bc

LORENZO CLYDE (The Stuck Love)

book_age16+
931
FOLLOW
3.6K
READ
fated
arrogant
submissive
dare to love and hate
boss
maid
sweet
bxg
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Lahat ay takot at pinangingilagan ang kanilang Housekeeping Manager na si Lorenzo Clyde. Hindi dahil sa nakakatakot ang mukha nito kundi dahil sa ugali nitong suplado, seryoso at hindi pa marunong ngumiti. He always wants cleanliness, orderliness at dapat organize lahat nang nakikita nito.

Pero para kay Orlene ay ito ang pinaka-gwapo at pinaka-machong HK Manager na kilala niya. Kahit pa nga natatakot din siya rito.

Nang minsang maglinis siya ng kwarto ay hindi sinasadyang nadatnan niya itong may kahalikan at kasama sa kama ang kanilang Supervisor na si Lovely. Mali yata ang pasok niya at mukhang naistorbo ang ginagawa ng dalawa.

Agad siyang kinompronta nito ng nasa stock room siya. Laking gulat niya nang makulong sila roon. Binalot siya ng kaba at takot ngayong kasama niya ang kinatatakutan na super gwapong boss niya. Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa kamay nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ORLENE "Hoy! Bilisan mo na diyan. Tama na ang pagpapantasya," sita sa akin ng kasamahan kong si Marian. Katulad ko ay isa rin siyang chambermaid sa pinagtatrabahuhan naming hotel na Hotel Trevino. Kasalukuyan kaming nasa stock room at kumukuha ng mga cleaning supplies na gagamitin namin. May mga bakanteng kwarto na kasi ang kailangang nang linisan. At katatapos lang ukupahin ng mga guest na kaka-check out lang din. Sa halip na lingunin ko ito ay deadma lang ako. Hindi ko pinansin ang paninita niya sa akin. Sa halip ay nagpatuloy ako sa ginagawa kong pag-iisip. Napapangiti pa ako at kilig na kilig habang inaalala ko ang encounter namin ng Housekeeping Manager namin na si Sir Lorenzo Clyde Manalo o Sir LCM kanina nang magkasalubong kami sa hallway. Paano ba naman kasi sinulyapan niya lang naman ako. At nagtama ang mga mata naming dalawa. Kaya dahil do'n ay kanina pa akong hindi mapakali at napapatulala habang binabalikan ang moment na iyon. Gano'n ang epekto nito sa akin. "Hoy! Ano ba Orlene Simeon?! Tigilan mo na ang pagde-day dreaming mo diyan kay Sir Lorenzo Clyde. Hindi ibig sabihin na sinulyapan ka niya ay may pag-asa ka na sa kanya?" Dahil do'n ay napatigil ako at agad na dumako ang atensyon ko sa kanya. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Hoy ka rin! 'Wag ka ngang epal diyan. Ang sabihin mo inggit ka lang," mataray kong sabi sa kanya. Natawa ito saglit sa tinuran ko. "Jusko, 'day! Sa 'yong-sa 'yo na 'yang palalab mo. Wala akong interes do'n. Hindi ko nga alam kung anong nakita mo do'n, eh. Bukod sa ang sungit na nga hindi pa marunong ngumiti. Yuck!" reaksiyon pa ni Marian na parang diring-diri. Matagal na akong may gusto kay Sir Lorenzo Clyde. Hindi naman kasi lihim sa buong Housekeeping department ang pagkakaroon ko ng special feelings para sa Housekeeping Manager namin. Alam ng lahat iyon. Vocal talaga ako na may gusto ako rito at hindi ko iyon ikinakahiya. At matagal ko nang pinapangarap ito. Kaya gano'n na lamang ang tuwa ko no'ng sinulyapan niya ako. Na never naman ginagawa nito sa tuwing nagkakasalubong kami. 'Yon ang unang pagkakataon kaya feeling ko parang nanalo ako sa lotto. Kahit pa nga hate na hate ito ng mga kasamahan ko sa trabaho. Bukod kasi sa pagiging strikto at masungit ay may pagka-OC din ito sa lahat ng bagay na nakikita nito. Aside pa ro'n ay hindi rin ito marunong ngumiti. Palagi itong seryoso na para bang mananakmal. Nakakatakot kasi ito. Pero kahit gano'n ay ito pa rin ang pinaka-pogi at pinaka-machong Housekeeping Manager para sa akin. "Hoy! Kahit gano'n 'yon love ko pa rin 'yon, no? Ang pogi-pogi kaya niya tapos ang hot pa. Complete package na kaya siya. Bakit ba hindi niyo makita iyon?" "'Day! Aanhin mo ang pogi at hot kung masama naman ang ugali. Do'n pa rin ako sa panget atleast mabait," ani Marian. "Eh, 'do'n ka! Magtiyaga ka do'n sa panget." "Talaga!" paninindigan ni Marian. "Isa pa naniniwala ako na front lang ni Sir Lorenzo Clyde iyong pagiging masungit at seryoso niya. Alam ko may good side pa rin siyang tinatago. Kinailangan niya lang maging strikto para igalang at katakutan natin siya," pagtatanggol ko pa. "Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa trip mo. Basta hindi ko pa rin siya bet. 'Wag kang iiyak-iyak sa akin pag nabasted ka niya." "Oo, ba! Pero 'wag ka ring maka-feeling close sa akin pag naging jowa ko siya," confident ko namang sabi. "Wow! Antaas talaga ng pangarap mo, no? As if naman papatulan ka talaga niya. May pagka-ambisyosa ka rin talaga, no?" "Gano'n talaga. Mangangarap ka lang din naman itodo mo na, to the highest level!" "Mangarap ka hangga't gusto mo," aniya. "Pero tara na! Andami mo pang sinasabi diyan. Marami pa tayong lilinisin na kuwarto," pag-iiba ni Marian. "Sige na mauna ka na. Susunod ako." "Naku! 'Pag ikaw talaga nahuli na naman ni Ms. Lovely ay naku yari ka na naman sa kanya," ani Marian na ang tinutukoy nito ay ang supervisor naming bruha. Bruha hindi dahil sa nakakatakot ang mukha nito pero dahil sa ugali nitong hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang ang trato nito sa akin. At bukod tanging sa akin lang ito gano'n. Sa tuwing nakikita niya kasi ako ay palagi na lamang niya akong sinusungitan at iniirapan ng mga mata nang hindi ko alam ang dahilan. Halata talagang may personal itong galit sa akin pero hindi naman niya ako kinakausap sa tuwing naghaharap kami. Wala akong maisip na rason kung bakit gano'n ito pagdating sa akin kasi sa iba naman ay okay naman ito. Nagmamaldita pa rin pero hindi katulad sa akin. At halos araw-araw niya iyong ginagawa sa tuwing nagkikita, nagkakausap o nagkakasalubong kami. Hanggang sa nasanay na ako na gano'n na ang pakikitungo nito sa akin at binabalewala ko na lamang. Ayoko rin kasi magkaroon ng isyu pa sa kanya. At ayoko na rin i-stress-in ang sarili ko sa kakaisip. Bahala ito sa kung anong gusto niya. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong atraso sa kanya at wala akong ginagawa. Isa pa ay superior ko siya. Kaya naman kahit paano ay ginagalang ko pa rin ito. Hinahayaan ko na lamang siya at ginagawa ang trabaho ko nang maayos para walang maging problema. Umiiwas na lang din ako hangga't maaari. "Ano pa bang bago do'n kung mayari ako? Eh, kahit wala naman akong ginagawa sa kanya, eh, palagi naman niya akong sinusungitan. Kaya nga sanay na sanay na ako sa kanya," sagot ko. "Kunsabagay may point ka naman diyan. Nagtataka nga ako do'n kung bakit gano'n na lamang ang galit niya sa 'yo. Insecure siguro sa 'yo ang bruha na iyon," saad ni Marian. "Ewan ko! At wala akong pake sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Mamatay siya sa inggit," saad ko pa. "Oh, siya at ako'y mauuna na. Bilisan mo na diyan at sumunod ka na, bruha ka!" ani Marian at binitbit na ang mga kakailanganin saka tuluyang lumabas. Hindi na ako sumagot pa. Tuluyan akong naiwan roon na mag-isa. Nasa isang kwarto kami ni Marian at naglilinis. Dalawa lang kami ang naroon. Siya kasi palagi ang kapartner ko at kanya-kanya kami nang gingawa para mapabilis ang mga gawain. Siya ang bahala sa beddings at ako naman sa banyo. Minsan naman ay salitan din kaming dalawa. Kailangan na naming matapos agad iyon sapagkat may waiting ng guest ang naroon sa lobby na mag-uukupa nitong kwarto at naghihintay. Kaya nagmamadali na rin kami. Pero siyempre kahit na mabilisan ay dapat malinis, organize at maayos pa rin ang kwarto. Fully booked kami ngayon kaya sunod din agad ang mga kwartong lilinisin. At hindi ko alam kung anong meron. Matagal na akong nagtatrabahong chambermaid dito sa Hotel Trevino. At so far ay nag-e-enjoy naman ako. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko. Kahit pumikit pa ako ay kabisadong-kabisado ko na ang mga gagawin. Kaya sisiw na sa akin ang ganitong linisan. At kaya ko ring gawin kahit na mag-isa lang ako. Malapit na akong matapos sa ginagawa ko. Gano'n din si Marian nang biglang may kumatok sa pinto dahilan para maagaw ang atensyon naming dalawa at mapatigil sa kanya-kanya naming ginagawa. Agad na pumasok ang bruha este ang Housekeeping Supervisor namin na si Ms. Lovely. "Matagal pa ba 'yan?" tanong nito nang makapasok sa loob. "Malapit na po, Ms. Lovely," sagot ni Marian na tinuloy ang ginagawang pagpapalit ng beddings at mga punda sa unan. "Ikaw, Orlene?" baling naman nito sa akin. "Patapos na rin po," sagot ko sa kanya. "Abay bilis-bilisan ninyo na at kanina pang naghihintay ang guest sa lobby. Baka mainip na ang mga iyon. Dadalawa na nga kayo rito pero ang bagal niyo pa rin," aniya na halatang nambubuwesit lang kung makasita. Hindi naman nito gawain ang pumapasok bigla sa mga kwartong nililisan namin pero nakakapagtakang andito ito ngayon. Nasanay kasi kaming nasa opisina lang ito at nakaupo. At kunwaring busy-busyhan kahit wala namang talagang ginagawa ito. Nabuburyong siguro ito kaya naghahanap lang nang masisita para lang masabing ginagampanan nito ang trabaho. Pero hindi kami natutuwa na andito ito. Bukod sa hindi kami komportable sa presensya nito ay nakakailang ding gumalaw habang may nanonood. Dinaig pa namin ang nasa actual exam ng mga ojt. Dito lang kasi sa paglilinis ng mga kwarto kami nagiging malaya dahil walang sumisita sa mga ginagawa namin. Dito nagagawa namin ang mga gusto namin gawin, nakakapag-usap, nakakapag-harutan ng walang inaalalang may sisita. Kahit pa nga nakakapagod ang trabaho namin pero ayos lang. Hindi na namin alintana pa iyon. "Kung tinutulungan mo kaya kami rito," mahinang saad ko habang patuloy sa ginagawa ko. "Anong sabi mo? May sinasabi ka ba diyan?" mataray niyang saad at lumapit sa may pinto ng CR saka sumilip sa akin sa loob. "Wala po. Ansabi ko po konti-konti na lang matatapos na po," pagsisinungaling ko. Ang sarap lang kasing supalpalin nito. Ayaw na ayaw ko pa naman kasi ang minamadali ako sa mga gawain. "Dapat lang. 'Wag kayong kukupad-kupad dahil marami pa ang lilinisin niyo." "Okay po!" napilitan at sabay pa naming sagot ni Marian. "Ayusin mo nga 'yang beddings mo. May gusot pa, oh. Pati 'yong pagkaka-ayos ng unan baliktad," sita pa nito sa ginagawa ni Marian. "Pasensya na po, Ms. Lovely," saad na lamang ni Marian at hindi na kumontra pa. Inayos na lamang ang mga napansin nitong mali. "Ano ba 'yan?!" reklamo nito. "Antagal mo na 'yang ginagawa, Marian. Hindi mo pa rin ma-perfect. Mukhang nakakalimutan mo na yata ang mga standard, ah. Ayus-ayusin niyo nga ang trabaho niyo," saad pa ni Ms. Lovely. Tumango na lamang si Marian at hindi na umimik pa. "Bilisan niyo na diyan at nang maipa-occupy na 'tong kwarto," muling saad ni Ms. Lovely saka ito tumungo at tuluyan na lumabas. Napasilip tuloy ako sa labas nang marinig kong may kumalabog. Naabutan ko si Marian na halatang gigil na gigil. At naibato na ang feather duster sa may pinto. "Buwesit talaga 'yong g*gang iyon. Kala mo talaga makasita ang galing-galing niya. Ni hindi nga niya kayang magpalit ng beddings, eh," inis na saad ni Marian. Natatawa na lamang ako dahil sa mga sinabi at naging reaksyon ni Marian. Halata talagang na-bad trip ito dahil sa pangingialam ni Ms. Lovely sa ginagawa niya. "Hay, naku, 'day! Parang hindi ka na nasanay do'n. Wala namang nakikita 'yon kundi puro mali kahit maayos naman. Basta lang talaga makasita ang isang iyon." "Sarap nga talagang ingudngod ang mukha sa inidoro," panggigil pa niya. "Bagay na bagay talaga sila ni Sir Lorenzo Clyde," dugtong pa niya. Nag-panting agad ang tenga ko pagkadinig sa pangalan ng my loves ko. Hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi nito. Agad akong sumabat sa kanya para kontrahin ang huling tinuran nito. "Hep, hep, hep! At bakit nasama ang my loves ko ro'n, aber?" kontra ko agad sa binitiwan nito. "Anong bagay ang pinagsasabi mo? Kami ang bagay ni Sir Lorenzo Clyde kami lang! Okay?" "G*ga! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Bagay sila kasi pareho sila ng ugali," pagka-klaro ni Marian. "Ah, gano'n ba? Klaruhin mo kasi." "Hays! Ewan ko sa 'yo, Orlita! Basta talaga pagdating sa palalab mo masyado kang affected." "Gano'n talaga pag-in love, Inday!" Kinikilig-kilig ko pang tugon kay Marian. "In love mo mukha mo!" aniya. "Whatever!" sagot ko at bumalik na sa ginagawa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook