bc

Journey To The Lost Kingdom

book_age12+
35
FOLLOW
1K
READ
dark
reincarnation/transmigration
time-travel
zombie
self-improved
female lead
magical world
another world
kingdom building
MMORPG
like
intro-logo
Blurb

Allane is a twenty years old spoiled brat girl who travels into another world with her werewolf fiance and vampire brother. Unknown to her, that world is full of unimaginable harmful creatures, a parallel world that will cause havoc to the human world. She needs to find the Lost Kingdom in order to save the human world from human extinction.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Ayusin mo ang paghawak sa patpat, Allane!" sigaw ni Vaylord sa kapatid na babae. Kanina niya pa kasi napapansin na wala sa ayos ang paghawak nito at tila hindi sineseryoso ang larong arnis. "Kapag natamaan kita, walang sisihan, ha," banta pa ng binata. "Can we stop this, Kuya?" Mabilis na pumosisyon ang mga paa ni Allane, at gamit ang patpat ay sinalag niya ang nakaambang paghampas ng kapatid kaya hindi natamaan ang kaliwa niyang tagiliran. "I'm so tired of this!" Paulit-ulit na lang kasi ang mga galaw na itinuturo ng kuya niya. Isa pa ay ayaw niya sa larong arnis o kahit ano pang self defense na itinuturo sa kaniya. Mas gusto pa niyang magbabad sa cellphone at maglaro ng kinahihiligan niyang game app na Journey to the Lost Kingdom. "Hindi nababagay sa isang prinsesang tulad ko ang larong ito," bulong pa niya habang patuloy sa pagsalag sa mga hampas ng kapatid nang 'di sinasadyang matisod siya dahilan para matamaan siya sa kaliwang braso. "Aray! Kuya, naman, e!" Padapang bumagsak ang dalaga kaya natigil ang laro. Pinukol ni Vaylord ng isang matalim na tingin ang nakababatang kapatid matapos ipatong sa kanang balikat ang dulo ng hawak na patpat. "You are not a princess, Allane. Itigil mo ang pantasya mong 'yan." Nilapitan nito ang kapatid at tinulungang tumayo. "Yakapin mo ang reyalidad. Beinte anyos ka na at kailangan mong matutunang ipagtanggol ang 'yong sarili dahil hindi natin alam kung ano ang darating o mangyayari bukas. Kailangan mong maging handa." Binuhat niya ang kapatid dahil nahihirapan ito maglakad. Tila walang kapaguran si Vaylord kahit kaninang madaling araw pa nagsasanay, samantalang si Allane ay hapung-hapo na gayong wala pang kalahating oras simula nang gisingin siya ng kapatid para magsanay ng larong arnis. "I'm your little sister, Kuya," saad ni Allane matapos humugot nang malalim na hininga. Ibinaba siya ni Vaylord sa bench na naroon sa gilid ng hardin. "You should protect me." Tumulis ang nguso ng dalaga. Napailing na lang ang binata. "That's what I'm doing all my life, baby." Halata sa boses niya ang pag-aalala habang masusing tinitingnan ang braso at paa ng kapatid. Maluha-luha naman si Allane nang marinig ang salitang baby. Iyon kasi ang kinagisnan niyang tawag sa kaniya ng kuya niya, pero sa tuwing tinuturuan siya nito ng self defense ay sa pangalan siya tinatawag at palagi pang pasigaw kung kausapin siya kaya imbes na matututo ay natataranta siya. Kaya kung minsan ay gustong-gusto niyang nasasaktan o aksidente siyang natatamaan ng sipa at suntok ng kapatid dahil lumalambot ito sa tuwing nakikita siyang umiiyak. "It really hurts, Kuya," mangiyak-ngiyak pang saad ni Allane para makonsensiya ang kapatid. "I'm sorry, baby." Hinaplos ni Vaylord ang paa ng kapatid. "Sa susunod kasi mag-iingat ka sa paghakbang. Kailangan tantiyado mo ang galaw ng kalaban. Napapansin ko na parang hindi ka man lang nag-i-improve. Hindi mo nama-master ang depensa, paano pa ang opensa? Baby, halos tatlong buwan na tayong nagsasanay ng basic arnis pero hindi mo makuha ang perpektong galaw." Hindi na umimik pa ang dalaga. Tama naman kasi ang kuya niya. Aminado siya na mahirap siyang turuan pero pinagtitiyagaan siya nito at iyon ang hindi niya maintindihan. Kung umasta kasi ang kapatid niya ay tila may giyerang paparating gayong ilang buwan ng naka-lockdown ang buong bansa dahil sa kumakalat na virus na hindi pa alam kung saan nagmula. Hindi naman tao ang kalaban kundi virus, kaya nagtataka siya kung bakit puspusan ang training na ginagawa ng kuya niya. Hindi naman mamamatay ang virus sa mga sipa at suntok. "Let's get inside, baby. Kailangang i-cold compress ang paa mo para hindi mamaga." Binuhat ni Vaylord ang kapatid papasok sa mansiyon. Pansin ni Allane ang pagkunot ng noo ng nakatatandang kapatid nang tumingala ito sa langit. Papasikat na ang araw at iyon ang pinakaaayawan ng kuya niya. Ayaw nitong magbabad sa init ng araw dahil masakit daw iyon sa balat. Kaya nga hindi na siya nagtataka kung bakit napakaputi nito. Bibihira kasi itong masikatan ng araw. "Mamang Tikay, pakikuha po ng yelo," utos ni Vaylord sa katulong. Tanging isang katulong na lang ang natira sa mansiyon dahil ang iba ay umuwi na sa probinsiya sa takot na baka mahawaan ng kumakalat na virus. "Opo, Ser," tugon ng katulong matapos ilapag sa mesa ang isang pitsel ng tubig. Tila wala ito sa sarili, namumutla at matamlay pero nakukuha pa ring pagsilbihan ang magkapatid. "Come on, baby, eat your breakfast," wika ni Vaylord sa kapatid saka kinuha ang isang puswelo ng mainit na kape. Humigop muna ito ng kape saka pasimpleng inamoy ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Nang masigurong walang halong bawang ang pagkain ay nagsimula na rin itong kumain. Mayamaya ay muling pumasok sa komedor ang katulong dala ang yelo at maliit na towel. Nagtataka man sa ikinikilos ay hindi na nag-usisa si Allane. Kinuha niya na lang ang yelo at itinapal sa apektadong parte ng paa. Si Vaylord naman ay patuloy sa paghigop ng kape at tila nawalan na ng ganang kumain. "Sumabay na po kayo sa amin, Manang Tikay," alok ng dalaga sa katulong na medyo may katandaan na. Mga bata pa kasi sila ay naninilbihan na ito sa mansiyon. "Salamat po, Ma'am, pero kanina pa po ako nag-almusal. Maiwan ko na po kayo at papalitan ko pa po ang mga kurtina sa library." "Sige po, Manang Tikay," sabat ni Vaylord. "Basta 'pag nagutom kayo, huwag po kayong mahihiyang kumain. Marami po tayong pagkain." Tumango lang ang katulong at iniwan na ang magkapatid. Iyon ang nagustuhan ni Manang Tikay sa pamilyang pinagsisilbihan niya. Hindi maramot sa pagkain, kahit anong oras ay malaya siyang kumain. Madalas ay siya pa ang nauunang kumain kaysa sa mga amo. Sa mahigit sampung taon niyang paninilbihan sa mansiyon, ni minsan ay hindi siya nakaranas ng gutom. Mababait ang mga amo niya kaya sinusuklian niya iyon ng kasipagan at kahit na marami siyang napapansin sa amo na si Vaylord ay tikom ang bibig niya. Hindi niya na iyon problema. Basta mabait sa kaniya ang amo at galante magpasahod, ay ayos na sa kaniya iyon. "I miss mom and dad," usal ni Allane matapos mag-almusal. Muli siyang binuhat ng kapatid at dinala sa living room. Doon ay nasilayan nila ang wedding picture ng kanilang ama at ang kinagisnan nilang ina. Sa ibaba ng picture na iyon ay nakasabit ang isang espada na hindi niya mawari kung bakit ni minsan ay hindi man lang iyon hinawakan ng kuya niya gayong mahilig ito mangolekta ng mga espada. "Nasaan na kaya si Dad, Kuya?" Bumalong ang luha sa mga mata ng dalaga. Niyakap ni Vaylord ang kapatid. "Stop worrying, baby. I'm sure dad is in good condition. Babalik din siya sa atin." Kinintalan niya ng halik sa tuktok ng ulo ang kapatid saka hinaplos ang mahaba nitong buhok. Hindi maintindihan ng binata kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nakokonsensiya sa nangyari sa mga magulang. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ay siya ang dahilan kung bakit nawala na parang bula ang kanilang ama. Ang kinagisnang ina naman nila ay nabaliw dahilan para ipasok nila ito sa isang mental asylum. Nalaman kasi nito na ang batang itinuring na anak ay isa palang bampira. Hanggang ngayon ay hindi alam ng dalaga na ang nakatatanda niyang kapatid ay may dugong bampira. Iyon ang lihim na pinakatago-tago ni Vaylord. May ilang taong nakakaalam sa pagkatao niya at hindi naging mabuti ang kinahinatnan ng mga iyon. Ang iba ay nabaliw, ang iba ay nag-suicide at ang iba ay kinamuhian siya. Ayaw niyang mangyari iyon kay Allane dahil ang dalaga na lang ang natitira niyang pamilya. "I wanna see Mom, Kuya" dagdag pa ni Allane. "It's so boring here. How long will this lockdown last? Seems like it's eternity. I hate it." Nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan si Vaylord nang masilayan ang leeg ng kapatid. Dinig na dinig kasi niya ang malakas na pagpintig ng pulso roon nang pumikit si Allane at isinandal ang likod ng ulo sa sopa. Nabibingi ang binata sa pintig na iyon at tila may nag-uudyok sa kaniya na kagatin ang kapatid at sipsipin ang dugo nito. Ngayon niya lang ito naramdaman kaya nagtataka siya. Maging sa kaniya ay hindi pala ligtas ang sariling kapatid. "Where's your bangle?" galit na tanong ng binata habang mahigpit na sapo ang magkabilang tainga dahil papalakas nang papalakas ang naririnig na pintig ng pulso. Tila mababaliw siya sa tunog niyon. Dumilat si Allane. "Nilagay ko sa purse na kinalalagyan ng cellphone ko, Kuya. Naiwan ko sa komedor." Sa narinig ay biglang tumayo si Vaylord at tinungo ang komedor. Pahablot niyang kinuha ang purse na kulay berde. Nang makalabas na sa komedor at bigla niya iyong itinapon sa gawi ng kapatid sa takot na baka ikamatay niya kapag nagtagal pa ang purse na iyon sa kamay niya. "You are so bad, Kuya," utas ng dalaga nang hindi inaalis ang pagkakapatong ng paa sa mesita. Natatapalan pa rin iyon ng yelo na nakabalot sa puting towel. "Kung hindi ko nasalo, malamang basag na ang cellphone ko." "Get your bangle and wear it!" utos ng kuya niya. "Now!" ""Yes, Kuya." Aligagang sinunod ni Allane ang kapatid. Hindi niya maintindihan kung bakit sinisigawan na naman siya nito samantalang kanina ay napakabait nito sa kaniya. Nakatalikod si Vaylord sa kapatid habang pinapakalma ang sarili. Kung hindi niya napigilan kanina ang sarili, malamang patay na ang kaisa-isa niyang kapatid. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon. Nangako siya sa ama nila na aalagaan niya si Allane. Nang masigurong naisuot na ng kapatid ang bangle ay lumapit siya at mahinahon itong kinausap. "Allane, baby, always wear your bangle, okay?" Tumango ang dalaga. "Yes, Kuya. I'm sorry." Ginalaw niya ang paa na nakapatong sa mesita subalit kumirot iyon. "Aray!" "Huwag mo munang gagalawin ang paa mo." Bumuntong-hininga si Vaylord saka tumingin sa braso ng kapatid. Lihim siyang nagpasalamat na naroon na ang bangle. Siya ang nag-design ng bangle na iyon para kay Allane. Kulay ginto iyon na may silver sa magkabilang gilid. Sa pagitan niyon ay nakalagay ang apat na bilog na may nakalagay na malaking titik na V sa loob ng bawat bilog tanda ng apelyidong Villavicencio. Niregalo niya iyon noong ika-labing apat na kaarawan ng kapatid bilang proteksiyon sa mga nilalang na katulad niya. Hindi kasi maiiwasan na may makasalamuhang bampira si Allane dahil iyon ang madalas na kasama ng nakatatandang kapatid. Minsan nga ay pumupunta pa sa mansiyon at nananatili roon nang ilang araw. Dumating ang tanghali nang inanunsiyo ng katulong ang pagdating ni Vienna, ang sekretarya ni Vaylord. Kaagad itong pinapasok ng binata at inutusang maghintay sa library. Halata sa mukha ni Allane ang paghanga sa bisitang dumating. Binati siya ni Vienna bago pumasok sa library. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang balingkinitan nitong pangangatawan dahil sa suot na mini skirt at hapit na blouse. Malaporselana ang kutis nito at tila manika ang hugis ng mukha. "Siya na ba, Kuya?" bulong ni Allane nang mawala na sa kanilang paningin ang bisita. "She's a beauty." "Shut up! She's my secretary." "Sexy-tary," tukso pa ng dalaga. "I like her. Palagay ko magkakasundo kami." Hinawakan ni Vaylord ang sariling leeg dahil kanina pa niya damang-dama ang pagkauhaw. Mahigit isang linggo rin siyang hindi nakatikim ng dugo at ang sekretarya niya ang pagbabalingan niya ng pagkauhaw na iyon imbes na ang sariling kapatid. Wala kasing ano mang pangontra sa katawan si Vienna kaya alam ni Vaylord na malinis ang dugo ng sekretarya niya. Sariwa at walang halong lason. "Again, she's my secretary," pinal na saad ng binata na tila hapong hapo. Walang ibang mababasang reaksiyon sa mukha kundi ang pagkasabik sa dugo. Kanina pa siya naglalaway nang maamoy ang natural na bango na hatid ng dugo ni Vienna. Akmang tatalikod na si Vaylord nang dumating si Gavil. May dala itong isang palumpon ng bulaklak at ilang shopping bag. Nagulat man ay hindi nagpahalata si Vaylord. Tuwang-tuwa naman si Allane sa pagdating ng kasintahan. "What brought you here?" Nakakuyom ang mga kamao at nakataas ang dalawang kilay ni Vaylord sa inis. "I didn't invite you, did l?" "Kuya," protesta ng dalaga. "You are so rude. He's my guest." Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Vaylord kay Gavil saka muling tumingin sa kapatid. "Magtutuos tayo mamaya, baby." Tuluyan ng tumalikod ang binata at tinungo ang library dahil hindi na mapigilan ang pagkauhaw na nararamdaman. "Thank you, Honey." Abot hanggang tainga ang ngiti ni Allane nang abutin ang bulaklak na dala ni Gavil. Umupo ito sa tabi ng dalaga. "For my Luna," nakangiti namang bulong ng binata na agad na sinaway ng dalaga. "Don't you ever say that here, Honey. Baka marinig ka ni Kuya. Allergic 'yon sa mga katulad mo." "He knew already?" muling bulong nito. "That I am a—" Mabilis na tinakpan ni Allane ang bibig ng nobyo. "No. Pero mas mabuti na ang nag-iingat." Nagkibit-balikat lang ang binata saka hinawakan ang kamay ng dalaga. "Masakit pa ba?" tukoy nito sa paa niya. "Naramdaman ko kanina kaya umuwi ako nang wala sa oras." Napakunot ang noo ni Allane. "So its true? Nararamdaman mo kung may masamang nangyayari sa akin?" "That's our nature, Honey," tugon ni Gavil. Hinawakan nito ang apektadong parte ng paa niya at hinaplos iyon. Ilang segundo ang dumaan ay lumuhod ito at hinalikan ang paa niya. Tila naramdaman pa ni Allane na dinilaan iyon ni Gavil at mayamaya ay bumuti na ang pakiramdam niya. "Can't believe it," anas niya nang tumayo at naglakad sa harap ng nobyo. Hinawakan ni Gavil ang magkabilang baywang ng nobya at pinaupo sa kandungan niya. Niyakap niya ang dalaga at ibinaon ang mukha sa leeg nito. "I miss you, My Luna." Gumanti ng yakap si Allane saka hinaplos ang may kahabaang buhok ng nobyo. Na-miss din niya ang nobyo. Ilang buwan din silang hindi nagkita dahil nagpaalam ito sa kaniya na may aasikasuhing negosyo sa ibang bansa. Tila mas lalo itong umitim, mas lalong lumaki ang katawan at pati awra nito ay nag-iba. Mas lalong naging matured ang mukha nito at mababasa roon ang matinding pinagdaanang training bilang Alpha ng Forest Pack. Magtatanong na sana si Allane tungkol sa sinasabing business trip ng nobyo nang may marinig siyang ingay sa library. Sigaw iyon ng isang babae kaya agad siyang tumayo dahil parang tambol ang dibdib niya sa sobrang kaba. Kakaiba kasi ang sigaw na iyon, parang sigaw na humihingi ng saklolo. "Just a minute, Honey." Tumayo na si Allane at nagtungo sa library. Nakabukas ang pinto kaya pumasok siya subalit nagulat siya sa nabungaran. Nakasandal si Vienna sa pader habang nakabaon ang mukha ni Vaylord sa leeg nito na panay ang pag-agos ng masaganang dugo. Kitang-kita niya kung paano sinisipsip ng kapatid ang masaganang dugo na lumalabas sa leeg ng sekretarya. "B-bampira?" nangangatal na sambit ni Allane bago nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
381.8K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

Sexytary |SPG|

read
537.1K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook