Chapter 1
THE LOST ANGEL
4 years ago in Korea
I can hear the voices around me. Some are screaming my name or my bandmates name and some are singing along with our music pero nanatiling nakatutok ako sa aking gitara at buong pusong kumakanta sa harap ng maraming tao. Tumingin ako sa may bandang kanan ko at nakita ko si Crystol na nakangiti sa akin, agad ko din ibinalik ang tingin ko sa mga tao. Ipinikit ko ang aking mata kasabay ng pagtulo ng aking luha. Muli ko lamang silang iminulat ng matapos ko na ang kanta.
Isa nanaman naglalakasang sigawan ang umalingawngaw sa buong concert hall nang matapos ang aming kanta.
“Hello!” malakas na sigaw ni Selene.
“Selene!” narinig sigaw ng isang babae sa harapan kaya naman napangiti ako.
“Good evening everyone!” bati ko sa kanila.
“Good evening!” sigaw naman ni Crystol at ni Jeremy at isang nanamang malakas na sigawan ang narinig namin. Ako naman ay nanatiling nakangiti sa kanila. Sinenyasan ako ni Jeremy na magsalita na nung tumingin ako sa kanya.
“Hello I--” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lalong lumakas ang sigawan nila kaya naman natawa na lamang kami ng mga kasama ko.
“Okay please listen to us first. Our leader and lead vocalist here has an important announcement.” malumanay na pakiusap ni Crystol kaya naman nanahimik sila.
“Thank you. Ahm, as Crystol says I have an important announcement...” bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy. “This will be my last concert with my bandmates and the song that I will play and sing for today will be my goodbye song to all of you.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay makikita mo sa mga tao ang pagkalungkot at pagkadismaya sa mukha nila.
“Andwae!” sigaw nilang lahat. (Translation: No way!)
“This will be my last serenade and I would like to thank all of you who supported us for the last 3 years of our stay here in Korea. Please continue supporting Angels Serenade Band even though I am no longer with them. Thank you for listening to our songs and most of all, thank you for loving us.”
Makikita mo na rin ang ibang audience na umiiyak habang isinisigaw ang kanilang pagtutol.
“So please with all my heart, I dedicate this song to all of you.” ibinaba ko na muna ang gitara ko at nagpunta sa may grand piano. Nanatili ang mga kasama ko sa mga pwesto nila subalit sa akin na lang nakatutok ang spotlight ngayon.
I sang the last song in that event that night while pouring my emotions in every lyrics that came from my mouth.
“Thank you,” muling pasasalamat naming lahat. Nang magdilim ang buong stage ay tsaka na kami nagtuloy sa back stage.
“We will miss you Crystallyn Jane Valle!” narinig kong malakas pa na sigaw nila bago magsarado ang pintuan.
“So this is really is Lyn?” tanong sa akin ni Selene nung naglalakad kami sa may backstage
“Guess so. I’m really sorry. Ako ang bumuo ng banda natin tapos ako pa ang unang aalis.”
“No Lyn. Walang may gusto nito okay? Besides kailangan mo ito para makamove on ka na sa mga nangyari.” sabi naman ni Crystol
Yumuko nalang ako. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Lahat ng mga nakakasalubong namin ay nagpapaalam rin sa amin at sinasabing mamimiss nila kami habang ako ay nanatili lamang nakayuko.
When we reach the dressing room ay doon ko niyakap ng napakahigpit si Crystol at umiyak sa kanyang dibdib.
Present
“There she is,” narinig kong sabi ng isang babae habang naglalakad ako patungo sa canteen dahil lunch break na namin. May mga narinig din ako na mga tawanan at bulungan hanggang sa napahinto ako sa paglalakad dahil may humarang sa akin at basta nalang ibinigay sa akin ang iilang workbooks na hawak niya.
“Pagawa naman ako ng assignment ko ah,” sabi nito ng nakangisi.
“Ako din!” ssumunod na ang iba at pinagkaguluhan na nila ako.
Eto na ang buhay ko ngayon. Isang simpleng babae sa harap nilang lahat. Kung noon ay pinagkakaguluhan ako para makapagpa-authograph or picture, ngayon ay pinagkakaguluhan para ibully. Bakit ako pumapayag? Simple lang. Para magmukha akong mahina at isang taong hindi kayang lumaban na kayang api-apihin ng kahit sino.
Ako si Crystallyn Jane Valle. 22 years old. Dating lead vocalist, guitarist at pianist ng Angel’s Serenade Band na ako rin mismo ang bumuo. Kahit wala na ako, pinagkakaguluhan pa rin naman ang bandang ito hanggang ngayon. Lahat sila ay hinahanap ang nawawalang leader at vocalist ng banda. Matapos ang last concert namin sa Korea ay hindi na nila ako muling nakita. Nagpunta ako dito sa Pilipinas na tanging mga kaibigan ko lang ang nakakaalam. Ang parents ko naman ay alam na rin naman nila kung nasaan ako pero dahil sa pinagdadaanan ko ay piniling hayaan na ako. Sila pa mismo ang nagpasok sa school na ito na pag-aari din namin. Pero pinili kong huwag ipaalam sa lahat kung sino talaga ako dahil iniiwasan ko rin na bigla na lang akong sugurin ng mga taong iyon dito ng wala man lang akong kaalam-alam.
Dito sa Northern International Academy ay kilala ako bilang si Crystal Valle. Binago ko ang pagkatao ko at maging itsura ko simula ng magpunta ako dito. Iniba ko din ang ayos ng aking buhok. Ang dating maikli ko lamang na buhok ay pinahaba ko at nilagyan din ng bangs na sapat para takpan ang mga mata ko kapag nakayuko ako.
“What the hell is happening here?” tinig ng isang lalaki.
Dahilan para sila ay magsigawan at iniwan nalang ako doon kaya naman nakaalis ako sa kanila. Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo ko at inayos ang sarili.
“At saan ka naman pupunta?” tanong ng isa pang lalaki na hinarang pa ako. Nag-angat ako ng tingin para matignan siya at nakita ko ang ngingiti ngiting mukha niya. May kasama pa siyang isang lalaki pero nakatingin lang siya sa akin.
Hindi ako nagsalita pa at naglakad na lamang paalis sa lugar na iyon. Imbes na magtungo sa susunod ko na klase ay dinala na lamang ako ng mga paa ko papunta sa rooftop ng building na iyon.
Sumalubong ang malakas na hangin sa akin pagkatapak ng paa ko sa rooftop. Agad akong lumapit sa may railings. Ibinuka ko pa ang dalawa kong kamay upang salubungin ang masarap na hangin.
“Hi!”masayang sambit ko at ipinikit ang mga mata ko. Pagpikit ko palang ay nakita ko na agad ang nakangiting mukha niya kaya napangiti ako.
“Namimiss na kita” sambit ko ulit at nanatiling nakapikit ako.
“Sana masaya ka dyan kasi ako kahit wala ka na sa tabi ko pinipilit ko pa ring maging masaya para sayo.” idinilat ko ang mga mata ko. Naupo lang ako sa sahig at nagbukas nalang ng ilang libro. Nawalan na rin kasi ako ng ganang kumain dahil sa nangyari kanina.
Hindi ko maiwasan ang hindi maluha habang pinipilit ang sarili na magbasa kaya naman inalis ko muna ang salamin ko.
Napatigil lang ako nang tumunog ang phone ko at makitang may tumatawag.
“Yeoboseo” sagot ko sa phone ko.
“Naya” si Crystol
(Translation: It’s me)
“Mwo?” sabi ko lang
(Translation: What?)
“I miss you”
“Hmm,” sabi ko lang ulit at hindi ko mapigilan ang mapangiti.
“Anong ‘hmm’! Wala man lang I miss you too?!”
“Tss,” nangiti na ako ng tuluyan dahil inaasahan ko na ang ganitong reaksyon niya.
“Di pa rin nagbago—"
"hey Crystol! If you won’t mind? Can I talk to that stupid sister’s of yours” dinig ko pa sa kabilang linya kaya natawa pa ako.
“Tsk! Kung anong kinatahimik mo siya namang kinaingay ng babaeng ito. Kausapin ka daw ni Selene-daldal,” tila naiinis na sabi niya at marahil aay ipinasa na ang phone
“Jerk! Hello?!” sigaw naman ni Selene sa kabilang linya kaya nailayo ko pa sa tenga ko ang phone.
“What?” bored na sabi ko dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya.
“What the-What?! As in what the hell?! You didn’t communicate to us for the last 6 months then you will just ‘what’ me?” inis na sabi niya.
“Tss. Why did you call?”
“Huh! What a sweet friend-”
“--hey loudspeaker please,” dinig ko pang sabi ni Jeremy.
“Wait,” sabi naman ni Selene. Palagay ko niloud speaker na niya.
“Hey Lyn! Any news from there?” si Jeremy.
“Hmmm..just the same. Bullying is everywhere.”
“Yeah we already know that. What we want to know is how are you? It’s been 4 years and 6 months right?” si Selene
“Yeah. But nothing changed Sel. Nothing changed. And I still can’t find those bastards and they better hide really well because I don’t know what can I do if I find them.”
“Paano mo naman malalaman kung sila yon. You didn’t even saw their faces and tanging yung serpent tatoo nila ang nakita mo.” si Crystol ulit.
“Sapat na iyon para makita ko sila. Hindi sila pangkaraniwang tao. I am sure of that. They were just like us. Just the devil version” biro ko pa.
“Gosh! I miss you so much Beslyn!” sigaw ulit ni Selene. Beslyn ang tawag talaga niya sa akin. Pati na din si Angeline na bestfriend din naming matanda siya sa amin ng 5 years pero parang magsing-edad lang kami. Hindi nila siya kasama ngayon and wala pa kaming naging balita sa kanya since magbreak sila ni Crystol. Hindi siya kasama sa banda. It’s been six years I think ng magbreak yung dalawa at simula noon ay hindi na naming siya binabanggit ni Sel pag andyan si Crystol.
“Can you please be quiet?” singhal ni Jeremy sa kanya.
“Huh?! And why would I?”
Tss hindi pa rin nagbabago ang dalawang to. Ganun pa rin sila.
“I’m just saying I miss her,” sabi ni Selene.
“Yeah and you don’t have to shout because she can hear you”
“Are you two in a relationship already?” biglang tanong ko sa kanila.
“NO WAY!” mabilis na sagot nilang dalawa kaya naman tumawa nalang ako.
“I have to go. I still have classes,” sabi ko naman at pinatay na dahil paniguradong matagal nanaman bago ako makapagpaalam. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos ay tumayo at muling tumingin sa tanawin na makikita mula dito sa itaas.
“I will find them. I promise. At sisiguraduhin kong magbabayad sila,” pangako ko at pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at maglalakad na sana sa pintuan ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo dito.
***
“San tayo maglalunch?” tanong ni Rain. Sa aming apat siya ang pinakamaingay.
“Dito nalang sa canteen. Nakakatamad lumayo,”sagot naman ni Jefferson. Siya naman ang pinakanalalapit sa ugali ko.
“Ai sayang gusto ko pa naman mamingwit!” si Thunder naman. Ang cassanova ng grupo namin.
Kami ang Reverie Band ng NIA. Ako si Nicol Aris Guevarra, isa ng senior. Ako din ang leader at vocalist nila. Si Rain ang lead guitarist, bass guitar aman si Thunder at sa drums si Jef.
“Tara,” yaya nila. Sumunod naman ako.
Habang papunta kami sa canteen ay may nakita kaming pinagkakaguluhan nila doon. I tried to ignore it pero nakaharang din kasi sila sa dadaanan namin.
“What the hell is happening here?” tanong ni Rain sa kanila nang makalapit na kami. Imbes na sagutin ang tanong niya ay sa amin natuon ang atensyon nilang lahat.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinarang naman ni Thunder yung babae at napasama pa si Jef sa kanya.
“At saan ka pupunta?” nakangiting tanong ni Thunder. Tinignan lang sila nito at naglakad na. Sinundan naman siya ng tingin nung dalawa.
“Tsk. Di tumalab ang charm mo bro,” sabi ni Rain kay Thunder. Ah, sila nga pala ang Madrid brothers. Magkapatid sila not just that. Kambal pa. Identical twins pa nga e.
Tumuloy na kami sa canteen. Habang kumakain ay hindi maalis sa isip ko yung babae kanina. Hindi ko masyado nakita yung mukha niya dahil nanatili itong nakayuko nang lumayo sa amin.
‘Bakit kasi hindi niya patulan ang mga nang-aaway na yun sa kanya? Tapos di man lang nagpasalamat sa amin at iniwan pa talaga kami,’ nasabi ko na lamang sa isipan ko.
“San ka pupunta Nic?” tanong ni Rain ng bigla akong tumayo.
“Rooftop,” sabi ko at umalis na. Doon talaga ang tambayan ko pag may gusto akong isipin. And I need to get some fresh air dahil hindi ko kayang tagalan ang tingin ng mga tao sa amin sa canteen na iyon.
Pagdating ko sa rooftop ay nagulat pa ako. Siya yung babae kanina kung hindi ako nagkakamali. Nakaindian sit siya na nakaupo malapit sa railings at mukhang may kausap sa phone. Wala yung salamin na suot niya kanina at nahahanginan pa ang mahabang buhok niya kaya kitang kita ko na ngayon ang napakaganda niyang mukha at nakangiti pa.
Ang ganda niya.
“I have to go. I still have classes,” sabi niya tsaka niya binaba ang linya. Tumayo siya at ibinalik ang salamin niya. Tumingin muna siya sa tanawin.
“I will find them. I promise. At sisiguraduhin kong magbabayad sila,” she said in a dangereous tone.
Nangilabot ako sa tono ng boses niya. Nakakapangilabot sa sobrang lamig at mababakas dito ang galit. Tumalikod na siya at maglalakad na sana papunta dito sa may pintuan pero natigilan siya ng makita ako.
Nagtitigan lang kami. Pero agad din napaiwas ng tingin ng tumunog na ang bell. Naglakad na siya palabas ng pinto at naiwan akong tulala doon habang hindi mawala sa isip ko ang ngiti niya.
Agad din akong bumaba ng rooftop nang mapagtantong nakatulala na ako. Nagtuloy agad ako sa room namin.
“Saan ka galing Nic?” tanong ni Jef
“Nagpahangin lang,” sagot ko naman sa kanya at itinuon ang pansin sa kakadating lang namin na prof.
Isang matitinding discussion lang ginawa namin sa lahat ng subject namin sa buong hapon.
“Okay class dismiss. Good day”
“Yes! Tara na sa Band room!” masayang sigaw nina Rain at Thunder. Napapailing nalang kaming sumunod ni Jef sa kambal.
May band room at music room sa school na ito. Kami ay sa band room lang nakatambay lagi. Wala pang kahit sino ang nakakapasok doon maliban sa amin at sa band coordinator namin. Dalawa ang music room dito. Yung isa hindi na nagagamit at karaniwan ng mga lumang instruments ay nandoon. Yung isa ay doon nagmumusic lesson.
Pagdating sa band room ay may kaniya-kaniya na kaming hawak na instrument at nagsimula na ring magpractice.
“Hello guys,” bati sa amin ng kararating na si Sir George. Ang band coordinator namin.
“Hi sir,” bati nila. Maliban sa akin na nakatingin lang sa kanya.
“Nagpunta lang sana ako dito dahil gusto kong ipaalam sa inyo na kailangan natin ng bagong member natin sa banda ninyo,” sabi niya na nakapagpa-kunot ng noo ko.
“Po?!” sabay sabay na tanong nila.
“Yes. Para kasi makasama sa battle of the bands sa Interhigh ay kailangan natin ng 5 members so kulang ng isa. Naisip ko na maganda sana kung babae siya para naman may makaduet itong si Nic.” baling naman niya sa akin.
“2 months from now na iyon kaya naman naisipan kong magpa-audition next week. Maliban sa akin, ang mga music professors ang magigung judge natin. Kahit hindi siya marunong tumugtog. Ang mahalaga ay marunong siya kumanta dahil naisip kong gawing duet ang kanta na isinulat mo Nic. Sa tingin ko ay mas gaganda iyon.” Dagdag niya pa at tinanguan ko nalang siya.
“Won’t it be hard for her? I mean ilang buwan lang ang preparations niya. Isa pa, kung duet ang gagawin nila, dapat ay maging maganda ang chemistry nila ni Nic,” sabi naman ni Jef at sumang-ayon naman ang dalawa.
“They might look awkward,” sabi ni Rain.
“I know. But at least let’s try okay?”
Ipinaliwanag pa sa amin ni Sir George kung paano ang magiging audition na gaganapin at kung ano ang mga aspeto na kakailanganin.
“Haaayyy..sana yung parang Selene Ann Saltzman ang boses na mahanap natin at syempre kasing ganda niya.” biglang sabi ni Thunder kaya natawa naman si Sir George. Ako naman ay napapaaisip kung sino ang tinutukoy nila
“Bakit Sir?” inosenteng tanong niya pa.
“Bakit naman si Selene ang pinangarap mong maging kaboses ng mahanap natin. Sa pagdadrums magaling yun although maganda din ang boses niya pero ang gusto ko sana ay sing galing ng isang Crystallyn Jane Valle na siyang vocalist dati.”
“Ay malabo yon Sir dahil wala ng sing galing niya. Nag-iisa lang si Crystallyn,” sabi pa ni Rain at nagtaka naman akong tumingin sa kanila.
“Don’t tell me di mo sila kilala?” sabi ni Jefferson sa akin na ako lang ang nakakarinig. Umiling lang ako.
“Sila ang Angel’s Serenade Band na sikat na sikat sa buong mundo lalo na sa Korea. Wala na ang lead vocalist nila pero nanatili pa rin silang sikat. Mahigit 4 years na ang nakalipas simula nung umalis ang vocalist ng banda pero hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang dahilan. Naglaho siya na parang bula. Lahat ng pictures niya na nagkalat noon wala ka ng makita. Kahit anong information tungkol sa kanya wala na at walang nakakaalam kung bakit. Tinawag na nga siyang ‘The Lost Angel’” paliwanag pa ni Sir.
“Fan ka niya no sir?” tukso ni Rain.
“Oo naman. 15 years old lang ang nga batang iyon ng sumikat ang banda nila. Kung tutuusin ay matanda pa kayo ng isang taon. Sa pagkakaalam ko ay 22 palang niyan si Crystallyn”
I can see in Sir George’s eyes that he truly adores that girl. Hindi nalang ako kumibo pa at itinono ko nalang ang gitara ko.
“O sya simulan na ang practice. Magpopost nalang muna ako ng announcement tungkol dito.”
Nang matapos ang practice ay sabay sabay na kaming nagdiretso sa parking lot at nagkanya-kanya na ng landas pauwi.
“Kuya,” salubong sa akin ng nakababata kong kapatid na lalaki na si Niel Ace Guevarra
“Bakit Niel?” Ibinaba ko muna ang bag ko at naupo sa couch sa sala. Si Niel naman ay agad na nagpakandong sa akin.
“Nakita ko si kuya. Nagpakita siya sa akin,” nakangiting sabi niya.
“Si-sino?” gulat na sabi ko.
“Si Kuya. Si Kuya Nikko. Natakot nga ako. Nakita ko siya na nakangiti sa akin. Natatakot ako kuya baka kunin na niya din ako,” sabi niya tsaka siya umiyak ng umiyak.
Agad ko naman siyang niyakap at pilit na pinatahan.
“Andyan ka na pala iho,” sabi ni Manang nang makita ako.
Simula pagkabata pa lang namin ay siya na ang nagpalaki sa amin kaya parang siya na din ang pangalawa naming nanay.
“Opo. Ano pong nangyari kay Niel?” tanong ko sa kanya nang hindi pa rin tumigil si Niel sa pag-iyak
“Ay ewan ko ba sa batang iyan. Nakatulog na siya sa sofa kanina habang nanonood ng TV tapos paggising ay umiiyak na at ang sabi ay nakita daw niya ang Kuya niyo.”
Tatlo kaming magkakapatid talaga. Si Kuya Nikko, ako at si Niel. Nanirahan kami dito sa Pilipinas noong 4 years old ako tapos sa noong 9 years old na ako ay lumipat na kami nina Mommy sa Korea dahil mas kailangan daw si Daddy sa business niya doon. Ayaw niya kaming iwan kaya naman sinama na nya kami.
Nanirahan kami doon at doon na din namatay si Kuya. 3 years old palang noon si Niel ng mamatay siya pero tandang tanda pa rin niya si Kuya dahil super close talaga kaming tatlo noon.
Hindi malinaw kung anong dahilan ng pagkamatay niya. Ang sabi ng mga pulis, ligaw na bala lang daw ang tumama sa ulo niya na naging dahilan kung bakit siya namatay. Pero hindi ako naniniwala doon at hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakikita ang may gawa sa kanya noon.
“Niel makinig ka. Panaginip lang yun ok? Tsaka kung totoo man yun baka kinokomusta ka lang ni Kuya Nikko kung mabait kang bata.”
“Hmmm! Hindi yun ang sabi niya! Ang sabi niya, ‘Little Prince malapit nyo ng makilala ang bukod tanging babaeng minahal ko. Sana kapag nakita mo siya ay ituring mo siya ate. Si Kuya Nicol mo na ang bahala sa kanya lalo pa ngayon at nagkita na sila.’ sabi niya! Tapos ngumiti siya at nikiss ako dito!” tsaka niya tinuro ang noo niya.
Babaeng mahal niya? Nakita ko na? Kinukwento niya lang noon sa amin iyon pero kahit pangalan niya ay hindi ko alam at nagkita na daw kami?
After 4 years ay ngayon nalang nagpakita ulit si Kuya sa panaginip ni Niel. Noon pa man kasing kamamatay niya lang ay lagi daw siyang nakikita ni Niel sa panaginip e pero ngayon na lang ulit.
Hindi ako naniniwala sa panaginip. Isa pa bata pa naman si Niel at baka sobrang na-miss lang niya si Kuya kaya kung anu-ano ang napapaniginipan niya tungkol dito.
“Mabuti pa Niel umakyat ka na sa kwarto. Gabi na oh,” sabi ko sa kanya at sumunod naman siya. Lumabas na muna ako sa veranda namin para magpahangin.
Napangiti pa ako ng maalala ko nanaman ang itsura ng babaeng iyon. Sobrang ganda niya na kahit ilang minuto ko lang siyang nakita ay hindi na maialis sa isip ko ang mukha niya.
Ano kayang pangalan niya?
Pero hindi ako pwedeng lumapit sa kanya dahil mapapahamak lang siya. Magiging mapanganib para sa kanya kung mapalapit man kami sa isa’t isa.
--