bc

Save Me, Commander

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.0K
READ
spy/agent
dark
kickass heroine
bxg
kicking
mystery
enimies to lovers
crime
dystopian
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Wainedirry McLante or also known as Dara is a twenty-four-year-old college graduate who perceives joining the military as the most effective choice to escape from her cruel father. She will meet Griffin Magno who is a twenty-seven-year-old tall, dark, handsome, and ambitious army who like to be promoted in order to reach the top. What will happen if her supposed-to-be-freedom turned bloody as she train in the camp? Would they entertain the beating of their hearts or their greedy desire?

Join Dara in her bloody quest in the Zaderous Training Camp as she immerse herself in the complexity of the real state of Igamino.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang bansang ginagalawan namin ay nag-iiba na ng takbo. Mula sa namumuno, sa pamamalakad at pagtanggap ng mga tao ay hindi maiiwasan na magkagulo. Ngayon, ang bansang may maraming teritoryo ay nahahati na lamang sa apat na malalayang teritoryo—ang Zade, Nagini, Shaiha at Senutyenol. At ano ang dahilan ng pagkaonti ng bilang ng mga malalayang teritoryo? Ang pananakop ng mga sakim na namumuno. Ang nangunguna at ang pinakamalakas na teritoryo ay ang Zade. Tinagurian itong pinakamalakas na bansa sapagkat sobrang galing ng namumuno rito. Mayroong matibay at matatag na ahensya at patas ang turing ng batas mapasibilyan, artista, at politiko. Ang namumuno ang nagpalakas sa teritoryo dahil sa katangian na taglay nito na parang sa langgam na kung saan ay naghihilahan ang bawat isa paitaas. Sunod na teritoryo ay ang Shaiha. Kinakatakutan ang teritoryong ito dahil ito ang dahilan kung bakit lumubog ang karamihang teritoryo dahil sa kanilang kasakiman. Sobrang marahas ang sandatahang lakas sa teritoryong ito. Ganoon pa man, ang tatlong natitirang bansa ay hindi nito nasasakop sapagkat malalakas din ito at mga delikado rin. Ang Shaiha rin ang may malakas na produksyon ng mga sandata katulad ng bansang Senutyenol at Nagini. Sa ilang dekada na nagdaan ay dinaan nila sa dahas para lumaki ang sakop ng kanilang lupang nasasakupan. Ang Nagini naman ay ang teritoryong pinakakalmado. Bagaman maraming nangyayari sa senado ay dinadaan na lang nila sa tawa at biro. Sa apat na natitirang teritoryo ay ito ang mahina. Bukod sa mga kurakot na nasa gobyerno, naging mulat na ang mga taong naninirahan rito sa karahasan at kakulangan sa iba't ibang parte ng pamumuhay. Ganoon pa man, maganda sa teritoryong ito. Maraming mga isla ngunit hindi nagiging sa kanila ang sariling produkto dahil sa mga negosyanteng nasa ibang bansa. Kumbaga ay nagiging alipin sa sariling teritoryo. At ang huli, ang teritoryong Senutyenol. Sa apat na teritoryo ay ito ang may pinakamaliit na sukat kung babasehan ang mapa ngunit hindi naman matatawaran ang bagsik nito sa pakikipaglaban. Halos hindi rin ito magalaw ng ibang bansa dahil bukod sa magagaling ang mga sundalo, gayundin ang ibang sibilyang naninirahan dito. Sobrang delikado rin ng dadaanan. Hindi pa man nakakaabot sa area nito ay may sasalubong na sa mga nananakop na malalakas at malalaking alon lalo na kapag patapos na ang taon. Isang babae ang makakaranas nang malupit na tadhana sa kamay ng apat na teritoryo. Siya ang magiging sentro at parang asong-ligaw na madaling patayin sa mata ng mga nasa gobyerno. *** Sa malaking opisina na puno ng mga libro, dalawang naglalakihang mga bookshelf, magagarang mga vase at painting ay mayroong nag-uusap na mag-ama na hindi pansin ang kagandahan ng opisina. Ang importante lamang sa kanila ay ang pinag-uusapan nila ngayon. "Okay, I agree. Kailan ba ang alis ko?" tanong ni Dara sa kaniyang ama. Mabilis siyang sumang-ayon sa binigay na kondisyones ng kaniyang ama. She was sitting in front of his father, ang nasa pagitan lamang nilang dalawa ngayon ay ang malaking mesa nito na punong-puno ng papeles. Siya si Wainedirry McLante o Dara na isang spoiled brat at blacksheep sa mata ng sarili niyang ama dahil pilya ang ugali niya. Buong buhay niya sa Senutyenol ay nag-aaral o hindi kaya nagti-training siya. Hindi rin siya masisi ni Mr. Mclante dahil marami itong mali na nagawa sa kanila ng kaniyang ina noon, mapapisikal o mapa-verbal man. Bagaman laki siya sa maigting na training ng ilang taon, lumaki siyang maganda. Matangkad siya at may five nine ang height, hindi na masama para sa tangkad sa isang babae. Bilugan at expressive ang brown niyang mata at makapal ang kilay, sinabayan pa ng matangos na ilong at walang bakas na lipstick na labi. Malarosas kasi ang kulay ng labi niya at hugis ng puso. Nakasuot pa siya ng uniporme dahil kagagaling lamang niya sa kaniyang paaralan. Kakatapos lang niya magpasa ng mga huling requirements para sa graduation niya. Tapos na rin ang kaniyang on-the-job training niya. Naghihintay na lang siya ng graduation at bar exam. Agad siyang pumunta sa kaniyang ama nang makatanggap siya ng text mula rito. 'Zade' lamang na salita ang mensahe nito sa kaniya pero alam niya na kung ano ang ibig sabihin ng matanda. Dali-dali ang pagpunta niya sa isa sa pinaka-ayaw niyang parte ng kanilang mansyon. Iyon ay walang iba kung hindi ang opisina ng matanda niyang ama.  Nabigyan siya ng pag-asa sa sinabi ng ama na sa Zade siya magpapatuloy ng military training, gusto niya kasi pagsilbihan ang kanilang teritoryo laban sa mga teritoryo o bansang magtatangka sa kanilang sariling teritoryo. Bata pa lang siya ay pinangako niya sa kaniyang sarili na ipagtatanggol niya ang kaniyang sariling bansa at handa siya magbuwis ng kaniyang buhay. Pilit niya itong tinatago dahil natatakot siya na malaman ng ama niya na gustong-gusto niya ang kondisyon nito dahil malaki ang tyansa na magbago ito ng isip. Kadalasan kasi ay palagi nitong kinokontra ang kaniyang mithiin sa buhay. Agad na napangisi ang matandang lalake sa naging reaksyon niya, hindi na ito nagulat sa madaling pagsang-ayon ng anak na dalaga. Wala rin naman siyang ibang pagpipilian. Hindi man lamang kasi niya inisip ang magiging kapalit nito sa kaniya sa hinaharap. Pagkarinig niya ng salitang Zade ay agad siyang pumayag.  "That's good to hear, Dara,” sabi ng kaniyang ama habang naka-upo ito sa swivel chair sa opisina nito sa malaki nilang mansion. Matanda na si Snape Mclante, nasa-forties na ang edad nito ngunit hindi ito mahahalata sa itsura dahil sa malaki nitong pangangatawan at malinis na mukha. Idagdag pa ang kaputiang taglay nito. "You will be installed there after your graduation," tipid na sabi at dagdag ng matanda pagkatapos uminom ng kape. "Hindi ka talaga manggugulo? Hindi mo ako pababantayan doon? Seryoso ka ba talaga? Akala ko ba ay ayaw mo na nandoon ako?" Hindi mapigilan ni Dara ang kaniyang kuryusidad sa biglaang pagbabago ng isip kaniyang ama. Napasandig na lamang ang matanda at tiningnan ang dalaga. Gumalaw ito kasabay ang inuupuan nitong swivel chair. "Don't think it in a wrong way. Hindi ko ito ginagawa para sa 'yo, para ito sa mga mamanahin mo. I don't like a child who is easy to lose, who is very weak. Hindi maganda sa imahe ng pamilya natin. Kailangan mo magpalakas," deritsong sabi nito na nagpairap sa dalaga. Hindi niya mapigilang madismaya sa sinabi ng kaniyang ama, kahit kalian ay kapangyarihan pa rin ang gusto nito. "Don't think it in a wrong way, either. I'm not expecting you to care for me after all. Nagtataka lang ako dahil parang bumait ka," sabi niya sa kaniyang ama, aktong nagtataka at may panunuya ang kaniyang boses. Walang reaksyon lang ang matanda dahil sanay na ito sa kaniyang panunuya. "Pupunta ka roon para maging Zade Army. The training is hard…same to your training here, Dara. Huwag ka masyadong pakampante dahil wala ka namang alam sa Zade," seryosong sabi nito. "May alam ako. That's where I was born and my mother…" Bigla niya ako pinutol. "Shut up, Dara." Hindi matapos ng dalaga ang sasabihin dahil sa malaks na boses ng matanda na sinabayan pa ng paghampas sa mesa. The woman mentally rejoiced. Nararamdaman niya na hirap pa rin ang ama sa paglimot sa mga kasalanang ginawa sa kaniyang sariling asawa. Nakikipagtitigan pa ito na parang naghahamon sa kaniya. Halatang sobrang guilty. "Go back to your training," utos ng matanda, walang nagawa ang dalaga kung hindi sundin ito. Ayaw niya namang magalit ito nang todo dahil baka magbago pa ang isip nito. Sa ngayon ay sapat na sa kaniya na malaman na makakaalis na siya rito. Ilang araw na lang siya malahawla nilang mansyon. Marahas niyang sinirado ang pinto, pinapakita ang inis sa ama. Agad siyang dumiretso sa kwarto niya at doon nagpalit ng damit pang-training. Bagaman naiinis siya ay nadadaig ito ng sayang nararamdaman niya. Ang ideyang pupunta siya sa Zade ay iniisip lang niya ngayon. Finally, she would be able again to step on her beloved territory that full of good memories with her mother and her best friend.  Sa wakas ay makakaramdam ulit siya ng kasiyaham sa mundo na walang lungkot at takot sa kung ano ang gagawin ng ama niya sa kaniyang buhay. Ang pinakamahalaga sa kaniya ngayon ay ang makalayo-layo siya sa kaniyang ama. Magsasaya siya para maramdaman niya na tao pa rin siya at hindi puppet na sunod-sunoran lang sa kaniyang ama. "I will be at my comfort and at will be in peace again," bulong niya habang nakangiti. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook