bc

The Joy of the Playboy (Book 1)

book_age18+
1.8K
FOLLOW
20.6K
READ
dark
second chance
arrogant
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

For Ligaya, the magic has ended the moment her first love broke her heart. Those countless cheating were too much to bear so she decided to save herself and start a new life. Ten years later, she met a man whom she fell in love with, but this time her mind doesn't agree with what her heart is yearning for. Mind before heart- that's what she told herself again and again.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ibinagsak ko ang pagod na katawan sa malambot na sofa nang makauwi na ako sa bahay. Friday ngayon, sweldo pa ng mga empleyado and as usual maraming customer kaya ginabi ako ng uwi. Nakakaloka! Almost ten years na akong ganito, bahay-trabaho, trabaho-bahay. Although lumalabas din ako paminsan-minsan kasama ang mga kaibigan ko na dinaig pa ang aking ina kapag pinagsasabihan ako na mag-boyfriend na. Yes, gano'n sila. Pakiramdam ko ay isa akong paninda kung i-sales talk ng mga iyon. Kaliwa't kanan din ang mga lalaking ibina-blind date sa akin na pilit ko namang tinatanggihan o kaya minsan ay hindi ko sila sinisipot. So ano ngayon kung magalit sila akin? I do not care cause I am not really in for that kind of shitness! Marami akong kailangang atupagin kaysa makipag-blind date sa kung sinu-sinong lalaki. Ayokong sayangin ang buhay ko sa paghahanap sa sinasabi nilang Mr. Right. At hindi ko rin naman hinihintay ang pagdating niya sa buhay ko. Again, so what kung hindi dumating si Mr. Right? Hindi ko iyon kawalan dahil kontento na ako sa buhay ko. Masaya na ako sa buhay ko, masaya ako sa kung anong meron ako sa kasalukuyan. Napaupo ako sa sofa nang tumunog ang cellphone ko. Sunud-sunod na dumating ang mga text messages ng mga kaibigan ko. "Hey, Ligs, nasaan ka na ba?" "Hindi talaga kami magsisimula hangga't wala ka." "Nandito na kami sa bar, kaya bilisan mo." "Alam naman naming matagal ka ng uhaw. Why don't you come here and quench your thirst?" Napabuntong-hininga ako. Bakit parang iba ang dating sa akin ng huling mensahe? Napailing na lang ako at tinungo ang kwarto ko. Kailangan kong maligo dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko sa maghapong trabaho. Isang kulay lilac na knee-length dress ang napili kong isuot at tenernuhan ko iyon ng black stiletto. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok at naglagay ng kaunting make-up and I am ready to go. Matapos kunin ang purse at spare cellphone na ginagamit ko sa mga ganitong lakaran, bumaba na ako dahil naghihintay na ang taxi na maghahatid sa akin sa kung saang bar naroroon ang mga kaibigan ko. Sampung minuto ang dumaan nang tumigil ang sinasakyan kong taxi sa harap ng bar. Sa labas pa lang naririnig ko na ang malakas na musika at tiyak kong maraming tao sa loob niyon dahil friday ngayon. Nakabibinging musika at sigawan ng mga tao ang bumungad sa akin nang pumasok ako sa bar na iyon. Dumiretso agad ako sa itaas dahil doon daw sila nakapwesto. Bago ko marating ang mesa ng mga kaibigan ko ay may nadaanan akong isang grupo ng mga kalalakihan. Titig na titig sa akin ang mga iyon at iyong isang lalaki ay parang tanga dahil tumayo ito para lapitan ako. Inilahad nito ang kanang kamay na waring gustong makipagkilala habang may hawak na baso na may lamang alak sa kaliwang kamay. Tiningnan ko lang ang inilahad nitong kamay saka tinaasan ng kilay. Asa pa siya, hindi ko ugali makipagkilala sa kung sino sinong lalaki. Inirapan ko na lang ito at nagtuloy sa mesa ng mga kaibigan ko. Narinig ko naman ang mga kantiyaw ng mga kaibigan no'ng lalaki. "Ligs, you are so hot tonight!" wika ni Kaye. Nakasuot ito ng itim na dress na above the knee kaya kitang-kita ang mapuputi nitong hita. Dalawa na ang anak nito sa babaerong asawa. "Pansin ko rin. At mukhang ipinangangalandakan ang cleavage, huh," saad naman ni Eden na parang pokpok sa kapal ng make-up. Pero 'wag ka, katwiran niya night make-up daw ang tawag doon. "Girl, kakainggit ka," bulalas naman ni Vivienne, "kitang-kita ko kung paano ka titigan no'ng mga boylet sa kabilang mesa." Sa aming lima si Vivienne ang madalas gumala at magpunta sa mga ganitong lugar. On and off kasi ang relasyon nito sa isang sikat na modelo at kapag heartbroken, alak ang pinagtutuunan ng pansin. Kasa-kasama nito lagi ang isa pa naming kaibigan na si Patrick pero nang magkaroon na ng boyfriend ang huli lagi ng solo flight si Vivienne. Katulad ko may anak na rin sina Kaye at Eden kaya hindi basta-basta mahihila sa mga ganitong lakaran, not unless children's party ang pupuntahan. "Hay naku, mga inggitera ang se-seksi n'yo kaya," sagot ko sa kanila at isa-isa ko silang bineso. "O, asan ang baklang si Patty?" tukoy ko kay Patrick nang makaupo na ako sa bakanteng couch. "Ah, 'wag mo ng hanapin 'yon. Lesheng bakla 'yon," tinungga ni Kaye ang laman ng baso saka nagpatuloy, "nakita lang 'yong boyfriend niyang walang abs, iniwan kami at hindi ka man lang hinintay." Sinalinan nito ng alak ang isang baso at ibinigay sa akin. Medyo malayo kami sa dance floor kaya mahina ang musika rito. Marahil may problema na naman ang isa sa mga kaibigan ko kaya pinapunta ako ng mga 'to. "So, what's up?" tanong ko matapos tunggain ang alak. Inalok nila ako ng sigarilyo pero tumanggi ako. Hindi ako makahinga sa tuwing maninigarilyo ako. "Hindi ninyo ako papupuntahin dito kung walang problema ang isa sa inyo." Nagkatinginan silang tatlo at pagkatapos ay napako ang tingin nina Eden at Vivienne kay Kaye. "You are an expert, Ligs," panimula ni Eden. "Sa ating lima, ikaw ang may pinakamahirap na pinagdaanan sa buhay. Kaya naman—" "Do not beat around the bush, please? Just tell me what is the problem. I feel so exhausted, I need to relax." I crossed my legs and reached for another shot. Inalog ko ang ice cube na nasa baso at sumandal sa sofa. Pagod na pagod ako sa maghapong trabaho. "As usual nambabae na naman 'yong asawa ni Kaye." Nagtawag ng waiter si Vivienne. "So what's your next plan, Kaye?" tanong ko. Kita ko ang pag-iling nito na tila ba ayaw pag-usapan ang problema niya sa asawa. "Come on, sabihin mo na para matulungan ka namin." "I am going to file for an annulment but the problem is he wants our children to be with him." Umiyak na ito matapos sabihin iyon kaya hindi ko na ipinagpatuloy ang pagtatanong. "'Wag na 'wag kang papayag na mapunta sa kaniya ang mga bata. Ikaw ang ina kaya dapat sa 'yo nakatira ang mga anak mo." "'Yan din ang sinabi ko sa kaniya, Ligs," sabat ni Eden. "Pabayaan mong mambabae ang lintik na 'yon basta nasa iyo ang mga bata." "Well, hindi ko maipapayo sa iyo na tumulad ka sa akin, Kaye. Isalba ninyo ang relasyon ninyo hangga't maaari. Mahirap maging katulad ko. Napakahirap magpalaki ng anak mag-isa." Halos magkasing edad lang kaming apat, we are friends during our college days kaya alam na namin ang hilatsa ng bawat isa. Siguro masasabi kong friendship goals kami dahil pare-pareho kaming niloko ng mga taong minahal namin. Mayamaya nagpaalam na sa amin si Kaye. Pauwi na raw ang asawa nito at dahil takot iwanan, napaaga ng uwi ang gaga. Napailing na lang kaming tatlo. Mahal pa rin nito ang asawa sa kabila ng lahat. Hay naku, pag-ibig nga naman. Niloloko na nga nang harap-harapan, patuloy pa ring nagbubulag-bulagan. Sarap iuntog ng ulo sa pader. Kaming tatlo na lang ang naiwan at malapit na maubos ang isang bote ng mamahaling alak kaya um-order ng isa pang bote si Vivienne. "Nakita ko 'yong boylet kanina sa kabilang mesa, panay ang tingin sa 'yo, Ligs. Invite ko na ba rito? Pustahan tayo, type ka ng boylet na 'yon." Sinundot pa ako nito sa tagiliran kaya napaaray ako. "Please, Viviene, huwag ako. I'm not in the mood. Pagod ako. Gusto ko mag-relax." Pinandilatan ko ito ng mga mata pero tumawa lang. "Relax ba 'ikamo?" kumindat ito sa akin at saka nakangiting tumingin sa likurang bahagi kung saan naroon ang grupo ng mga kalalakihan. Itinaas nito ang kanang kamay saka kumaway. Mayamaya ay dumating 'yong lalaking inirapan ko. Hindi ko pinansin ang pagpapa-cute nito, inabala ko na lang ang sarili sa pagpapak ng pulutan. Bahala siya riyan, magpa-cute siya hangga't gusto niya. Pakialam ko sa kaniya. Namalayan ko na lang na nakaupo na ito sa tabi ko kasabay ng pagdating ng dalawa pang lalaki na umupo rin sa tabi ng dalawa kong kaibigan. "Guys, I am Vivienne and these are my friends Ligs and Eden." Ipinakilala kami ni Vivienne sa tatlong iyon pero hindi ko na pinagkaabalahan pang alamin ang mga pangalan ng mga iyon. Hindi ako interesado. Wala sa utak ko ang mag-entertain ng lalaki, not unless negosyo ang pag-uusapan. "You are new here?" tanong no'ng lalaking katabi ko. Tumango lang ako at uminom ng alak. "Easy, sweetheart, the night is young you might get drunk before midnight comes." Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses nito. Nakakaakit! Nilingon ko ito at nagulat ako dahil titig na titig ito sa mukha ko na para bang ngayon lang nakakita ng tao. Maging ako natulala sa hitsura nito. Ang gwapo at hindi ko ipagkakaila iyon. "Stop staring, it's rude," wika ko nang makabawi sa pagkatulala. Tinarayan ko na lang ito para itago ang atraksiyon na kaagad kong naramdaman sa lalaking katabi. Ngumiti lang ito ng tipid at uminom ng alak. Tinapunan ko ng pansin ang dalawa kong kaibigan subalit abala ang mga ito sa pakikipaghuntahan do'n sa dalawang lalaki at waring walang pakialam kung halikan man ako ng lalaking katabi ko. "Would you like to dance?" tanong nito na tinanggihan ko naman. "Parehong kaliwa ang paa ko." "Likewise." Hindi ko alam kung dahil lang sa alak pero parang naaakit ako sa lalaking katabi ko. Hindi naman ako ganito dati sa tuwing may makakatabi akong lalaki kahit pa nakainom ako. Parang iba talaga ang dating sa akin ng lalaking ito. Ibang-iba. Panay lang ang kwento niya ng kung anu-ano. Minsan napapatango ako. Parang walang kapaguran ang bibig ng lalaking ito, kung hindi lang sa baritonong boses nito ay kanina pa ako umuwi. Mag-a-alas onse nang magpaalam ako na pupunta sa ladies room. Kailangan ko ng umuwi, baka hinihintay na ako ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa lalaking katabi ko. Nag-iisip ako ng paraan kung paano makakaalis sa bar nang hindi niya namamalayan. Kanina pa kasi ito offer nang offer na ihahatid niya ako sa bahay na pilit ko namang tinanggihan. Hindi ko ugali magpahatid sa kung sinu-sinong lalaki. Umalis ako nang mag-isa sa bahay, nararapat lang na umuwi akong mag-isa. Isa pa hindi ko gusto ang pakindat-kindat nito sa akin. Parang nagpaparamdam na hindi ko maintindihan. Ayoko namang supalpalin dahil nakakahiya sa mga kaharap namin. Isa pa mukhang disente naman ang taong ito base sa suot nitong damit pati na sa kilos at pananalita nito. Tinapunan ko ng makahulugang tingin ang dalawa kong kaibigan at tumango naman ang mga ito. Gets na nila na hindi na ako babalik, ibig sabihin diretso na akong uuwi. Pumasok na ako sa ladies room at sinadya ko talagang magtagal doon dahil nakita kong tumayo rin kanina 'yong lalaking katabi ko. Ayokong mapansin niya na pauwi na ako. Mahirap na, baka abangan ako nito sa labasan. Kailangan walang makapansin na nakaalis na ako sa bar. Mayaya ay lumabas na ako ng ladies room at tinungo ang pintuan palabas ng bar. Nakipagsiksikan ako sa mga tao dahil gusto ko ng makauwi nang may maramdaman akong kamay na pumulupot sa baywang ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang maramdaman kong niyakap ako nito mula sa likod. Napasandal ako sa dibdib nito nang mabunggo ako no'ng isang babaing sumasayaw na tila walang pakialam sa kapaligiran. "Let go of me!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya naman iyon maririnig dahil napakalakas ng musika sa bandang iyon. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin nang may lalaking sumayaw sa aking harapan. Ngumiti iyon sa akin dahilan para ilayo ako ng kung sinumang tao na nakayakap sa katawan ko. Pilit ko iyong tinatanggal subalit sadyang mahigpit ang pagkakayakap sa akin at dinala ako sa gilid na wala masyadong tao. Nang lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin, ay mabilis akong lumayo rito dahilan para mapasandal ako sa pader. Medyo madilim sa parteng iyon at maingay kaya kahit sumigaw ako walang makakarinig. "No one can ever escape from me. Don't you ever try, sweetheart." Dinig ko ang pagbulong nito sa akin. Iniharang niya ang sariling katawan para pigilan ang napipinto kong pag-alis. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi saka inilapit ang mukha sa akin. Ramdam ko ang mabangong hininga nito na tumatama sa aking mukha. Ang baritonong boses na iyon! Nakakapanghina ng tuhod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

CLOSER

read
138.5K
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook