bc

Mama, I'm In Love With A Criminal

book_age18+
88
FOLLOW
1K
READ
bitch
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
cruel
surrender
brutal
like
intro-logo
Blurb

Para kay Tracey Dimatagtag o kilala rin bilang Mystica; ang buhay ay maramot sa pagkakaroon ng pantay pantay na pamumuhay. Pinasok niya ang pinakalugmok na uri ng propesyon sa lipunan; ang pagiging bayaran. Handa siyang gawin ang lahat para masuportahan lamang ang kanyang pamilya. Iyan naman ang dahilan ng lahat ng tao. But in her case, mas batikan nga lamang siya sa trabahong ito dahil pinasok na rin niya pati ang pagnanakaw ng singsing sa kanyang pinaka-espesyal na customer na si Judah Messiah Vedeja—na ang tanging alam gawin sa buhay ay maging hari at magaling na underground fighter.

Wala naman siyang choice pagka't nais niyang madugtungan ang buhay ng kanyang bagong silang na pamangkin kaya nagawa niyang pagnakawan ang lalaki.

Subalit paano kung ang singsing pala na iyon ang maghahatid sa kanya pabalik sa buhay ng isang kriminal na nakasama niya ng isang gabi sa kulungan? May karapatan nga ba'ng magmahal ang tulad niya? Dapat ba siyang maniwala na ang pag-ibig ng isang puta ay katumbas din ng isang birhen na dalisay kung magmahal?

chap-preview
Free preview
Capitulo 1
ANG buhay daw ng tao'y maituturing sa isang gasgas na kasabihan. Para daw itong isang gulong ng sasakyan na minsan ay nasa ibabaw, minsan nama'y nasa ilalim. Kapag minalas, maiipit ka sa trapikong walang pag-asang umusad. Gustuhin man na umabante, hindi maari dahil kapalaran na yata ang manatili sa kailaliman at maranasan ang hirap. Kailan nga ba, ang ilalim ay umibabaw rin? Kailan ba ang biyahe ng buhay ay walang danasing lubak? Hindi ba maaring mas lamang ang sarap kaysa sa lusak. Hindi ba maaaring maging pantay ang lahat? Pero parang malabo. Madaya ang mundo. Hindi ka hahayaang sumaya hangga’t hindi mo magagawang lagpasan ang hirap na ibibigay sayo ng universe. “Ladies, ayusin niyo ang mga itsura ninyo! Paano tayo puputaktihin ng mga kustomer niyan kung lunes pa lang ay parang may translasiyong nagaganap sa hilatsa ng mga pagmumukha ninyo! Daig pa ang biyernes santo!” malakas na sigaw ni Madam Odette—ang manager ng Casa Blanca o Mamasang sa bulgar na termino. Umiling-iling ito bago pumasok muli sa opisina. Napapalibutan ng CCTV ang bawat sulok ng silid. Naka-monitor ang lahat magmula sa janitors, bouncers, at hanggang sa amin, maliban na lamang sa banyo kung saan malaya naming magawa ang lahat. Nakaupo ang mga kababaihan sa mahabang upuan. Dim light ang liwanag kaya tago ang disgusto sa mga mukha namin habang naghihintay ng parokyano. Lahat ay naka-pustura at hapit ang mga kasuotan sa namumutok na dibdib at balakang. Lahat ay nakaabang sa papasok na parokyano. Lahat ay nag-aasam na mapili. Pasimple ko'ng hinihila paibaba ang maikling black fitted skirt na suot ko at saka niyakap ang lantad na katawan nang maramdaman ang malamig na buga mula sa aircon. Tanging tube lamang kasi ang suot ko at palda. Naiilang ako pero kailangan ko'ng magtiis. Mas revealing lang ngayon ang aking ayos kumpara sa mga nagdaang gabi dahil kailangan ko'ng dumilehensya ng malaking pera. Umaasa ako ngayong gabi na sana ay may gumarahe sa aking mayaman na lalaki, kahit matanda ay papatusin ko na. Sadyang matindi ang pangangailangan ko ngayon. Kapit na kapit na ako sa dulo ng patalim. Nakapila ang mga bills na dapat kong bayaran, walang lugar ang pag-iinarte. “Tracey, kanina pa umiilaw iyang cellphone mo,” bulong ni Jem sa tainga ko. Saka ko lamang binalingan ang aking awdatibo na panay ang vibrate sa loob ng aking strapless bra. De-keypad lamang ito kaya kasyang-kasya kahit sa panty ko pa itago. Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe mula kay nanay. Premature ang baby, anak. Kailangan natin ng malaking halaga para mabuhay ang baby ng kapatid mo. Kailangan natin ng limang daang libong piso anak, sabi ng doktor. Napahilot ako sa sentido at sumandal sa malamig na pader ng silid. Ibinalik ko ang lumang cellphone sa loob ng suot ko. Napamura ako sa isipan. Limang daang libong piso? Saang kamay ng diyablo ko iyon kukuhanin? Pwede ko bang isangla ang perlas ng silanganan pagkatapos ay tubusin na lamang kapag may pambayad na? Kung detachable lang sana ang kenemper ko, matagal ko ng ginawa. “Problema na naman ba 'yan, dzai?” untag sa akin ni Jem. Sa mundo ng mga pakangkang, siya lang ang maituturing ko na kaibigan. Siya lang din ang nasasabihan ko ng mga ka-dramahan ko sa buhay. Siguro ay nakakarelate kami sa isa't-isa dahil pareho kaming breadwinner at wala ng tatay. Sumalangit nawa ang kaluluwa ng yumao ko’ng ama. Madalas kasi ang ibang babae dito sa Casa Blanca ay binubully ang itsura na mayroon ako. Hindi raw ako bagay dito dahil katawan lang naman ang maganda sa akin at hindi ang mukha. Nakakasira daw ako sa imahe ng Casa blanca. Minsan gusto ko ng maniwala sa sinasabi nila lalo na kapag nakita na ng customer ang mukha ko. Siyempre, dahil na-take out na nila ako, hindi na sila makakaatras pa. Nakapagbayad na sila, e. Nag-se-s*x na lang kami nang walang tinginan sa mukha. Tingin ko ay na-sa-satisfied naman sila sa performance ko sa dahil bumabalik naman sila sa akin para muling gumarahe. Iba rin talaga kapag flexible gumalaw sa kama. “Oo, iyong kapatid ko kasi nanganak na. Kailangan ng malaking halaga dahil premature iyong baby. Putang inang buhay 'to, ang hirap-hirap na nga mabuhay, nagpabuntis pa sa tambay,” problemadong kwento ko. Menor-de-edad pa lamang ang kapatid ko'ng si Trixie. Suwail at rebelde kaya iyon, nauwi sa ganoon ang buhay. Maagang nabuntis. Hindi naman ako pwedeng manermon sa kaniya dahil ibabalik niya lang sa akin ang mga pangangaral ko. Paano ay puta lang kasi ako. Walang moral sa katawan kaya walang karapatang manumbat. Kahit na ako ang nagpapakain sa pamilya namin, walang lugar ang mga salita ko. Kahit na ang i-pinagpapa-aral ko sa kanya ay galing sa pagpu-puta. “Magkano ba ang kailangan mo?” tanong nito kapagkuwan. “Bakit, pauutangin mo ba ako?” nakataas na kilay ko'ng tanong. “Kung kakayanin ng budget,” aniya. “Limang daang libo piso,” mabilis ko'ng sagot. Nanlaki naman ang mga mata niya. “Ang laki naman! Sa private hospital ba nanganak ang kapatid mo? Kulang ang isang gabi para mabunuan ang ganyang kalaking halaga.” “Alam ko naman 'yon. Sana lang ay matake-out ako ngayon ng isang matandang mayaman na madaling utuin.” Napabuntong hininga muli ako. Kahit siguro mangitim ang singit ko sa kakalako ng hilaw na perlas ay hindi ko agad makukuha ang ganoong kalaking halaga. Pero alam kong may pag-asa pa. Balewala sa akin ang hirap, mabuhay lamang ang pamangkin ko. “Pasensya ka na kung wala akong maitutulong sayo ngayon. Pero may chika naman ako sayo,” ani Jem. Napairap ako. Ang laking tulong ng chika niya. “Aanhin ko naman ang chika mo? Magkakapera ba ako diyan?” “Hmm, parang ganun na nga.” Mabilis na nakuha ni Jem ang buong atensyon ko sa isinagot niya. “Sige, magkwento ka na dali.” Nilapit niya ang bibig sa mukha ko. Napatakip naman ako sa ilong. Puta, paano natitiis ng mga lalaki ang hininga nitong si Jem? Kasi-amoy ng tae ng kalabaw. Ang baho! Pasimple akong lumayo sa kanya. “May nasagap kasi akong balita. Naaalala mo ba si Dina?” Pagtukoy nito sa dating pokpok na kasamahan namin. Bigla na lang kasi itong umalis sa Casa nang hindi nagpapaalam. Balita pa ay mayaman na raw ito ngayon at kasalukuyang nasa ibang bansa. Ang swerte ng gaga. Nakakainggit. “Oo. Bakit?” “Alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi na siya pumapasok dito sa Casa?” “Bakit?” “Kasi raw, natatakot siyang ipakulong nung mayamang nagtake-out sa kanya noong gabi bago siya umalis.” “Bakit naman siya ipapakulong?” “Ninakawan lang naman niya iyong customer niya noong gabing iyon. Milyones ang nakulimbat niya. Mayaman na talaga ang hitad!” Napasinghap ako. “Nagnakaw siya? Paano niya nagawa 'yon?” “Naaalala mo naman siguro iyong matandang parating pumipili sa kanya 'di ba? Iyong balbas sarado na matanda?” Tumango ako. Naaalala ko ang lalaking iyon. Palaging may dalang attached case ang matandang iyon. “Nilagyan ni Dina ng pampatulog iyong alak na iniinom ng matanda. Nang makatulog, doon na niya kinuha ang attached case pagkatapos ay naglaho na ang gaga. Pera ang laman no'n!” Napailing ako bago umayos nang upo. May pumasok kasi na customer. Dalawa sila. Umayos rin si Jem at nagsimula ng magpa-cute sa mga lalaking parokyano. Todo awra ang mga kasamahan kong pokpok sa mga parokyano. Nakayuko lang ako habang nag-iisip. Itinago ko ang sarili sa dilim. Yumaman si Dina at nakalayo sa ganitong klaseng buhay dahil sa ginawa niyang pagnanakaw. Ibang klaseng babae, mautak. Siguro kung pagaganahin ko rin ang utak ko, mararanasan ko rin ang buhay na natamo nito. Kiber kung mas lalo akong maging makasalanan. Napakinbangan naman ng nakakawan ko ang p********e ko. Napatingin ako sa dalawang lalaki nang makapili ang mga ito. Sa kasamaang palad ay hindi ako ang napili. Walang kaso, may iba akong plano. At marahil ay ito na rin ang huling gabi ko dito sa Casa blanca. Tumayo na ang dalawang kasamahan ko na napili ng dalawang customer. Sabay na lumabas ang mga ito. Magmamaneho na ang mga ito patungong langit. Muli ay umayos ako nang upo nang tumunog ang chimes hudyat ng pagdating ng panibagong customer. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makilala ang pumasok. Ang matandang lalaki na suki ni Dina! Di yata't parang dininig ako ng kalangitan sa gitna ng aking kahilingan. Kanina lang ay hinihiling ko na sana ay dumating ito at ngayo'y nandito na nga sa ito harapan ko. May dala itong attached case at kasalukuyang iniisa-isa ang hilera ng mga babae. May suot itong sumbrero tulad ng dati. Siyempre, sumumpong ang kagagahan ko. Ibinaba ko ang suot ko'ng tube para mas lalong lumabas ang hiwa sa aking dibdib. Piliin mo ko, sir! Kulang na lang ay isigaw ko 'yon pero dahil high class ang Casa Blanca na pinagtatrabahuhan ko, walang ganoon. Hindi mo pwedeng ipilit ang sarili mo sa lalaki at hayaan lamang ito na mamili. Tumigil ang mata ng matanda kay Jem, medyo matagal. Naalarma ako. Mukhang si Jem pa ata ang mapipili nito. At dahil desperada na talaga ako, pumikit muna ako pagka't alam ko'ng kahihiyan ang gagawin ko'ng ito. Buo ang loob ko'ng nagmulat. Unti-unti ko'ng ibinuka ang dalawang hita ko. Palda lamang ang suot ko kaya alam ko'ng makikita niya ang aking hiyas. Sakto ang pagbaling nito sa akin. Napatitig ito sa akin ng mas matagal kaysa sa normal. Pinasadahan niya ang kabuuan ko. “Exotic beauty,” rinig ko'ng sabi nito na may kasamang pagtango. Nakaramdam ako ng tuwa nang maglakad siya palapit sa akin. Tinanggal niya ang suot na sumbrero at itinapat iyon sa ilalim ng baba ko. Itinaas niya ang mukha ko gamit ang tungki ng kanyang sumbrero. “What's your name?” tanong niya. “My name is Mystica, senyor,” pagsisinungaling ko. Kilala kami ng mga parokyano sa gamit naming alyas. Iyon ang binibigay ko'ng screen name sa lahat ng mga tumi-take out sa akin. Kahit paano, maalam naman ako sa salitang ingles kahit dakila akong drop-out ng high school. Isa pa, marami na rin akong AFAM na naging parokyano kaya tipikal na sa akin ang ganitong mga tanong. “Hmm, I want you,” anito kapagkuwan. Nakakita ako ng pag-asa sa madilim na karimlan. Tuwang tuwa akong tumayo at saka sumunod na sa matanda nang maglakad na ito palabas ng silid. Narinig ko pa ang reklamo ng mga kasamahan ko'ng pokpok. Mamatay kayo sa inggit. Akin ang gabing ito. Sana talaga ay mapagtagumpayan ko ang plano. Gusto ko na talagang mag-retired bilang pokpok at mamasyal na lang sa iba't ibang bansa tulad ng ginawa ni Dina. Makapag-asawa at mamuhay ng tahimik. Magagawa ko lang iyon oras na makuha ko ang attached case nitong matanda. Naka-abang ang matanda sa labas ng Casa Blanca. Naghihintay ito sa harapan ng sasakyan. Mahaba ang kotse nito. Parang katulad doon sa mga naghahatid ng patay. Mas hamak na sosyal nga lang ang kulay nito at mukhang pang-mayaman. “Get in the car now,” utos nito. Nagawa pa akong pagbuksan nito. Tumalima naman ako at pumasok na sa loob. Napakasosyal ng inuupuan ko. Madulas at yari sa balat ang upuan. Sumunod na pumasok ang matanda. Seryoso itong nakatingin sa akin. “Ano pa ang ibang trabaho mo, bukod sa ganitong kalakaran?” anito. May hawak na itong alak at nagsasalin sa dalawang kopita. Nagsimula nang umandar ang sasakyan. “Wala na po. Pagiging pokpok lang po ang trabaho ko,” tugon ko pa habang nakangiti. Inabutan niya ako ng baso at sumenyas na uminom. Kabado man ay tila nabawasan ang takot sa dibdib ko nang uminom ako ng alak. “I see,” makahulugang sambit niya. Hindi niya nilulubayan nang tingin ang mukha ko. Umukit sa labi niya ang ngiting nakakatakot. “Masarap po itong alak, senyor,” sabi ko pa. Malapit ko ng maubos iyon nang mapansin ko na tila dumadalawa ang paningin ko sa matanda. Nahihilo ako at parang gustong pumikit ng mga mata ko. “Sweet dreams, hija. Magpalakas ka. Kailangan pa kitang i-regalo sa amo ko.” Iyon ang huling narinig ko mula sa matanda bago nilamon ng antok ang aking kamalayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook