Prologue
NAKATITIG lang ako sa lalaking masamang nakatingin sa ‘kin. Ramdam ko talaga na malaki ang galit niya sa ‘kin. Kahit anong paliwanag ko at sabihin na hindi pera ang habol ko ay para bang hindi niya pinapakinggan ang paliwanag ko.
“Layuan mo ang ama ko! Ang tulad mong babae ay pera ang habol. Ano.. gusto mo bang yumaman agad kaya ka nakipag relasyon sa ama ko?!” Galit na galit niyang sabi.
“Ganyan ba talaga ang tingin mo sa ‘king hinayupak ka! Hindi porke’t anak ka ni William ay hindi na kita sasagutin! Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi pera ang habol ko sa iyong ama!” Saad ko at denedepensahan ang sarili ko. Masyado na siyang harsh sa 'kin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan sa kanya upang pag initan niya ako ng husto.
Napangisi naman siya sa sinabi ko at para bang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko. Siya si Rufus Gallagher anak ng boyfriend kong si William. Nang magtagpo ang landas namin ay palagi nalang niya akong inaaway at pinaparamdam talaga niya na mukha akong pera.
Ayaw kong sabihin kay William ang ginagawa ng anak niya at kung anong mga sinasabi nito dahil ayaw kong mag away silang dalawa dahil sa 'kin.
Sa pagkakaalam ko kasi ay ngayon lang ulit nakasama ni William ang anak niya. Wala naman kasing kwenekwento si William sa ‘kin kaya nong nakaraan ko lang nakilala ang binata.
May pula siyang buhok at napaka sungit na mukha. Akala mo’y pasan palagi ang problema ng mundo. Ang masaklap pa ay pinag iinitan niya ako dahil nalaman niya na may girlfriend ang ama niya. Hindi ko naman kasi alam na may anak pala si William na masungit at para bang galit sa mundo.
Kung alam ko lang ay eh ‘di sana hindi na ako sumama pa kay William sa bahay niya nong araw na yun. Hindi sana magugulo ang tahimik kong mundo.
“Ilan ba ang gusto mo? One million, three million or baka naman house and lot na may kasamang five million. Name your price, woman.” Sarkastiko niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko. Piste! talagang nag offer pa ang gago.
“Para ano? Para saan yang ino-offer mo sa ‘kin na pera?” Sunod sunod kong sabi.
“Para layuan mo ang ama ko at manahimik ka na habang buhay. Dali na, sabihin mo na habang mabait pa ako sayo.” Seryoso niyang sabi kaya sa inis ko ay sinampal ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis ko sa kanya.
Natigilan ang binata at dinilaan pa ang gilid ng labi niya saka siya tumingin
sa ‘kin. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako.” Walang emosyon niyang sabi saka siya humakbang papunta
sa ‘kin. Kinabahan ako kaya napaatras ako.
Ngunit para bang hinahabol ako ni Rufus hanggang sa wala na akong maatrasan at tumama na ang likod ko sa pader.
Yung puso ko ay parang lalabas na sa katawan ko. Takot na takot ako habang nakatitig siya sa ‘kin. Napapalunok ako ng laway at pinagpapawisan ng malagkit lalo na ng magdikit ang katawan namin dalawa.
Nakalimutan ko na yatang huminga. Sa sobrang lapit namin dalawa ay naaamoy ko ang mabangong hininga niya.
“Sa susunod na sasampalin mo ako ay gagantihan kita.” Sabi niya sa matalim na boses.
“B-Bakit? Anong gagawin mo? Sasampalin mo din ako? Sige, sampalin mo na.. gawin mo na agad hindi yung puro ka satsat.” Panghahamon ko sa kanya. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya. Ayaw pa niya akong tantanan. Pagod na pagod na nga ako ngayong araw tapos ito pa ang sasalubong
sa ‘kin.
“Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” Aniya kaya natawa ako. Hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako.
“Sige, gawin mo na ngayon. Sinampal kita diba? Gusto mo pa ba ulitin ko para magising ka.” Lakas loob kong sabi pero ang totoo ay ang puso ko malapit na talagang lumabas sa katawan ko.
“Go, sampalin mo ako ulit. Mukha ka naman talagang pera diba?” Pang aasar niya sa ‘kin kaya napikon na naman ako at nasampal ko na naman siya.
Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Akala ko ay gaganti si Rufus sa ginawa ko. Ngunit nagulat ako sa ginawa niyang ganti. Nanlaki ang mata ko at ang tagal bago maproseso sa isipan ko na magkalapat ang labi namin dalawa.
Para akong estatwa at nakalimutan ko na din yatang huminga dahil sa ginawa niya. Ilang sandali pa ay inilayo niya ang mukha niya sa ‘kin. Hindi parin ako nakakilos dahil hindi ako makapaniwala na naglapat ang labi namin dalawa.
“Hiwalayan mo ang daddy ko, Liberty. Hindi kayo bagay dalawa.” Sabi niya saka siya niya ako tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad palayo sa ‘kin.
Hindi parin ako nakakabawi sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ng anak ng boyfriend ko. Napahawak na lang ako sa labi ko at iniling ang ulo ko upang mawala sa isipan ko ang lalaking may pulang buhok na walang ginawa kundi ang sirain ang araw ko.
Author’s Note: Highlight lang po ‘to ng story ni Rufus at Liberty mga mhie. Pa add po sa library ninyo upang magnotif bawat update.
P.S Friend po ni Rufus sila Honey ang tropang pvke kung nabasa nyo na po ang mga stories kong iba.