bc

Blood and Butterflies

book_age16+
1.2K
FOLLOW
5.8K
READ
family
kickass heroine
powerful
warrior
bxg
lighthearted
deity
supernature earth
self discover
special ability
like
intro-logo
Blurb

“Thank you for giving me butterflies in this world that full of blood.” – Catalina Gaius.

Ipinadala si Catalina sa mundo ng mga tao para gampanan ang kaniyang tungkulin bilang isang gabay. Kailangan niya lang tapusin ang kaniyang misyon upang maging isang ganap na Supreme o ang pinakamalakas na yugto sa pagiging isang gabay. Walang kahit na anong naaalala ay namuhay si Catalina sa mundo ng mga tao kasama ang kaniyang kinagisnang ama. Habang tumatagal ay unti-unti niyang maaalala ang mga bagay na matagal na niyang ginagawa at ang dahilan kung bakit siya nandito sa lupa. Maayos niyang naisasagawa ang misyon, hanggang sa isang araw ay nagising na lang siyang nilalabag ang isang kautusan. Kautusang nagbabawal na umibig sa isang mortal.

chap-preview
Free preview
Chapter One
“Catalina! Catalina!”   Halos isiksik ko ang sarili sa kumpol ng mga talahib na pinagtataguan ko. Napapahagikhik ako habang pinapakinggan ang sunod-sunod na pagtawag sa akin. Pang-ilan na ba siya na pumunta rito para sunduin ako? Mapapagod lang sila dahil hindi nila ako mahahanap.   “Catalina, magpakita ka na. Pareho tayong malilintikan sa iyong ama,” wika pa niya.   Halos magmakaawa ang kaniyang boses. Nakikita ko siyang paikot-ikot dito sa talahiban na pinagtataguan ko. Mabilis ang kilos ko sa paglipat ng pwesto sa tuwing malapit na siya sa kinaroroonan ko.   “Maawa ka sa akin, Catalina. Halika na at umuwi na tayo.” Panay ang hawi niya sa bawat talahib na madadaanan. Hindi niya alam na nasa likod lang niya ako at sinusundan ang mga pinupuntahan niya.   “Ayoko pa nga pong umuwi,” bulong ko na tanging sarili ko lang ang makakarinig.   Tumingin ako sa itaas at hindi pa naman dumidilim. Uuwi ako kapag hindi ko na nakikita ang daan. At saka hindi na ako bata, bakit ba laging kailangan akong sunduin para lang umuwi? Alam ko naman ang daan pauwi.   “Bahala na nga. Uuwi naman ang batang iyon kapag nagutom. Napakapasaway talaga. Maaga akong tatanda rito!” Kausap niya sa sarili.   Pinanood ko ang pagtalikod niya habang bagsak ang balikat na lumayo sa talahiban. Napangiti ako nang makalayo siya sa kinaroroonan ko. Sa wakas ay sumuko rin siya sa paghahanap sa akin.   “Pasensya na po,” ani ko kahit hindi naman niya maririnig.   Humagikhik ako at ibinagsak ang katawan sa talahiban. Bumungad sa akin ang maaliwalas na tanawin sa itaas. Kay sarap pagmasdan ng maayos na pagkakahilera ng bawat ulap sa langit. Sinundan ko rin ng tingin ang papalayong hilera ng mga ibon.   “This is life!” sigaw ko at agad ding tinakpan ang bibig nang maalala na baka hindi pa nakakalayo ang taga-silbi namin na kanina lang ay nandito.   Nilingon ko pa ang dinaanan niya at nakahinga lang ng maluwag nang wala namang bumalik. Idinipa ko ang kamay habang nakahiga sa damuhan. Para akong hinihele ng malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Alam kong mamaya lang ay may bago na namang maghahanap sa akin at pipilitin akong umuwi.   Ayokong umuwi. Ayoko sa bahay. Hindi ako makaramdam ng kalayaan kapag nasa bahay. Pakiramdam ko ay ang daming kulang sa akin kapag nandoon. Ang dami kong hinahanap na hindi ko naman matukoy kung ano. May gustong maramdaman ang puso ko na hindi nito makuha.   Habang tinitingnan ko ang langit ay naiisip ko kung ano ang pakiramdam kapag doon nakatira. Kahit pinagmamasdan ko lang ito ay gumiginhawa na ang pakiramdam ko. Nawawala ang lahat ng tanong sa isip ko. Hindi ko alam pero may kung anong pamilyaridad akong nararamdaman dito pero kahit anong hukay ko ay hindi ko naman maabot kung ano iyon.   “Catalina!” Napabalikwas ako sa isang matigas na tawag sa pangalan ko.   Madilim na mukha ng isang lalaki ang sumalubong sa akin ngunit agad ding lumambot iyon nang makita akong nakangiti sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hininga habang naiiling na pinagmamasdan ako.   “Papa!”   Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya. The man in front of me is my father, Noelito Angeles. Napatawa ako nang guluhin niya ang buhok ko.   “Gabing-gabi na pero nandito ka pa rin sa labas,” wika niya habang niyayakap din ako pabalik. Hindi ko napansin na madilim na pala, kanina lang ay may araw pa.   Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa ulo ko. “At amoy pawis na ang prinsesa ko.”   Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at inamoy ang sarili pero mabango pa rin naman ako.   “Grabe ka naman, papa. Hindi naman po!” Pabirong sumimangot ako sa kaniya   “Nagbibiro lang ako, anak. Ang patola mo!” Tumawa siya at muling ginulo ang buhok ko. Mukha siyang tuwang-tuwa na pinagtitripan ako. Tumigil lang siya nang marinig ang pagkalam ng sikmura ko.   “Oops!” Naitutop ko ang kamay sa bibig at napatawa na rin.   “Umuwi na nga tayo para mapakain na natin ang mga alaga mo riyan sa tiyan,” saad niya.   “Aye, aye, captain!” Masayang tumango ako at ikinawit ang kamay sa braso niya.   “Pinagtaguan mo na naman daw ang mga kasambahay natin.” Sermon niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay na hindi naman kalayuan sa pinagtambayan ko. Akala ko ay ligtas na ako mula sa sermon niya pero hindi pa pala.   “Maawa ka naman sa kanila, anak. Laging bigong umuuwi sa bahay dahil hindi ka makita,” sabi pa niya.   Napahagikhik ako. “Hindi ko naman po kasalanan na hindi nila ako makita, papa.” Siguro ay hindi ko na lang gagalingan ang pagtatago sa susunod para mahanap nila agad ako.   “Pasaway ka talaga, anak.” Umiling-iling siya ngunit bakas naman ang ngiti sa mga labi.   Natatanaw na namin ang tarangkahan ng aming bahay at awtomatiko itong nagbukas noong dumating kami. Pagpasok namin ay nakahilera sa labas ang mga kasambahay na kanina lang ay naghahanap sa akin. Napatungo ako at lihim na napangiti no’ng manlaki ang mata nila nang makita ako.   “Saan ninyo po siya nakita, Señor?” tanong ni Lucing, isa sa mga kasambahay na naunang naghanap sa akin.   “Sa talahiban. Wala namang pinupuntahan ang batang ito kung hindi roon,” sagot ng aking ama.   Nakita kong tumingin sa akin ang mga kasambahay. Napapakamot sa ulong umiling sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila at kumaway.   “Sige na, Catalina. Pumasok ka na sa loob at magpalit ng damit. Bente-uno ka na pero para ka pa ring batang amoy araw.” Napatawa ang lahat ng mga nakarinig sa sinabi ng aking ama.   “Mag-uusap din tayo mamaya.” Habol pa niya.   Tumango naman ako at sinunod ang utos niya. Narinig ko pang kinakausap niya ang mga nasa labas at pinaalalahanan ng mga bagay na tungkol sa akin. Noong makapasok sa loob ay doon ko pinakawalan ang isang buntong-hininga na kanina ko pang pinipigil habang naglalakad pabalik rito. Nandito na naman ako sa bahay. Bagsak ang balikat na tinungo ko ang hagdan. Habang inihahakbang ko ang paa ay inililibot ko rin ang tingin sa loob ng kabahayan.   Maniniwala ba kayong sa loob ng dalawampu’t-isang taon kong pamumuhay rito ay wala akong maramdaman na kahit anong pamilyaridad sa lugar na ito? Pinapalibutan ako ng iba’t-ibang mga tao pero hindi sila halos kilala ng puso ko. At hindi ko rin maiwasang hindi masaktan sa katotohanang ang isip ko lang ang nagmamahal sa ama ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook