bc

#1. Reaching Her Climax (Arthur Lavigne)

book_age18+
3.9K
FOLLOW
47.1K
READ
dark
dominant
submissive
comedy
sweet
bxb
lies
virgin
affair
like
intro-logo
Blurb

Regine dreamt of becoming a mother and  wife of Attorney Ricardo David. But behind the pretty lies of Ricardo, Regine waited her husband for many years. She reached thirty-five, and Ricardo didn't give her a child or even devirginized her wife. Regine felt  futile.

Until one night, everything had changed because of a twenty-one year old guy.

Regine accidentally  surrendered her virginity to Arthur Lavigne. A guy who is also brokenhearted over his fiance. 

Destiny brought them together despite the age gap and Regine's marriage with Attorney Ricardo.

Arthur didn't stop, until he discovered that Ricardo has an absurd marriage in California.

Will Arthur Lavigne  fight his genuine love for Regine? Even if he breaks the Law on Marriage just to bring out the truth behind the lies?

Disclaimer: This book is written in Taglish.

All Rights Reserved ©️ HeavenKnowsFLO 2020

chap-preview
Free preview
Climax 1
Climax 1 FLASHBACK Mahaba ang palda ang lumalaylay sa bawat dinadaanan. Bawat pagtakbo ay may kaakibat na mga matang nakatingin sa kanya. "Ang ganda talaga niya," bulong ng isang binata na halos malaglag na ang panga sa kakatingin sa kanya. "Kaso, hindi niya tayo papansinin dahil iba ang gusto niya," pagsingit ng isa pang binata. Isang dalaga na hindi mukhang makabasag ng pinggan. "Gracia!" bulalas nito at napatingin ang kanyang tinawag. "Grabe, ang layo ng itsura mo sa boses mo! Para kang bakla na tambay sa kanto!" pasigaw na tugon. "Eh ano bang magagawa ko kung pangkanto ang tono ng boses ko?" "Oo nga pala, kailan kayo magkikita nila Tito Cardo at Tita Athena?" "Hindi ko pa alam, Gracia. Gustong-gusto ko na rin pumunta sa bahay nila. Matagal din ang dalawang taon na naghintay ako sa pagbabalik nila," aniya ng dalaga at minabuting umupo sa loob ng silid aralan. Nakuha niyang inilabas ang paborito niyang libro ang Romeo and Juliet. Ang librong kahit milyong beses na niyang basahin, ay hindi niya kailanman pagsasawaan. "Palagi na lang ba 'yan ang babasahin mo?" sambit ni Gracia at ibinaba ang libro ng kaibigan upang siya ang pagtuunan ng pansin. "Gracia, alam mo naman na crush ko itong si Romeo. Pakiramdam ko kasi siya si Ricardo!" kinikilig na sinabi ni Regine. Pulang-pula ang mukha niya at isinubsob ang mukha sa librong binabasa. "Gaga! Kahit kailan at napaka landi mo. Maharot ka pa sa bulateng na asinan." "Gustong-gusto ko na kasing ikasal sa kanya. Imagine, ilang taon na niya akong hinihintay para lang mag-isang dibdib na kami!" Halos malukot na niya ang libro dahil sa sobra-sobrang emosyon. "Hay, napakaswerte mo. Isang gwapo, matipuno at may magandang pamilya pa ang lalaking mapapangasawa mo. Kaso, ang tanong?" pabitin na sinabi ni Gracia. Lumapit ang mukha ng dalaga at mukhang interesado sa sasabihin ni Gracia. "Niligawan ka na ba niya?" "Kailangan pa ba no'n? Eh mahal naman namin ang isa't-isa. Isa pa, buong pamilya ko at pamilya niya ay gustong-gusto kaming dalawa!" "Hay nako Regine Perez! Magpaligaw ka na muna! Iba pa rin iyong hinaharanahan ka niya, isinasayaw ka niya, sinusulatan at nagnanakaw ng halik!" bulalas ni Gracia. Natigilan ang dalawang dalaga nang marinig ang isang malakas na kalabog "Ms. Fuentes and Perez! Get out of my class now!" Walang kamalay-malay ang dalawang dalaga na nandito na ang guro nila. "Nako, paano ka magugsustohan ni Ricardo. Tingnan mong pinalabas ka ni Professor," pang-uuyam ni Gracia at tinatawanan ang kaibigan. "Magugustohan niya ako, isa pa't matalino naman ako. Nagkataon lang na masyadong hopeless romantic." Sa kabila ng kanyang ngiti ay may nagbabadyang nerbyos. Kilala sila sa buong eskuwelahan, lalong-lalo na't ang Tatay niyang dating guro sa paaralan ng Fords University. Isang matalino ang kanyang Ama sa larangan ng Matematika. Ngunit hindi ito namana ni Regine. "Ang kinakatakot ko, Business Math Teacher natin siya. Lalong kilala niya si Papa," kabado niyang sinabi at kinagat ang librong hawak-hawak niya. "Good luck sa pag-uwi mo mamaya." Makalipas ang ilang oras, nakuha na nilang makauwi sa bahay. Tila kinabog ang kanyang puso nang makita ang ilang kotseng nakaparada sa labas ng bahay nila. "Bakit ang daming sasakyan?" dahan-dahan siyang pumasok sa backdoor at paunti-unti siyang sumilip. "Regine." Halos mabitiwan ni Regine ang hawak niyang libro sa biglang boses na kanyang narinig. Pagharap ng dalaga, halos malaglag na ang kanyang panga nang makita si Ricardo sa harapan niya. "Oh my God! Ricardo!" nagtatalon si Regine habang nakayakap sa binata. Mahigpit din ang pagkakayakap nito sa kanya. "I miss you Ric! Akala ko next year pa ang balik niyo?" "Hindi, gift for you," inabutan siya ng rosas. Pakiramdam niya'y malalaglag ang puso sa sobrang kilig. "Oh Hija! Nandito ka na pala!" masayang pagsalubong ni Cardo, ang Ama ni Ricardo. "Nice to see you again Tito!" paghalik niya sa pisngi ng matanda, ganoon din kay Athena na Ina ni Ricardo. "Namiss ka namin Hija! Lalo na ako! Halika at marami akong pasalubong sa'yo," parang bata na sobrang excited si Athena at hinawakan ang kamay ni Regine. Napatingin si Regine sa ama niyang si Dave at hindi mapinta ang mukha nito. "Nako, mukhang na report na ako kay Dad," bulong niya at pilit na ngumiti. Pakiramdam ni Regine, malulusaw na siya sa masamang pagtingin ng kanyang Ama. "Dave, kailan ba natin aayusin ang kasal nila Regine at Ric?" tanong ni Cardo sa kanyang malapit na kaibigan. "Kailangan na munang umayos ni Regine sa eskwelahan," seryosong sambit nito. Tila nanlumo sa kahihiyan si Regine nang marinig niya ang galit na boses nito. "Why? Ano po ba ang nangyari?" interesado si Ric at tinanong si Dave. "Pinalabas siya sa klase kanina. This is your last year in school! Ni isang uno na grado wala kang maipakita sa'kin, puro kahihiyan Regine!" sigaw ng Ama nito. Nilapitan ni Cardo ang kaibigan niyang si Dave at hinawakan sa balikat. "Pare, hindi sa nakikialam. But please, reprimand her in private. Alam mo naman ang mga bata, masyadong sensitibo," bulong ni Cardo. "Cardo, I understand. But my daughter is very hardheaded. Nakakahiya sa Professor niya," pag-iling nito. Minabuting lumayo ng dalawang magkaibigan at iniwan sila Athena, Regine at Ric sa sala. Pinagmamasdan ni Ric ang bawat kilos ni Regine. Napansin din niyang kanina pa nito kinakagat ang labi. "Tita, excuse lang po," pagpapaalam niya at ngumiti si Athena sa kanya. Nang marating ni Regine ang kusina, dito niya inilabas ang luhang pinipigilan. "Sinabi ko na nga ba!" napatingin si Regine dahil biglang sumulpot sa likuran niya si Ric. "Iyakin ka talaga," dagdag ni Ric at yumuko pa ito para lumapit ang mukha sa dalaga. Hindi kumibo ang dalaga at patuloy na umiyak. "Huwag kang umiyak. Ang pangit mo Regine," kinurot nito ang magkabila niyang pisngi at parang bulak na basta lang hinatak. "Aray! Ric naman, bitiwan mo ako," reklamo ni Regine at halos nakatingkayad na ito. Walang tigil sa pagtawa ni Ric dahil sa sobrang pula ng pisngi ni Regine, lalong natutuwa rin siya sa itsura nito. "Don't cry, hindi mo bagay. Akala ko bang matanda ka na? Wala ka pa rin pinagbago mula sa Regine na nakilala ko," sambit nito at hinawakan ang mukha niya. Nag-iwas tingin si Regine dahil hindi niya alam kung sasabog na ba siya sa sobrang kilig. "Nakakainis kasi si Dad, sa lahat ng tao na pipiliin niya. Sa harapan niyo pa ako pinahiya. Gusto niya yata lagpas pa sa uno ang grado ko!" "Ano ba kasi ang ginawa mo?" "Nagkukuwentuhan lang kami ni Gracia, pagkatapos pinalabas niya kami. Hindi naman namin siya napansin na pumasok. Siya nga ang late lagi, tapos hindi naman kami nagagalit," gigil na nakakuyom ang kamao. "Sa susunod tumingin ka sa paligid. Hindi naman laging ang ikot ng mundo ay nasa sa inyong dalawa lang ni Gracia." "Kailan mo kaya ako liligawan? Gustong-gusto ko nang halik mula sa labi mo," bulong ni Regine habang nagpipigil ng kilig. "Mababa ba ang grades mo?" "Hindi, masyado lang nga talagang mataas ang standards ni Dad. Gusto niya flat one o kung may tataas pa yata sa uno!" "Huwag ka nang umiyak, halika sumama ka sa'kin." Magkahawak kamay ang dalawa at hinatak siya ng binata. Isinakay siya nito sa kotse at walang ideya ang dalaga kung saan sila pupunta. "Saan mo ako dadlahin?" "Basta alam kong mawawala ang stress mo, kapag nag punta tayo roon," ngumiti si Ric at halos malusaw na ang puso ni Regine. "Ang swerte ko sa lalaking 'to. Napaka successful, kahit na labinanim na taon ang agwat niya sa'kin. Ni minsan hindi ko siya nakitang nag take advantage sa p********e ko," bulong ni Regine habang nagde-day dream na nakatingin kay Ric. "Hey, tulala ka na naman Regine," itinaas ni Ric ang kamay at tinapat sa mukha ni Regine upang makuha ang atensyon nito, pagkatapos ay bumaba ng sasakyan. Hindi niya alam kung para ba siyang prinsesa at nakuha pa siyang pagbuksan ng pinto. "Wow!" "Halika! Kahit ilang oras kang mag-bike rito." Nasa isang Amusement Park ang dalawa kung saan pwedeng mag-arkila ng bisikleta. "Angkas mo na lang ako," wala sa wisyong sinabi ni Regine. "Ha?" "Wala! Tara na dali!" Malakas na hangin at naghahabulan ang dalawa. Hindi maipinta ang saya ni Regine kung hanggang saan ito aabot, lalo na't kasama niya ulit ang kanyang childhood sweetheart na si Ric. "Paano ba ako gagawa ng paraan para makaangkas sa bisikleta niya?" Regine whispered. Panay bulong ang dalaga at nag-iisip kung anong gagawin niya upang mayakap ang binata. "Gusto ko siyang hagkan pa, 'yung matagal. Bakit ang purol yata ng utak ko?" dagdag paniya. "Kulang ka ba sa vitamins? Hindi mo ako mahabol!" sigaw ni Ric sa kanya at patuloy na nagpapahabol ang binata. "Hahabulin kita!" binilisan ni Regine ang padyak at ilang sandali. "Bright idea Reine. Walang tatalo sa pagiging mautak mo," para bang may umilaw na bombilya sa kanyang utak dahil sa naisip na paraan. "Aray! Aray!" pagsigaw niya. Napalingon si Ric sa kanya at nagmadaling lapitan ang dalaga. "Regine! Damn, I'm sorry!" basta nalang siyang binuhat. "Ric, saglit masakit," reklamo niya at napangiwi si Regine sa sobrang sakit ng tagiliran niyang tumama sa bato. "s**t, sana hindi na kita inasar. Nasaktan ka pa." Hindi mapalagay si Ric at hindi niya alam ang gagawin kay Regine. Inupo niya ito hinawakan bigla ang binti niya. "Itaas mo ang palda mo," utos nito at napalunok si Regine sa sinabi nito. Hindi nakapaghintay ang binata at siya na mismo ang gumawa. Tiningnan niya ang kaliwang binti nito at kitang-kita ang pamumula. "I'm sorry. Paano kita iuuwi? Baka akala ni Tito Dave pinabayaan kita? Baka pagalitan ka pa niya lalo. Iuuwi ba kita sa bahay ko?" sunod-sunod na sinabi nito. Hindi nakakibo si Regine at hindi niya alam kung mabuti ba ang naisip niyang kalokohan o mauuwi sa ligwak mula sa kanyang Ama. "Gaga ka talaga Regine. Bakit ba kasi ako naging action star," bulong niya. "Hindi, okay lang ako," sagot ni Regine. Sa biglang tayo niya'y napakapit siya kay Ric nang kumirot ang tagiliran, dagdag pa ang mga galos niya. "Bubuhatin na kita Regine," pumwesto ang binata upang buhatin siya. "Ric huwag na. Kaya ko naman na maglakad," pagtanggi niya dahil bigla siyang nahiya sa kalokohan niya. "No, hagkan mo ako para hindi ka malaglag," utos nito. Napayakap si Regine nang mahigpit at sinandal ang ulo sa likuran ng binata. "A-Ang s-sarap. Ang sarap mong hagkan!" pagpigil niya ng kanyang pagtawa. Hanggang makarating sa kotse, bitbit niya si Regine at gustong-gusto na rin lumabas ng kanyang puso. Nang marating nila ang bahay nila Regine, kinakabahan ang dalaga dahil hindi niya alam ang magiging reaksyon ng kanyang Ama. Galit ang Tatay niya sa tuwing gagawa siya ng katangahan. Palaging gusto nito na makinis ang bawat pagkilos niya. Hindi mawawala kay Regine ang pagiging clumsy at padalos-dalos na desisyon. "Oh my God! Anak, what happened to your fiance?" bulalas ni Athena at nilapitan ang dalawa. Inilapag niya ang dalaga sa sofa at halos mag nerbyos si Regine nang makita ang magkadikit na kilay ng Ama. "Tito Dave, I'm sorry. It's my fault. Naaksidente po siya sa bisikleta dahil sa'kin. Naghahabulan po kasi kami, and then she fell," sambit ni Ric at hinarap ang Ama ni Regine. "Mabuti at walang nangyaring mas malala pa. Next time, you take care of yourself, Regine. Hindi ka na bata at simpleng pagbibisikleta hindi mo pa makuha," giit nito. "I'm sorry, Dad," mahina niyang pagsagot. "Hay nako at buti na lang, hindi ka nabalian Regine," pag-aalala ni Athena at tinali ang haba niyang buhok. "Oo nga po eh, salamat po sa pag-aalala Tita," aniya niya kay Athena. "I said, mommy na ang itawag mo sa'kin. Ilang buwan na lang at ikakasal na kayo ng anak ko." Napatingin si Ric sa kanya at ngumiti ang binata. "Mama excuse, dadalhin ko sa kuwarto si Regine para makapagpahinga na po siya," pagsingit ni Ric. "Okay son, pagdalhan mo na lang din siya ng pagkain." "Kahit ako na lang ang aakyat mag-isa, Ric," nahihiyang sinabi ni Regine at hindi makatingin ng diretso kay Ric. "Ayos lang. Doon na rin kita gagamutin." Nailapag siya nito sa kanyang kama, nahiya si Regine dahil nagkalat lahat ng Romance book niya sa desk. Nakita niyang ngumiti si Ric at lumuhod sa harapan niya. "Bakit ang hilig mo naman magbasa ng ganyan?" "Eh kasi, nakakakili--Aray! Aray Ric mahapdi!" reklamo niya at napakagat labi siyang tumingin dito. Ilang segundong nagtatagisan ang kanilang mga mata. "Next time, iaangkas na lang kita." "Naiihi na ako sa kilig," she whispered and looked up because she didn't know what to do. "R-Ric masaya ka ba?" biglang tanong ni Regine. "Ha? Bakit mo naman natanong?" "Gusto ko lang malaman." "Masaya? Oo naman," pormal na sagot niya kay Regine. "I mean, na ano. A-Ano," hindi matuloy ni Regine ang kanyang sasabihin. "Na kasama ka?" si Ric na ang nagtuloy sa dapat niyang sasabihin. Tumango na lamang si Regine at hinihintay ang sasabihin ng binata sa kanya. "Oo naman. Lalong makakasama na rin kita," muling pagsasalita ni Ric. "Hindi ba't ilang buwan lang kayo rito? Tapos babalik na kayo ng USA?" Umiling ang binata at hinawakan ang buhok niya. "We will stay here for good. Gusto nila na magkasama na tayo, and I know nahihirapan ka na rin sa long distance relationship," maamong sinabi ni Ric. Kinabog nang husto ang puso ni Regine at gusto niyang lumundag sa sobrang saya. Hinatak lang niya si Ric at biglang hinagkan. "Salamat, makikita na kita palagi. Hindi na Yahoo web call, kung hindi sa personal na palagi." "Gusto mo bang kumain tayo rito sa kwarto mo?" "Ayoko, gusto kong uminom," diretsong sagot ni Regine. Nakakuha siya ng isang pitik sa noo. "Bad girl. Huwag kang iinom," pagsesermon ni Ric at akala mo'y tatay kung umasta. "Eh bakit? Celebration kasi nandito ka na." "Kapag wala ang parents natin," bulong ni Ric at tumawa si Regine. "Really?! Yes!" Humiga si Regine at ganoon din si Ric na tumabi sa kanya. "Kidding Regine, walang iinom." "Mapangasar ka talaga Attorney Ricardo David II," mas lalo pa siyang dumikit dito at inunan ang braso ni Ric.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.1K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.2K
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

Be Mine Again

read
98.7K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.6K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook