bc

Mere Maid For Him

book_age16+
669
FOLLOW
2.2K
READ
badboy
goodgirl
student
maid
mermaid/mermen
bxg
lighthearted
magical world
secrets
superpower
like
intro-logo
Blurb

Namasukan si Selena bilang katulong sa bahay ng mga Lemman upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Naging maayos ang pagtira niya roon dahil pawang mababait ang mag-asawang Lemman at ang anak nilang nakilala niya.

Ngunit nagulat na lamang si Selena sa pagdating ng isang Kiel Lemman, ang umano'y pangalawang anak ng kaniyang pinagsisilbihan. Sa pagdating ng lalaki ay magugulo ang maayos niyang paninirahan sa mga Lemman. Kita niya na kaagad ang pagiging pasaway nito sa mga magulang at ipinagtataka pa niya kung bakit malayo ang loob ng lalaki sa sarili nitong ina.

Madalas man siyang mainis sa mga ipinapakita ng lalaki sa kaniya, hindi niya naiwasan ang makaramdam ng atraksiyon dito.

Ngunit mayroong lihim ang bawat isa...

Si Selena ay isang sirena na naipatapon sa kanilang kaharian at si Kiel naman ay ang isa sa mga dahilan kung bakit naipatapon si Selena...

Posible bang magmahalan ang dalawang taong may magkaibang mundo at may mapait na karanasan sa nakaraan?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
San Martin Year 2009 Sa kalagitnaan nang gabi ay makikita ang bahagyang paggalaw ng tubig malapit sa dalampasigan. Hanggang sa unti-unting lumitaw ang ulo ng isang napakagandang babae. May hawak din itong isang batang babae na nasa edad lima. Ngunit hindi normal ang bata dahil makikitang may kulay asul itong buntot. Isang sirena. Nagkataon namang may isang mangingisda ang kabababa lamang sa bangka galing sa paglalambat sa kalagitnaan nang gabi. Nagtaka ang lalaki nang may maramdaman siyang paggalaw sa tubig malapit sa kaniyang paa. Nang lumingon siya ay laking gulat niya nang makita ang magandang babae na may buhat-buhat na batang sirena. Mayroon itong mahaba, tuwid, at itim na itim na buhok. Matangos ang ilong ng mga ito at may mapupula at manipis na mga labi. Maihahalintulad sa isang labanos ang kulay ng balat ng mga ito. "P-pasensiya n-na k-kayo... kung nagambala ko kayo... G-galing lang ako s-sa..." napalunok ang mangingisda at hindi magawang tapusin ang sasabihin sana. Bigla itong nangamba na kaya baka nagpakita ang sirena sa kaniya ay dahil sa bitbit niyang mga huling isa. "Huwag kang matakot," malamyos ang boses na sagot ng babae. Bahagya ring gumalaw ang tubig sa likod ng babae at hindi nakaligtas sa paningin ng mangingisda ang kulay asul ding buntot ng babae na siyang dahilan ng bahagyang paggalaw sa tubig. Kulay asul din ang mata nito at may freckles sa magkabilang pisngi katulad ng buhat-buhat nitong batang sirena. Nasigurado na ng mangingisda na mag-inang sirena ang kaharap niya. "H-huwag n-niyo p-o akong sasaktan..." takot na takot na saad ng mangingisda. "Narito ako upang maghanap ng isang tao na may mabuting puso. At ikaw ang nakita ko," nakangiti man ay tila may lungkot sa mga mata ng babaeng sirena bago sinulyapan ang anak nito na buhat-buhat niya na nananatiling tulog. "A-ano p-pong i-ibig n-niyong s-sabihin?" kahit na takot ay nagawang itanong ng mangingisda. "Ako si Shania, at ito ang aking anak. Nanganganib ang buhay niya sa aming mundo. Kailangan ko siyang iligtas kaya naghahanap ako ng taong mamahalin siyang parang isang tunay na anak. At base sa pagliwanag ng iyong dibdib sa aking paningin, ikaw ay isang mabuting tao," paliwanag ni Shania. "I-iwan niyo sa akin ang... Ang anak mo?" pagtanong muli ng mangingisda na unti-unti ng tumatayo. "Parang awa mo na. Malapit ng magliwanag at kinakailangan ko ng bumalik sa Sirenia. Kunin mo na siya. Bilang kapalit, sa tuwing ikaw ay papalaot, saganang isda ang iyong makukuha," saad ni Shania. "P-pero... Isa siyang sirena... Hindi siya matatanggap dito at pagkakaguluhan lang siya," sagot ng mangingisda. "Huwag kang mag-alala. Sa sandaling mawala na siya sa aking bisig ay lilitaw ang isang kuwintas at maglalaho na ang kaniyang buntot," muling paliwanag ni Shania. Sa huli, napapayag din ang mangingisda na kunin ang batang sirena. Nang abutin niya ito kay Shania ay lumitaw nga ang kuwintas sa leeg ng bata kasabay ng paglaho ng buntot. Naging isang normal ng bata ang sirena. Nawala rin ang freckles sa magkabilang pisngi ng natutulog na bata. "Maraming salamat! Makakaasa kang tutuparin ko ang aking pangako patungkol sa paglambat mo ng mga isda," turan ni Shania bago ito tumalikod. "S-sandali lamang!" bigla namang pagpigil ng mangingisda, "nang lumitaw ang kuwintas, nawala ang buntot niya. P-paano kapag tinanggal ito?" may pangamba nitong sabi. Naunawaan naman ni Shania ang ibig sabihin ng lalaki kaya't muli siyang nagpaliwanag, "Magbabalik ang buntot niya kapag naalis ang kuwintas sa kaniyang leeg. Kaya't huwag mong aalisin." "N-ngunit napakaganda ng kuwintas na ito. Paano kung may magtangkang magnakaw?" turan ng mangingisda habang titig na titig sa kuwintas. Ginto ang kuwintas na may palawit na sinlaki ng bibig ng isang kutsara. May mga maliliit ding diyamante na nakabaon sa palibot ng pendant at sa gitna pa niyon ay may malaki pang diyamante. Sa mundo ng mga tao ay malaking halaga at kayang magpayaman ng tao kapag naibenta ang kuwintas na iyon. "Ang mga taong katulad mo na may mabuting puso lamang ang maaaring makatanggal ng kuwintas sa kaniyang leeg. Hindi iyan basta-basta mahahablot ng taong may maitim na balak. Hindi kayo ipapahamak ng kuwintas na iyan," ang paninigurado ni Shania. Marahang pagtango na lamang ang isinagot ng mangingisda. Kahit na isang sirena kanina ang batang hawak-hawak niya, nakaramdam kaagad siya ng galak sa isiping may maituturing na siyang anak. Tiyak niyang matutuwa rin ang kaniyang asawa sa sandaling maiuwi niya na ang bata. "Selena. Selena ang kaniyang pangalan. Pangalagaan mo sana siya," boses ni Shania. Paglingon ng mangingisda ay hindi niya na makita pa si Shania. **** "Selena!" Napalingon si Selena nang marinig ang boses ng taong kumupkop sa kaniya. Nasa itaas siya ng isang malaking bato kung saan tanaw niya ang dagat. Nakikita niya rin mula roon ang mga tao sa dalampasigan. Mga mangingisdang katulad ng taong nag-aaruga sa kaniya. "Bumaba ka na riyan at kakain na tayo. Kanina ka pa raw umaga hinahanap ng inay mo," may kalakasan ang boses na wika ng kumupkop kay Selena, si Felimon Silva. Malungkot na bumaba si Selena mula sa tuktok ng bato. Kaagad naman siyang sinalubong ni Felimon upang maalalayan sa pagbaba. "Ano bang ginagawa mo rito sa araw-araw?" kagya't na tanong ni Felimon. Napalingon si Selena sa dagat. Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng huli niyang makasama ang kaniyang pamilya. Araw-araw siyang tumatanaw sa dagat mula sa tuktok ng malaking bato roon sa pagbabakasakaling magpakita ang ina o ama niya sa kaniya. "Halika na," napabuntung-hiningang yakag na lamang ni Felimon kay Selena. Alam ni Felimon na umaasa pa rin si Selena na isang araw ay susulpot si Shania upang bawiin siya. Ngunit base sa nakita niyang pangamba at takot ni Shania noon ay alam na niyang malabo ng bawiin si Selena sa kanilang mag-asawa. Dalangin niya rin na hindi na nga sana bawiin sa kanila si Selena sapagka't ito ang nagbibigay ng galak sa kanila ng asawa lalo pa at hindi naman sila nabiyayaan ng supling. ********** Pagkalipas ng dalawang taon... Year 2011 Bahagyang gumagalaw ang buntot ni Selena habang nasa batya siyang puno ng tubig. Nasa anyong sirena siya at naroon lamang siya sa loob ng kubo nila at halos sarado ang lahat ng bintana at pinto. "Hindi ka pa ba nagugutom?" Malungkot pa rin ang mukha na nilingon ni Selena ang tila bagong ina na niya, "Gusto ko na pong umuwi sa amin... Gusto ko ng umuwi kina ama at ina." Siya namang may kumatok sa pinto. Nataranta pa si Demy dahil doon. Hindi niya malaman kung ano ang unang gagawin para maitago si Selena. Si Selena naman ay kaagad na isinuot muli ang kaniyang kuwintas at sa isang iglap lang ay nag-anyong tao na siyang muli. "Demy, buksan mo ang pinto. Ako ito," boses mula sa labas. Nakahinga naman nang maluwag si Demy nang mabosesan ang asawa. Kagya't niyang binuksan ang pinto. Si Selena naman ay muling tinanggal ang kuwintas at muli siyang nagbalik sa anyong sirena. Muling nagkulay asul ang kaniyang mga mata at lumitaw ang freckles sa kaniyang mga pisngi. "Demy, napakarami ng huli ko ngayon," masayang bungad ni Felimon at saka nilingon si Selena, "maraming salamat sa iyong ina, Selena," ang galak na sambit nito. Ngunit nagtaka sila sa reaksiyon ni Selena. Tila takot na takot itong nakatingin sa napakaraming isda na dala ni Felimon. Hindi sanay si Selena na makakita ng mga napakaraming patay na isda kaya naman napasigaw ito nang malakas. Kasabay ng pagsigaw na iyon ni Selena ay ang biglang pagyanig sa paligid. Biglang nagkaroon ng lindol at sa lakas ng pagyanig ay bumigay ang kinatatayuan ng kubo nila. Si Felimon na noo'y nakatayo pa lamang sa pinakahuling baitang ng hagdanan at hindi pa tuluyang nakakapasok sa pinto ay nahulog dahil sa pagbagsak ng kubo. Si Demy naman ay nagawang takbuhin ang kinaroroonan ni Selena at niyakap ito upang protektahan. Nagawa ni Selena na protektahan din si Demy gamit ang kaniyang kapangyarihan. Sa lakas ng pagyanig, halos lahat ng bahay sa San Martin ay napinsala. Labis naman ang lungkot na naramdaman ni Selena sa nangyari sa kumupkop sa kaniya. Sa bagong kinikilalang ama. Naipit kasi ang kanang paa ni Felimon sa pagbagsak na nangyari sa kanilang kubo at wala kaagad nakasaklolo rito dahil nagkanya-kanya rin ng ligtas sa sarili ang mga tao. Matapos ang insidenteng iyon ay kinailangan na ni Felimon ng saklay dahil napilay ang kanang paa nito sa nangyari...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook