bc

Vision Of Love

book_age18+
2.9K
FOLLOW
16.0K
READ
love-triangle
drama
twisted
sweet
betrayal
lies
slow burn
tricky
punishment
naive
like
intro-logo
Blurb

UNDER-REVISION

For the sake of her parents properties. Nadja sold herself to her cousin for five million pesos. Just to pretend in front of the mesirable blind man— Rigo Sariego.

But destiny knows how to play its game and Rigo is someone who knows how to play the game wisely.

Sa pagbunyag ng katotohanan sa likod ng bawat dilim sa kani-kanilang buhay, makita kaya ni Rigo ang liwanag sa piling ng babaeng nakasama lang niya dahil sa isang pagpapanggap?

chap-preview
Free preview
Chapter One
“THIS is wildly ridiculous, Londyn!” mariing tutol ni Nadja sa kinauupuan nang marinig ang pabor na inaalok sa kanya ng pinsan. Ang mga tao sa loob ng restaurant ay napapalingon sa dako nila. “Hindi ko kayang magkunwaring ikaw sa harap ni Rigo Sariego. Delikado ang binabalak mong hakbang. Mas mabuting maghanap ka na lang ng iba pang paraan.” Agad siyang tumayo at balak iwan ang babae nang pigilan nito ang kamay niya. “Nadja, please hear me out first! Maupo ka muna. Lets talk about it clearly.” pakiusap ng babae. Napabuntong-hininga siya at pinilit na umupo ulit. Kung pagmamasdan sina Nadja at Londyn ay hindi mapupuna ng kahit sino ang pagkakaiba ng dalawang babae sa unang tingin, dahil sa halos na magkaparehong hitsura ng mga ito. Maliban na lang kung tititigan sila nang mabuti. Palibhasa’y parehong namana ang angking ganda ng kanilang mga ina na ‘identical twins’. Aside sa pagkakapareho ng physical features ng bawat isa ay wala na rin pagkakatulad ang magpinsan. Londyn was liberated the way she dressed and acted, since she grew up and lived in a city in Australia. Samantalang si Nadja ay napaka-demure, simple manamit, at laking isla. Kung paghahambingin ang dalawang babae ay malayong-malayo ang mga ito sa nakasanayang environment. Mayaman ang naging asawa ng ina ni Londyn kaya laki ito sa layaw. Samantalang si Nadja ay mapagtipid at mag-isa na lang sa buhay. Namumuhay ng payak ngunit hindi matatawag na mahirap. Her mother died before she was born at the age of twenty five. Namuhay siya na tanging kasa-kasama ay ang ama na si Andrew. Ito ang nagtaguyod sa kanya hanggang paglaki. Ngunit nitong tatlong buwan lamang ang nakalipas ay nasangkot ito sa kakila-kilabot na pangyayaring car accident. Ilang araw, linggo at buwan nasa ICU ang ama niya dahil sa critical na kondisyon nito. Na kalaunan ay binawian din ng buhay. Ang tanging naiwan lamang sa kanya ay ang beach resort nila sa Zambales. May pagkakataong pinipilit siyang isama ng Auntie niya sa Australia upang makapagsimula ng panibagong buhay sa siyudad, subalit tinanggihan niya iyon sa kagustuhang pananatili sa isla. Nangako siya sa sarili at magulang na ipipilit niyang muling itatayo ang resort. “I really have no any other choice, Nadja. Ikaw lang ang tanging taong alam kong makakatulong sa ’kin. What if I told you this would solve your problem?” Nagdala ng pagkalito sa mukha niya ang huling sinabi ng pinsan. “I have no problems in life, Londyn. Isa pa, hindi mo ako madadala sa paiyak-iyak mo riyan,” she said in a rigid tone. Sandaling tumigil sa paghikbi si Londyn. Suminghot, kumuha ng tisyu sa maliit na kahon at marahang pinahid ang mga luha sa pisngi at ilong, before facing her confidently. “Well, kahit pa na sabihin kong unti-unti nang nawawala ang beach resort ni Tito Andrew?” Makahulugang tiningnan niya ang kaharap na sinalubong naman nito. Her face was solemn at hindi kababakasan ng anumang ekspresyon. Noong nakaraang dalawang araw ay nakausap niya ang isang abogado. Pormal na pinag-usapan ang tungkol sa naiwang ari-arian ng kanyang ama sa isla. Ang sabi nito’y nakasanla ang resort nila at malaki ang babayarang halaga upang mabawi niya ang property. “You still need five million pesos, Miss Pastrana.” Her forehead furrowed as she took a fleeting glance at the attorney’s firm expression. Matagal bago iyon mag-sink in sa utak niya. Kung kakalkulahin ang kabayaran niyon ay nakasisigurado na hindi niya kaagad maibibigay ang ganoong kalaking halaga sa loob lamang ng ilang araw. “Hindi magtatagal ay tuluyang mawawala na ang beach resort sa pangalan ng mga magulang mo. At nakatitiyak akong may taong magkakaroon ng interes upang bilhin ang buong parte ng isla kung hindi kaagad ito mahanapan ng magandang solusyon. Batid mo naman na labing-apat na araw lang ang palugit na ibinigay sa iyo ng owner, ’di ba?” Understandably, tumango siya. “Pero may iba pa sigurong paraan, Attorney Soriano?” Her voice was full of hope and confidence. “Well, to tell you honestly, hija. Mayroong trust funds na iniwan sa ’yo ang mga magulang mo sa bangko. But unfortunately, hindi iyon ganoon kalaki at hindi magiging sapat sa halagang kinakailangan natin.” sagot ng abogado. Nanlulumong nasapo ni Nadja ang noo. Malalim siyang nag-isip. Saan siya makakahanap ng ganoon kalaking halaga? Kahit pagsamahin ang savings niya at trust funds ng kanyang magulang ay nakatitiyak siya na hindi iyon magiging sapat. Naramdaman ng dalaga ang pag-alo ng kamay ng attorney sa kanyang balikat. “I’ll see you after three weeks, Miss Pastrana. I hope you already have the money in your hand. Tawagan mo ako kung may kailangan ka,” wika nito sa gitna ng panlulumo niya bago dinampot ang brief case sa table saka nagpaalam. Nang maalala ang pag-uusap na iyon sa pagitan nila ng attorney ay muli siyang nanlumo. Naagaw lamang ang atensiyon niya nang magsalita ang babaeng si Londyn. “We could help each other, Nadja. I am giving you a opportunity to help me first bago rin kita tulungan.” Londyn said in an empowering tone. Hindi kaagad nakapagsalita si Nadja. Kaya sinamantala uli iyon ni Londyn upang magbigay pa nang mga kondisyon. “Kapag nagawa mo ang pakiusap ko sa ’yo, I’ll make sure na makukuha mo ang kabuoang property ng beach resort ng magulang mo.” her voice was pleading and promising. Gayundin ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. “And why am I telling you this? It is because you’re really the only one person I can trust in this matter. No one else can.” Napailing siya. May bumubulong sa isipan na tanggapin ang alok nito alang-alang sa ‘Beach Resort’ ng magulang. Pero nasa kabilang isip niya ang pagtutol na mali ang maaaring binabalak nilang gawin. Hinawakan ni Londyn ang mga palad niya sa ibabaw ng lamesa. “I’m sorry . . . Much I wanted to help you without this condition ay wala akong magagawa sa ngayon.” “Londyn—” “For the last time, Nadja. Please, accept my offer. Sandali lang ang pagpapanggap mo and it won’t take long. Hanggang sa makaya lang ni Rigo ang lahat. You saw him, right? You saw what he had become after the accident. Medyo nabawasan ang kanyang—no, halos mawala sa kanya ang lahat. His capability, his confidence, and his credence to start again. Everything he had was lost. At hindi ko kayang dagdagan ang paghihirap niya.” Sa sandaling iyon ay noon niya nakitang nagsusumamo nang husto ang pinsan na taliwas sa anumang kayang nararamdaman. “I don’t know if he has suicidal tendencies, but I don’t want to take the risk. Ayokong masayang ang buhay niya just because of me.” “Then don’t leave him!” aniya sa ‘di mapigilang pagtaas ng boses na ikinabigla nito, kahit na maging siya. “W-what I mean to say is make a better step. Kapag natantiya mo na kaya na ni Rigo ang lahat at kaya na niyang mabuhay nang wala ka, that’s when you can leave him. Just to make sure na makakapaghintay si Craig sa ’yo,” kibit balikat niya. “Hell no! It’s not that easy. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Mas ayokong mawala sa buhay ko si Craig. I know he loves me very much, but I don’t know if he can wait for me especially kung si Rigo ang dahilan,” malungkot na wika nito na nagkaroon ng kakaibang hatid sa kanyang damdamin. Sinalubong ni Nadja ang mga mata ng pinsan. “Isang tanong isang sagot Londyn. Minahal mo ba talaga si Rigo katulad ng ibinibigay na pagmamahal niya sa ’yo?” “O-of course!” confident nitong sagot ngunit hindi naitago ang alanganing tono sa boses. Aminado ang puso na nagkulang ito sa pagmamahal sa lalaki. “Really?” Ang kaninang paghingi ng pag-unawa sa mukha ng babae ay napalitan ng inis. “Ganyan ba kasamâ ang tingin mo sa akin?” Hindi siya sumagot, subalit sa pananahimik niyang iyon ay nalaman nito ang sagot. Londyn took a deep breath. “All right! Honestly, I’ve never loved Rigo as much as I love Craig,” nakokonsiyensiyang pagtatapat nito sa kanya. Pinatili niyang tikom ang bibig. Hinihintay pang may sasabihin ito muli. “He’s a good looking man, that’s already a given. He’s having a great deal of money, resources, or assets and is responsible. But I can’t ever imagine myself to be with a man who’s cold as ice like Rigo.” “And Craig is the opposite of him, isn’t he?” “Oh, Nadja. Think carefully. Hindi mo rin ako kayang tiisin, ’di ba? Kung sana’y mas maaga ko lang nakilala si Craig kaysa kay Rigo ay hindi sana magkaka-ganito ang sitwasyon na kinakaharap ko. And I know this is very wrong pero mahal ko talaga si Craig at masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya.. Magiging masama kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsisinungaling kay Rigo. And what am I going to do with a blind man, anyway?” Naiintindihan niya ang sitwasyon ng babae ngunit wala siyang naapuhap na salita sa huling sinabi nito, kundi pagkamangha. At awa sa lalaking pinagmukha nitong tanga. “Don’t miss the chance. I will give you a few days to think about this matter. This is not only for you, this is also for the sake of your parent’s property.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
66.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
231.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
32.9K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
89.7K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
42.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook