bc

Haciendera Series # 2: Stephanie Anne Oraza

book_age18+
2.1K
FOLLOW
16.9K
READ
opposites attract
badgirl
heir/heiress
comedy
bxg
humorous
ambitious
witty
small town
seductive
like
intro-logo
Blurb

Stephanie Anne Oraza is not your typical Haciendera. Hindi siya lumaking sopistikada, elegante at may marangyang pamumuhay. Sakit sa ulo ng kanyang Tiya Helena simula pa noong bata siya. Matalino ngunit tamad. Maganda ngunit kinulang sa pagiging edukada.

Paano kung isang araw ay magtagpo ang landas nila ni Governor Philip Enriquez at sabihin sa kanya na isa pala siyang tagapagmana ng malaking lupain sa Batangas? Na siya pala ang tunay at nag-iisang Haciendera ng pamilya Oraza.

Labis ang saya ni Stephanie Anne ng malaman na siya pala ang nawawalang Haciendera! Ngunit ang saya ay napalitan ng lungkot at takot dahil sa dami ng responsibilidad na inaatang sa kanya. Maging ang buong pagkatao niya ay dapat magbago para bumagay sa mundong ginagalawan niya. Hindi niya yata kaya!

Makukuha kayang mabago ng isang lalaki ang babaeng simula pa noon ay lumaki ng puro kalokohan at walang delikadesa?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: NAKASIMANGOT ako ng lumabas ng apartment. Kanina pa nag-aantay sa labas si Travis. Ang ganda ng pangalan pero mukhang kurimaw naman. Hindi na ko nag-abala pang ayusin ang aking buhok. Hindi pa nga ako tapos maglinis ng apartment pero lalabasan ko na siya para magtigil lang sa kakatawag sa cellphone ko. Nakakairita talaga at paano niya nalaman ang tunay kong numero. Busangot pa ko ng lumabas sa gate. Mabilis na tumawid ng kalsada si Travis matapos na makita ako. Muntik na akong masuka ng makita na naman siyang naka-shades at suot ay maluwag na t-shirt na pinatungan ng jersey. Tapos tinernuhan ng maluwag din na chekered pants. Naghuhumiyaw sa kulay ginto ang buhok nito maging ang tatlong kwintas niya ay ginto. Marami ring singsing na pulos ginto. Matangkad ngunit payat. Moreno rin siya at may katangusan naman ang ilong pero malaki naman ang mga mata. Ang bibig niya ay pulos sungki-sungki pa. “Anne! Akala ko hindi ka na talaga lalabas,” anito habang nagkakamot pa ng ulo. Bumagsak ang mata ko sa bitbit nitong paper bag. Napataas ang kilay ko ng makitang nakatatak doon ay Michael Kors brand. Relax, Anne. May bitbit na naman siya! Takpan mo na lang ang mukha para hindi ka masuka. Sinubukan kong kumalma pero sa tuwing mapapabaling ako sa kurimaw niyang mukha ay nanghihina ako talaga. Gusto kong tumakbo palayo pero dahil may nakita akong bagay na mukhang para sa akin, titiisin ko na lang muna. Ang mukha kasi ni Travis ay hindi papasa kahit pantawid gutom man lang. Humalukipkip ako. Hapon na pero tirik na tirik pa din ang gintong buhok nito. Muntik na kong mapangiwi ng makitang itinaas nito ang suot na shades. Mas lalo akong nawalan ng gana. “Ano bang kailangan mo? Tsaka sino ba nagbigay ng number ko?” Nakasimangot kong sabi. Sa ibang direksyon ako tumingin dahil hindi ko makaya titigan ang pagmumukha niya. "Ah... I have my ways, baby," anito. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Kikiligin sana ako kung gwapo at matipuno ang aking kaharap pero kabaligtaran naman. Isang buwan pa lang na nakilala ako ni Travis. Pinakilala sa akin ng katrabaho ko pero sa lahat ng ipapakilala niya iyong mukha pang tukmol! Matagal na pala daw kasi akong nakikita sa Peacebook. May common friend kami kaya gustong-gusto niya akong makita. Ayoko sana kaso inabangan ba naman ang kasama ko ng uwian na kaya wala siyang nagawa kundi ipakilala ako. Simula noon, panay na ang abang niya sa akin sa tapat ng Manufacturing Company. Inis na inis ako dahil tinutukso kami ng mga co-employees ko doon. Hindi pa naman likas sa akin ang mamahiya ng tao pero stress na stress ako. Napilitan akong sabihin sa kanya ang apartment ko huwag lang siya magpakita sa trabaho. Kaso nang nalaman niya kung saan ako nakatira. Panay naman ang punta! Mabuti na lang pabago-bago ang shift ko. Kung hindi araw-araw ko siyang makikita. Kaso hindi ko na kaya! “Ibibigay ko sana sa’yo, ‘to," aniya sabay abot ng paper bag. Mabilis akong bumaling doon. Napalunok ako. Gustong-gusto ko kunin kaso lalo lang yata dadami ang utang na loob ko sa kanya. Lalo lang lalakas ang loob niya magpunta dito at hindi ako titigilan sa panliligaw niya. Umiwas ako ng tingin at kunwari hindi nasisilaw sa bitbit niya. Si Travis kasi ay rapper. Sumikat ang ilang kanta niya kaya ayun unti-unti na rin siyang nakikilala. Pero ganunpaman, hindi ko talaga siya gusto! Diyos por santo. Patawarin nawa ako ni San Pedro! "Travis, umuwi ka na. Tsaka tigilan mo na 'ko. Parang-awa mo na. Ayoko muna mag-boyfriend. Marami pa kong pangarap sa buhay!" sabi ko ng hindi siya tinitignan. "Ha? Bakit? Sagabal ba ko sa pangarap mo? Tutulungan kita maabot ang pangarap mo, Anne!" aniya at bakas pa rin ang determinasyon sa mukha. Napangiwi ako at iritado na siyang tinignan. "Hindi nga ko nag-bo-boyfriend! Ayoko ng tanggapin 'yan, dadami lang utang na loob ko. We can ano—be friends!" matigas pa sa bato ang ingles ko. Laglag ang balikat niya ng sabihin ko iyon. Sinilip ko siya pero nanatili akong nakahalukipkip. Medyo naawa ako sa tulad niya. Exotic na nga kinawawa ko pa. "P-pero... huwag ka ng malungkot, gagi! Madami pang iba diyan. Talagang wala sa bokabularyo ko ang mag-boyfriend. Sige na kasi naglilinis ako, pasensya na, ha?" sabi ko at napatingin sa paper bag nitong bitbit. Hinayang na hinayang ako. Ilang sahod pa ang iipunin ko bago ako makabili ng mamahaling relo na 'yon. Panigurado nasa sampung libo isa no'n! Tinalikuran ko siya. Hindi pa ko nakaka-isang hakbang ay tinawag na naman niya ako. Napapikit ako ng mariin pero walang reaksyon akong humarap na sa kanya. "Bakit?" tanong ko. "Salamat. Salamat sa lahat-lahat. Mag-iingat ka. Palagi kang kakain sa tamang oras. Huwag kang magpapakapagod. Matutulog ka pala—" "Oo na! Oo na! Alam ko na 'yan." Napakamot ako sa aking leeg ng wala sa oras. Bakit niya ko sinasabihan niyan na akala mo mag-be-break kaming dalawa. "Wala na ba?" yamot kong sabi sabay sulyap ulit sa paper bag. "Uh, eto. Last na 'to. Sa'yo na lang, wala naman akong pagbibigyan," aniya sabay lahad ng paper bag. Namilog ang mga mata ko pero agad ding nakabawi. Muntik pa kong naglakad palapit sa kanya para kunin iyon pero na-realize ko baka isipin naman niya masyado akong manggagamit. "Sigurado ka ba? Ayoko, iuwi mo na 'yan," pakipot kong sabi at muli na namang humalukipkip. "Hindi, seryoso ako. Sa'yo na 'to." Gumilid ang mata ko para tignan kung nagsasabi ito ng totoo. Mukha namang seryoso kaya sige. Mabait naman ako. Nagkakawang-gawa naman siya kaya kukunin ko na. Humakbang ako at kinuha ang paper bag sa kanya. Hihilaain ko na sana kaso parang ayaw niya bitiwan ang string. Kumunot ang noo ko at hinila ulit pero ayaw pa din niya. Bibitiwan ko na sana kaso nauna na siya. Pinaubaya niya na. Nakahinga ako ng maluwag. Kinagat ko ng mariin ang ibabang-labi. "Salamat dito, ha? Wala ng bawian! Ingat ka and sana mahanap mo na ang babaeng para sa'yo! Babush!" sabi ko sabay talikod at nagmamadali kong sinara ang gate.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook