bc

Tayo sa Isang Saglit: Hiraya

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
others
friends to lovers
drama
heavy
lighthearted
serious
realistic earth
friendship
slice of life
lonely
like
intro-logo
Blurb

Nakatatawang isipin na ano man ang gawin niyang kalimutan ang lahat sa kanila, naririto pa rin ang kaniyang puso na tumitibok at isipan na siyang nagpapaalala ng nakalipas. Nagkaroon man si Jericho ng kasintahan na sa tingin niya, o hindi, minahal niya ng lubusan, ngunit sa kabila ng lahat ng ito'y naririto pa rin ang binhi ng tagsibol. Gayon pa man, nais niyang tapusin ang kahibangang ito sapagkat ang takipsilim ay mananatiling takipsilim sa mundo nilang dalawa. May sakit man na nararamdaman sa realidad ng mundong sumisilay, kailangan niyang tanggapin ang katotohanan.

chap-preview
Free preview
Welcome to Mobile Legend
Makulimlim ang kalangitan, waring isang masamang panahon ang darating subalit hindi sa bayan na kaniyang pinamamalagian, kundi marahil sa mga karatig bayan. Alas dos na ng hapon. Inaantok man ay hindi magawang matulog ni Jericho 'pagkat batid niya na ang pagtulog sa ganitong oras ay magdadala sa kaniya sa pagkahuli sa trabaho. Alas kuwatro pa naman ang pasok niya ngunit dito sa Maynila, ang dalawang oras na pagitan na ito'y malaki ang kapakinabangan kapag trapiko ang pinag-uusapan. Hindi na yata talaga malulutas ang kasong ito sa Maynila, gayong marami sa mga sasakyan dito'y mga namamasada; sa abenida man o maging sa mga kahabaan. Kaliwa't kanan ang mga trisiklo na siyang nagbibigay laman sa mga kalsadang maluwag, gayon din ang mga sasakyang walang maayos na paradahan kundi ang mga gilid ng kalsada na ibinigay ng bayan; mga dyip na pinagkalumaan na ng mahigit sampungtaon sa paglilingkod subalit nananatili pa ring kumakayod sa kahabaan ng mga abenida. Samahan mo pa ng mga bus na galing sa mga lalawiga't umiikot sa buong lungsod ng ka-Maynilaan. Pumipikit man ang mga mata't naluluha, pinipigalan ni Jericho ang antok na nararanasan. Subalit, tila yata talaga ang oras ng ating katawan ay hindi mapipigilan. Pumikit na ng tuluyan ang mga mata ni Jericho habang naiwang bukas ang cellphone at malakas na sumisigaw ito ng' your ally has been slain',' request back up', at natapos ang lahat sa' you have been slain'. Masinsinan ang ginagawang pagsalakay ni Jericho sa mga minions, kasunod niyon ang pagsasaka sa himpilan ng kalaban at susundan naman ng gank. Paikut-ikot: linis ng linya, blue buff, tapos susundan ng gank, basag ng turret tapos balik na naman sa tamang pag-inog sa laro. Ngunit, tila yata sawing-palad ang kaniyang mga kapangkat 'pagkat madalas niyang marinig ay 'your ally has been slain'. "Bullshit! Ang bobo naman kasi! Dapat hindi na kayo naglalaro ng ML!" yamot na palahaw ni Jericho. Halos itapon ni Jericho ang cellphone sa sobrang inis na nararamdaman. Isang bituin na lang sana't Epic V na siya subalit dahil sa kapabayaan at mahinang kakayahan sa paglalaro ng mga kapangkat ay tatlong ulit siyang natalo. 'Your ally has been slain', muli niyang narinig at kasunod niyon ay 'your base is under attack'. Mariin siyang humingi ng tulong habang mabilis na kinakalmot ni Hellcurt ang mga minions ng kalaban at susundan ng second skill. 'Request back up', palahaw ng kaniyang cellphone. "Tang ina, ang tagal! Nariyan na ang mga kalaban!" muli niyang palahaw at mabilis na pinagpipindot ang basic attack na sinundan ng ULT at second skill. 'Double Kill', 'Triple Kill', 'Maniac', 'Savage'! Sunod-sunod na palahaw ng kaniyang cellphone, subalit sa kasiwaang palad, isang nakalulungkot na balita ang kaniyang narinig na sinabi ng Mobile Legend, 'Defeated'. Napabalikwas si Jericho sa kaniyang kinahihigaan at ng mapagtantong panaginip lamang ang lahat ay dali-dali niyang tiningnan ang palapusohang orasan. "s**t!" pagmumura niya. "Alas kuwatro na pala!" mabigat na napabuntong hininga siya't hinagilap ang cellphone sa ilalim ng unan at mabilis na tinawagan ang tagapangasiwa ng pinagtatrabahohan niya. "Hello, sir," bungad niya ng ilang sandali'y may sumagot sa tinatawagan. "Yes, hello, Jeck," tugon sa kabilang linya. "Sir, pasensiya na't hindi ako makapapasok," malumanay at walang sigla niyang wika. "Masama po kasi ang aking pakiramdam at parang lalagnatin ako." "Ganoon ba, dapat sana'y tumawag ka nang mas maaga ng sa ganoon ay nalaman ko agad, " wika ng sa kabilang linya. "Ipagpaumanhin niyo po't nakatulog ako ng mahimbing gawa ng hindi mabuti ang aking pakiramdam." "Siya sige." "Maraming salamat ho, sir," maagap na pinatay ni Jericho ang linya't muling bumalik sa pagkakahiga. Hindi kasinungalingan ang kaniyang pagpapaalam 'pagkat totoo naman talagang masama ang kaniyang pakiramdam at kinakailangan niyang magpahinga ng maayos dahil sa sobrang napapagod na ang kaniyang katawan sa katatrabaho't pagpupuyat. Isang forklift operator si Jericho sa isang kompanya ng mangangalakal ng papel. Sila ang bagsakan ng lahat ng mangangalakal na papel sa buong Makati't dumaraan sa bailing machine ang lahat na naka-imbak na papel at papaldohin ito ng makina hanggang sa maipadala sa paper mill sa Bataan. Palitan ang kanilang talatakdaan; isang linggong pang-umaga't isang linggong panggabi, subalit kahit ano man ang pilit niya sa katawan na kayanin ang trabaho'y dumarating pa rin ang pagkakataon na mapapagod at mangangailangan ng pahinga. Sobrang hirap ang ating katawan na isaayos ang tamang pagtulog lalo pa't papalit-palit ng talatakdaan. Sapagkat may tinatawag na biological clock ang ating katawan kung kaya narararapat lamang na ipahinga natin ito sa tamang oras. Datapwat sa kalagayan ni Jericho'y hindi niya maaring sundin ang sariling oras ng kaniyang katawan. Muli niyang binuksan ang account sa ML at tiningnan ang Ping, subalit waring sawimpalad siyang makapaglaro ngayon at magkakaroon lamang ng lagging issue sa paglalaro kaya naman minabuti na lamang niyang matulog ulit. Gabi. Alas otso. Nagising si Jericho sa alingawngaw ng kaniyang cellphone at marahan itong kinapa sa ulohan niya, nang makapa'y pupungas-pungas na inaninag kung sino ang tumatawag. Nang mapag-sino ay sinagot ito niJericho. "Jeck," usal ni Christine o mas kilala sa palayaw na Tin-Tin ang nasa sa kabilang linya. "Hmmm?" tugon naman ni Jericho na halatan nababagot sumagot. "Anong gusto mong pagkain nang madalhan kita't makabili na rin ng gamot mo?" Batid na ni Tin-Tin na masama ang pakiramdam ni Jericho nang mag-text ito sa kanya bago matulog. Kaya marahil ito rin ang dahilan kung bakit pupuntahan ni Tin-Tin si Jericho. "Kahit ano," tipid na sagot ni Jericho. "Siya sige daan na lang ako ng kung anong makakain at magpahinga ha, hindi 'yong maglalaro ka pa ng ML," pagpapaalala ni Tin-tin kahit alam naman nito na ang pagpapahinga ni Jericho'y kaakibat na ang paglalaro ng ML. Pagkuwan ay kapwa nila ibinaba ang linya. Labinlimang minuto na ang nakalilipas subalit hindi pa dumarating ang kasintahan ni Jericho kaya naman muli siyang naglaro ng ML. Adik? Marahil ay oo, ngunit paniguradong ang lahat ng tao sa panahon na ito'y kinahuhumalingan ang Mobile Legend at sa bawat oras na sila'y libre, kumakain man o anu man ang ginagawa, ay naglalaro ng ML, hindi lang marahil ML, pati na rin Clash of Clans, Rise of Kingdom, at iba pang mga Mobile Games, at maging mga dating laro na sa PC mo lamang malalaro ay mayroon na rin sa cellphone. Mas lumawak ngayon ang gaming industry dahil sa mga android phones, at totoo ngang ang mga tao sa ngayo'y masyado nang nakadepende sa cellphone, at wari yatang hindi na makokompleto ang buhay kung walang cellphone. 'Welcome to Mobile Legend... Fifteen seconds to reach the enemy's battlefield... All troops deployed'. Nagsimula nang tumakbo ang Alucard ni Jericho at huminto ito sa Reaper at kasunod niyon ang second skill na Whirling Smash. Nang matapos ay buong giting na pinatamaan ng Passive Skill na Pursuit hanggang sa tinapos ito ng Retribution. Lumakad ang Alucard ni Jericho patungong Bottom Lane at tinulongan si Layla na patayin ang mga minions at sinunod naman ng Alucard ang Blue Crab na patayin. Pag-ikot para sa isang Jungler na manlalaro't kailangang magpalakas. Hindi man magaling sa paggamit ng bayani si Jericho, masasabi niya naman na sinusunod niya ang paraan ng paglalaro ng Solo Ranking, at buff, marahil sa level 4 na siya kukuha ang buff at ng jungling item. 'You have slain an enemy', palahaw ng cellphone ni Jericho. 'Double kill'. Malakas na umikot ang Whirling Smash ng Alucard ni Jericho habang napakalakas ng pinsala na ibinibigay nito sa kalaban dahil sa Blood of Despair na simahan pa ng Haas's claw na may kabuohang 250 physical attack at 20% lifesteal. Dati pinag-aagawan si Alucard sa mga nakaraang season ng MLBB, subalit dito sa bagong season, ay tila wala nang saysay ang bayani na si Alucard dahil sa napakadalang nang gamitin nito. Kaya naman naisipang gamitin ito ni Jericho upang sa ganoon ay makapagpahinga naman ang iba niyang mga bayani. Sa kalagitnaan ng masarap na paglalaro ni Jericho ay dumating ang kaniyang kasintahan. Tatlong magkakasunod na katot ang kaniyang narinig ngunit sa ika-apat ito pinagbuksan ni Jericho. "Ah kaya naman pala ang tagal akong pagbuksan ng pinto'y nakatutok ka na naman diyan sa ML," yamot na wika ni Christine habang nakatayo sa pintua't hawak ang dalawang supot ng Mcdo Value Meal. "ML pa more," muli nitong usal ng makitang hindi man siya binalingan ng tingin ni Jericho matapos pagbuksan ng pinto't panaka-naka ang paglakad patungong kama. "Sabi ko na nga bang ang pagpapahinga'y kaakibat ang paglalaro ng ML e," napapailing na lamang si Tin-Tin habang tinutungo ang mesa sa tabi ng kama ni Jericho. "Saglit lang at matatapos na ako," tugon ni Jericho ng hindi pa rin binabalingan ang kasintahan. "Hindi na bale't hindi rin naman ako magtatagal' pagkat may lalakarin pa kami ng mga kaibigan ko." Inilapag ni Christine ang bitbit na supot sa mesa at kinuha ang pagkain. Maingat nitong binuksan ang kahon ng pagkain at naupo rito. "Halika na't kumain na tayo," anyaya nito habang masikhay na binabalatan ang piniritong manok ng nakakamay. "Saglit lang," maikling tugon ni Jericho. Napabuntong-hininga na lamang si Christine at nagpatuloy sa pagkain. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa buong paligid ng kuwarto't tanging maririnig mo lamang ay ang palahaw ng cellphone ni Jericho.' Killing Spree', 'Double Kill',' Request Back Up',' Initiate Retreat',' Your base is under attack'. "Putang ina naman oh," pagmumura ni Jericho. "Lagi na lang talo, bakit kasi may mga cancer pa sa ML!" inis na inilapag ni Jericho ang cellphone sa kama't umalingawngaw sa kaniyang pandinig ang,' Defeated'. "Alam mo, mabuti pa'y kumain ka na, gutom lang iyan," wika ng kaniyang kasintahan. "Saan na naman kayo pupunta?" usisang tanong ni Jericho sa kasintaha't tinungo ang banyo't naghugas ng kamay. "Ha, ano?" "Hindi ba't sabi mo kanina'y hindi ka magtatagal at may pupuntahan kayo ng mga kaibigan mo?" "Ay oo. Nagyaya kasi si Judy na pumunta ako sa kanilang bahay at kaarawan daw niya ngayon, kunting inuman lang tapos uwian na," tugon ni Christine. Kinuha ni Jericho ang kahon ng pagkain at muling naupo sa kama. "Paki-ayos nga ng burador ko riyan sa pinagkakainan mo't hindi ko naayos kanina," hawak ng kaliwang kamay ang karton ng pagkain, kinuha naman ng kanan ni Jericho ang cellphone at minabuting manood muna ng live stream sa ML habang kumakain. "Tila yata dumadalas na ang paglabas niyo ng kaibigan mong si Judy," dugtong pa niya. "Hayaan mo na't babawi ako sa iyo sa susunod. Inaaliw ko lang kasi iyong tao't kakahiwalay pa lang nila ni Mark." "Sinong Mark?" pagtatakang sumilay sa isipan Jericho at bahagyang kumunot ang noo nitong binalingan si tin-Tin na waring may ibang iniisip. "Iyong kasintahan niya na lagi kong naikukuwento sa iyo na pumatol sa kapwa lalaki." "Okay," maikling sagot ni Jericho nang mapagtanto kung sino ang lalaking tinutukoy ni Tin-Tin at muling tumutok sa pinanonood. "Sa ngayo'y maglibang ka na muna riyan sa ML mo't paniguradong makararating ka niyan sa Mythical Glory. Malay mo, maging pro ka sa MPL," mapanuyang turan ni Tin-Tin at tumayo ito't binitbit ang wala nang laman na kahon ng pagkain habang sinasaid ang daliri't tinungo ang banyo. Pagpasok ay agad na isinilid nito ang kahon sa maliit na basurahan sa ilalim ng lababo. "Salamat sa magiting mong panunuya," walang tauling turan ni Jericho't hindi pa rin naititinag sa panonood ng stream at tila yata hindi na matatapos pa ang kinakain nito. "Saan ka na niyan matutulog?" dugtong pa nito at bahagyang nilakasan ni Jericho ang kaniyang boses upang sa gayon ay marinig ng kasintahan. "Siguro'y Grab na lang sasakyan ko pauwi't sunod na linggo na lamang ako rito matutulog," kinuha ni Tin-Tin ang sipilyo sa sisidlan sa gilid ng lababo. Walang salita ang lumabas sa mga labi ni Jericho at yaong sanay naman na siya sa ganitong uri ng sitwasyon na kung dati-rati ay madalas ang pananatili ni Tin-Tin sa kaniyang apartment, ngayon ay nagbago na ang lahat. Sa totoo lang ay nagsasawa na si Jericho sa kalagayan ng relasyon nila ngayon ni Christine na wari bagang si Jericho lamang ang nagdadala nito. Na kung kailan maibigan ni Tin-Tin na dalawin si Jericho ay saka lamang ito nagkakaroon ng oras at gayong sa pakiramdam ni Jericho ay hindi pa nga sapat ang oras na ito na ibinibigay ni Christine. Batid ni Jericho na wala namang lubos na pag-iibigan o perpektong relasyon, subalit tila ba ang kaniyang loob ay nababagabag sa kung anong kadahilanan at wari bagang kahit naririyan si Tin-Tin ay mayroong kulang sa kaniyang pagkatao. Kung tunay ngang nakabubuo ng pagkatao ang umiibig bakit waring lumalayo na ang loob ni Jericho kay Tin-Tin at hindi na iyong dati. 'Tama nga si Bamboo na ang pag-ibig ay sa una lang masaya', wika ni Jericho sa kaniyang isipan nang minsang mapagtanto ang kahungkagan ng sitwasyon na tinatamasa. Katahimikan lamang ang bumalot sa kanilang dalawa sa mga nakalipas na minuto maliban na lang sa ginagawang ingay ng pinanonood ni Jericho, at yaong hindi nga matapos-tapos ni Jericho ang ginagawang pagkain. Napatigil ang panonood ni Jericho nang may tumama na kung anong bagay sa kaniyang mukha't bumagsak ito sa kaniyang pinanonood. Kaniyang binalingan ang pinanggalingan nito't bahagya siyang nagulat nang hindi akalaing nasa harapan na si Tin-Tin at nakahubad. "Mam'ya mo na taposin "yang kinakain mo't ako na muna ang kainin mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
73.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
24.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.1K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
40.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
28.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook