0K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
10.1K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.2K
bc

Dangerous Spy

read
294.6K
bc

EASY MONEY

read
173.3K
bc

YOU'RE MINE

read
891.8K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook