A daughter will do everything just to save her mother.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagbalik ng masalimuot na nakaraan na matagal na niyang pilit kinakalimutan.
Matatakasan pa ba niya ito ngayong pilit siya nitong hinahabol?
Meet NEZ BALDOVINO. Ang babaeng handang gawin ang lahat para lamang sa ina. Ang babaeng iibig ngunit masasaktan sa bandang huli.
Meet KEIV ETTORE. Ang lalaking gagawin ang lahat, mapagbayad lamang ang mga taong nanakit sa kanyang kapatid. Ang lalaking mapaghiganti ngunit iibig din sa bandang huli.
Meet ALLIE TACITO. Ang babaeng baliw sa pag-ibig na handang talikdan ang lahat para lamang sa lalaking minamahal. Ang babaeng kahit kailan ay hindi minahal ng lalaking pinakamamahal.
Meet DANIEL GAZPAR. Ang lalaking pabago-bago ng babae. Ang lalaking gagawin ang lahat maangkin lamang si Nez.
Meet NICOLE ETTORE. Ang babaeng puno't dulo ng lahat. Ang babaeng niloko ng taong pinakamamahal.
Matagpuan pa kaya nila ang tunay na kahulugan ng salitang 'PAG-IBIG'?
O tuluyan na silang lamunin ng GALIT, INGGIT at SAKIT?