Share:

Must be Luck

Kate Arvijhen Romance

6 reads

Lahat ng tao ay nagnanais ng suwerte sa buhay at isa na si Allison Faye sa mga iyon. Ang akala niya, siya na ang pinakamalas na tao sa bawat ng lupa. Kung may hari ng sablay, itinuturing naman niya ang sarili na reyna. Hindi dahil laging sablay ang mga kilos niya kundi dahil sa mga sablay na nangyayari sa buhay niya. Ngunit magbabago ang kapalaran niya nang dumating sa kanyang buhay si Lucky Reinald Serrano. Isang binatang ubod ng guwapo at kanyang magiging future amo. Feeling niya, dumating na ang suwerte sa buhay niya.
First time niyang makarating sa ibang bansa at tumira sa magarang bahay, bonus pa na napakamabait ng kanyang mga amo. Iyon nga lang, may konting problema siya sa alaga niyang special child pero hindi din naman nagtagal at naging close sila ng bata. Dahil din sa bata, naging close din sila ni Lucky at mukhang may nabubuong feelings pa.
Kaya lang, may kontrabida! Si Madeline na ex girlfriend ni Lucky. Akala niya, tuloy-tuloy na ang suwerte niya pero mukhang mapupurnada pa. Kung baga sa kasabihan, “suwerte na, naging bato pa.” Kahit yata sa pag-ibig ay sablay siya. Mukhang hindi yata papayag si tadhana na suwertehin siya.
Ano nga bang kapalaran ang naghihintay sa kanya? Suwerte na nga bang nakilala niya si Lucky o isa rin itong sablay na pangyayari sa buhay niya?

Unfold

Tags: familygoodgirlmaiddramatwistedbxgcitysecretsslice of lifesassy
Latest Updated
Chapter 3

Hapunan. Si Faye na ang nakatoka para magpakain kay Zoya. Kaninang tanghalian, nakatingin lang siya habang pinapakain ito ni Amelia. Si Amelia ay tumayong pansamantalang yaya ni Zoya nang umuwi si Nanay Juana sa probinsiya. Sabi ni Amelia, kay Nanay Juana lang nakikinig si Zoya. Hindi rin ito kumakain kung hindi si Nanay Juana ang magsusu……

Comment