bc

HER SECRET (COMPLETE) BOOK 1

book_age16+
1.9K
FOLLOW
4.6K
READ
arranged marriage
brave
gangster
drama
sweet
serious
kicking
campus
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG/ENGLISH

★** A transferee student named Lauriett Zinn Singson Wallace. Angelic face with a good kind hearted girl, daughter of one of the well-known business man Mr. Terence Gaviola Wallace and his wife Mrs. Laurriel Singson Wallace.

Who would thought that this girl is a secret gangster. Cool, brave and protective girl, underground fighter and Queen of The Gangster.

Hanggang kailan niya itatago sa mga taong nakapaligid sa kaniya ang kaniyang sekreto. Kaya ba niyang protektahan ang mga mahal niya sa buhay?

Lalo na ang lalaking 'di niya inaasahang mamahalin niya ng lubos. **★★

chap-preview
Free preview
HER SECRET : CHAPTER 1
ZINN POV Papasok na sa entrance ng school ang kotseng sinasakyan ko. My parents decide na ilipat ako sa school ng business partner nila. Ayoko talagang lumipat, but they force me and wala akong magagawa do'n. Napilitan pa akong suotin ang school uniform nilang kinulang sa tela. Hays, ano naman kaya ang naghihintay sa akin sa school na 'to. Huminto na ang kotse, at pinagbuksan ako ng driver. Rinig ko ang bulungan ng mga estudyante, pagpasok ko. Tsk, ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Hindi ko na lang pinansin at naglakad na ako papuntang office. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. "Come in," sabi ng nasa loob. Pumasok ako at isang matandang babae ang nakaupo sa may table. Siya ang dean ng school ayon sa nakasulat sa harap ng table. "Good morning Dean, I'm Lauriett Zinn Singson Wallace po," pakilala ko. "Ohh, so you are the one and only daughter of Mr. And Mrs. Wallace. Welcome to Harrington Integrated. Here's your class schedule and school I.D. Enjoy your first day Ms. Wallace," sabi niya sa akin. Tinanggap ko naman ang inabot niya at nag bow. "Thank you Dean," sabi ko sa kaniya. Lumabas na ako para hanapin ang room ko. Grade 11 =A-1, palinga-linga ako at hinahanap ang room na 'yon. Nabangga ako at bumagsak sa sahig. Ang sakit ng pwet at balakang ko. "Arraayyyyy," daing ko. "Tssk, stupid," rinig kong sabi ng lalaki. Tiningnan ko siya habang papaalis. Salbahe 'yon ah, 'di man lang ako tinulungang makatayo. Tumayo ako at pinagpag ang sarili ko at sinundan ko siya. Lagot ka sa akin. "Hoyy, lalaki!" sigaw ko. Nilingon naman niya ako na bored ang mukha. "What?" tanong niya. "Hindi ka man lang ba mag-sorry? Binangga mo 'ko tapos tinalikuran? You don't even give a hand to help me?!" sabi ko. "What? Are you stupid? Miss, ikaw ang hindi nakatingin sa dinadaanan mo. At ikaw ang nakabangga sa akin. So why would I say sorry to you?" tanong niya. "Kung hindi ka tatanga-tanga, 'di ka mabangga!" dugtong niya. "Hindi ako tanga! Hinahanap ko ang room ko!" sabi ko sa kaniya. "Then, it's not my fault. Tss, you're wasting my time," sabi niya at naglakad palayo. Tinuloy ko naman ang paghahanap sa room ko. Sa wakas nakita din kita. Kumatok muna ako bago pumasok. "Good morning ma'am, I'm sorry I'm late," sabi ko. "You are the new student?" tanong niya. "Yes ma'am," sagot ko. "Well then, please introduce your self in complete details," sabi niya. Pumunta naman ako sa gitna para magpakilala. "Good morning everyone, I'm Lauriett Zinn Singson Wallace, 16 years of age. Transferee from St. Benedict High School. I love music, recording, playing guitar and eating. My favorite sports volleyball and badminton. That's all thank you," pakilala ko sa kanila. "Thank you so much, Ms. Wallace, you may now take your seat," sabi ni ma'am at na upo ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Tuloy ang discussion ni ma'am . Habang nakikinig ako, ramdam kong may nakatingin sa akin sa likod kaya lumingon ako at nakita ko ang lalaking nakabangga ko kanina. Nagtagpo ang mga mata namin. Inirapan ko siya at umayos na ako ng upo. Pagkatapos ng dalawang subject inayos ko ang sarili ko at gamit. Palabas na ako ng room ng may dalawang babaeng humarang sa akin. "Hi Lauriett I'm Megan, and this is Trisha my friend," pakilala nila. Tinanggap ko ang kamay nila at nakipag-shake hands. "Hi, ahm Zinn na lang masyadong mahaba 'yong Lauriett," nakangiting sabi ko. "Your name is beautiful, just like you. Friends ka na namin ha," sabi niya. "Oo naman friends," sagot ko. Naglakad na kami papuntang cafeteria. Malapit na kami sa entrance nang mapansin namin na nagkagulo sa loob. Sumiksik kami para makita ang nangyayari, isang babae na blonde ang buhok, at nerd na nasa sahig. "I'm sorry, Stella hindi ko sinasadya," sabi ng nerd. "Your sorry is not enough! Now, clean my shoes using your mouth!" sabi niya. Napasinghap ang mga estudiyante na nakapaligid sa kanila. "Pero Stella," sabi no'ng nerd. "What? Ayaw mong gawin?" tanong niya. "G-gagawin ko na," dahan-dahang bumaba ang mukha ng nerd sa sapatos ng babae. "Stop!" pigil ko sa nerd. Napatingin sa akin ang lahat. Pumunta ako sa puwesto nila at tinulungan kong makatayo ang nerd. "Stop. Hindi mo gagawin 'yan. Pinatunayan mo lang na kaya kang apihin," sabi ko sa kaniya. "Who are you?" tanong ng babae. "H'wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay, step back," sabi niya. Napairap naman ako at tumingin sa kaniya. "Para ano? Hahayaan kang alipustahin ang kapwa mo estudiyante? Sino ka ba sa inaakala mo?" tanong ko . "Hindi mo 'ko kilala? Well, ako lang naman ang Campus Queen and no one can stop me. Even you!" madiin niyang sabi sa akin. "Hah! Stop you from what? Ang mang-bully? Well sorry, hindi kasi ako sanay na may nakikitang binu-bully. Wala kasi 'yan sa pinanggalingan ko," sagot ko . "Then go back where you came from. You don't belong here!" natatawang sabi niya. "Owh, sorry but hindi na puwede," maarteng sabi ko. "Okay ka lang? Tara aayusin natin itsura mo," sabi ko sa nerd . Aalis na sana kami ng hilain niya ang braso ko at bumaon ang mahaba niyang kuko. "Where do you think you're going?" sabi niya. "Get. Off. Your. Dirty. Hands. On. Me." May diin na sabi ko. "What if I don't?" paghahamon na sabi niya. "Bitaw," sabi ko. "You know what, napakapakialamera mo! Bago ka pa lang dito, akala mo kung sino ka nang umasta. Know your place!" sabi niya. Iniwaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Yeahh right, I'm just new here and I never thought na ganito pala ang mga students dito. Walang manners, my parents was wrong. If I knew, sana di na ako nagpalipat dito!" sabi ko. "Ikaw lang naman 'tong pakialamera eh, kung hindi ka mangingialam hindi ka madadamay sa gulo," sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na ako hila ang nerd na babae.. "You will pay for this!" sigaw niya. "T-thank you ha, pero sana hindi mo na lang ako tinulungan. Hindi mo kilala si Stella, sigurado akong maghihigante 'yon. Napahiya siya at ngayon lang may bumangga sa kaniya," sabi ng nerd. "Hindi ko naman kayang tingnan ka na lang. At mas lalong hindi tama na hahayaan na lang siya. Kapag pinapakita niyo na kaya niya kayong apihin. Mas magkaroon siya ng lakas ng loob para mang-bully," sabi ko sa "Pero salamat talaga ha ako nga pala si Suzy Marie," pakilala niya. "Zinn for short," pakilala ko. Nag-shake hands kami at lumabas na ng washroom. "Okay na? Let's go, malapit na mag start ang klase," sabi ni Megan. Naglakad na kami pabalik sa mga room namin. "Suzy, hintayin mo kami rito mamaya pag-lunch ha, sabay ka na sa amin," sabi ko kay Suzy pagdating namin sa room nila. "Sige, thank you ulit, may kaibigan na rin ako sa wakas," natutuwang sabi niya. Umalis na kami at nagpunta sa room. Discuss**** Discuss**** Lunch break na, dinaanan namin si Suzy kagaya ng napag-usapan. "Nakakahiya iyon para kay Stella kanina, alam niyo 'yong mukha niya, kulang na lang uusok ilong niya sa galit," natatawang sabi ni Trisha. "Nako girl ingat ka, I'm sure nagpa-plano ng revenge 'yon. Baka mamaya mag-isa kang naglalakad dito sa hallway bigla na lang may nangbato sa'yo or mangbuhos ng kung ano-ano," sabi ni Megan . "E 'di subukan niya, nang makita niya hinahanap niya. Sa school na pinanggalingan ko, walang bullying do'n. May mag-aaway man pero simpleng misunderstanding lang. Hindi gaya no'ng ginawa niya. Hindi ko rin kasi kayang manood na lang," sabi ko naman sa kanila. "Sabagay, ngayon yata nakahanap na ng katapat si Stella at ikaw 'yon," nagtawanan pa sila hanggang makapasok kami. Pagpasok namin, kita ko na ang mainit na tingin ni Stella sa akin. Hinayaan ko na lang siya at nag-order na ako ng food ko. Pumuwesto kami sa gilid ng cafeteria at nag usap-usap kami. Bigla na lang may nagbuhos ng soup sa akin na ikinagulat ko. "Oh my god!" sabi ni Megan. "Stella, what are you doing? Bakit mo binuhusan ng soup si Zinn, mainit-init pa!" galit na tanong niya. "She deserve it, next time piliin mo ang kakalabanin at babanggain mo!" sabi niya sa akin. Tumayo ako at dinampot ko ang juice ko. "Stella," tawag ko sa kaniya. Pagharap niya sakto sa mukha niya ang juice na tinapon ko. "Pasalamat ka juice lang 'yan. Now we're even," sabi ko. "You b*tch!" sigaw niya at hinablot niya ang buhok ko. Nagkagulo sa cafeteria, at may umaawat sa amin . "Napakapakialamera mo!" sabi niya at sinabunutan ako. "Awat na Stella ano ba! Bitawan mo si Zinn!" sigaw ni Megan. "Stop!" sigaw ng lalaki. Hindi ko makita kung sino 'yon dahil nakatakip sa mukha ko ang mga braso ko. "Stop it Stella," sabi nang lalaki. Inalis siya sa ibabaw ko at tinulungan naman ako ng mga kaibigan ko. "That b*tch, ang lakas ng loob niyang kalabanin ako! I will make sure na masu-suspend ka!" sigaw niya. "Shut up! Shut up! Both of you, to the guidance office now!" sabi ng lalaki. Siya 'yong nakabangga ko kanina at kaklase namin. Nasa loob na kami ng guidance office at kapwa tahimik. "Explain what happened, bakit ganiyan ang mga itsura ninyo?" tanong ng ginang. "That girl, siya ang nagsimula ng lahat!" turo sa akin ni Stella. "Lower you voice Ms. Dela Peña!" sabi ng ginang. "Explain Ms. Wallace," sabi niya sa akin. "Excuse po Ma'am, hindi po si Zinn ang may kasalanan. Ako po, tinulungan niya lang po ako," singit ni Suzy. "Okay Ms. Lopez, tell me everything," sabi ng ginang kay Suzy. "Recess time po 'yon. Siksikan po sa loob ng Cafeteria sa bilihan ng snacks. Then, aksidente ko pong natapon 'yong ice cream sa sapatos ni Stella, at nagalit po siya. Nag-sorry naman po ako then, she want me to clean it with my..." putol na kuwento ni Suzy. "With what?" tanong ng guidance. "With my mouth po," nakayukong sabi ni Suzy. "Ms dela Peña, what were you thinking? So bumalik ka na naman sa pangbu-bully, hindi ka rin nadala noon. Don't you remember, may muntik nang mag-suicide dahil sa'yo," sabi ng ginang. "Paano ka na involved Ms. Wallace? Bago ka pa lang sa school na 'to, involved ka na sa gulo. Akala ko ba sa St. Benedict ka nanggaling," sabi niya sa akin. "Tinulungan ko lang po si Suzy, hindi ko po kasi kayang manood habang may binu-bully. And yes, doon nga po ako galing, doon kasi walang nangbu-bully kaya hindi po ako sanay," sabi ko. "Then, my parents decided na ilipat ako dito, kasi sabi nila okay naman daw 'tong school na 'to kasing laki lang din no'ng school na pinapasukan ko. Mababait din naman daw ang mga students and teachers. Well I guest, but not all student," sabi ko pa. "Paano kayo humantong sa sakitan?" tanong niya. "Lunch break po, habang kumakain kami bigla na lang may nagbuhos sa akin ng soup na mainit-init pa. And Megan saw Stella, siya ang nagbuhos sa akin ng soup. And binuhusan ko din siya ng juice. Then nag-away na kami," kuwento ko. "I want to talk your parents tomorrow," sabi niya sa amin. "No," sabi ni Stella. "Why not Ms dela Peña? Natatakot kang malaman ng parents mo na may binu-bully ka ulit? You can go now, and remember what I've said," sabi niya. Lumabas na kami ng guidance room at dumiretso kami sa washroom para maglinis. "This is all your fault!" sabi ni Stella. "Ano ba Stella tama na," awat ni Trisha. Pagkatapos kong maglinis bumalik na kami sa classroom. "Are you sure ayaw mong pumunta sa clinic? May sugat ka sa mukha oh," tanong ni Megan. "Okay lang, daplis lang 'yan," sabi ko. Maya maya dumating 'yong lalaking nagdala sa amin sa guidance. "Put this on your face," sabi niya sabay abot ng bandage. Nagtaka naman ako at sinundan siya ng tingin. "Oh, ilagay mo na 'yan sis," nakangiting sabi ni Megan. "Sino siya?" tanong ko. "Siya ang SSG President ng school and anak ng owner nitong school, si Harris Harrington," sabi ni Megan. "Hindi ba Harrington ka rin, so magkapatid kayo?" tanong ko. "No, we're cousin," nakangiting sagot niya. "Ahh okay. May kabaitan din pala pinsan mo 'no? Kanina kasi nabangga niya ako, tinalikuran lang ako tapos tinawag pa akong stupid," sabi ko. "Tss," rinig namin. "Nagkabangga kayo?" tanong ni Trisha. Tumango lang ako bilang sagot. "Kaya pala lagi siyang nakatingin sayo," sabi niya pa. Hindi ko na lang 'yon pinansin. Nakatungo ako sa lamesa ko dahil ang hapdi talaga ng sugat ko sa mukha. Ang haba ng kuko nang bruhang 'yon. Pa'no ko naman kaya sasabihin kay Mom and Dad na pinapatawag sila ng guidance counselor? Haysss. Pagkatapos ng klase, sabay kaming apat na naglakad papuntang parking area. Nag-text rin sa akin ang driver na nasa parking lot na siya. "Guy's, mauna na ako sa inyo. Byee," sabi ko. "Sige sis, see you tomorrow. Byee," nagbeso kami at pumasok na ako sa kotse. "Ms. Zinn may dinner daw po kayong pupuntahan. Magbihis daw po kayo ng formal dress," sabi ni kuya Ben. "Okay po. Sila Mom and Dad po?" tanong ko. "Hihintayin ka na lang daw po nila sa restaurant. Ihahatid ko po kayo," sagot niya. "Okay po kuya," sagot ko. Pagdating namin sa bahay, nagmerienda muna ako at ginawa ang homework ko. Naligo at nagbihis. I wear black dress and black sandals. Favorite color ko ang black and white, most of my things is black and white color. May ibang kulay pero bilang lang. Lumabas na ako ng kwarto nang mag-ring ang phone ko and it's Mommy calling. "Hello, Mom," sagot ko. "Hey, sweetie we are waiting for you. Papunta na ba kayo dito?" she ask. "Yes Mom, on the way na," Sagot ko. "Okay sige, ikaw na lang ang hinihintay namin," sabi niya. Namatay na ang tawag at agad akong sumakay ng kotse. A couple of minutes nakarating na kami sa restaurant. Bumaba ako at pumasok sa loob. Hinanap ko ang pwesto nila Mommy. I saw them sa may dulo, agad akong lumapit sa kanila. Then there's a familiar face na nakita ko. Is that Harris? tanong ko sa sarili. Nagtuloy na lang ako at lumapit sa kanila. "Hi Mom, Dad," bati ko sa kanila. "Good evening po," sabi ko sa mga kasama nila Mom at nag-bow. "Hey sweetie, you look pretty with your dress," sabi ni Mom. "Good evening too, iha, kumare you didn't tell me na maganda pala itong daughter mo. Mana sa inyong mag asawa," sabi nang babae. "Of course, anyway anak this is your Tita Hannah and Tito Rico," pakilala ni Mommy sa kanila. "Good evening po, I'm Lauriett Zinn po Tita, Tito," pakilala ko sa kanila at nag-bow ako. "Good evening too iha, and I want you to met our son, Harris," pakilala ni Tita Hannah sa kaniyang anak. "Hi, nice to see you again," matipid kong ngiti. "Yeah, me too," sagot niya. "You already know each other?" tanong ni Tita. "Sa school po pero 'di pa kami nagkakilala ngayon lang," sagot ko. "Okay, later we will talk about that," sabi ni Tita Hannah. "So let's eat, after that we will talk about business," singit ni Daddy. Naupo na ako sa tapat ni Harris at tahimik na kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain. Binasag ni Daddy ang katahimikan. "How's your first day of school anak?" he ask. "What happen to your face?" sunod niyang tanong. Kinabahan na ako. May bandage pala ang mukha ko. "Ehem, n-nagka banggaan kami kanina sa school Tito. And nasagi ng relo ko ang mukha niya," Harris answered. Tiningnan ko naman siya. Tumingin din siya sa akin na parang sinasabing sabayan ko na lang. "Ahh, y-yes Dad, we bump into each other. But, no worries maliit lang naman ang sugat daplis lang," sagot ko. "And why naman nagkabanggaan kayo?" tanong ng Mom niya. "I was looking for my room po kasi T-tita, and 'di ko po siya napansin," nahihiya kong sagot. "About your first day how is it going?" tanong ulit ni Dad. Feel ko nang alam na nila ang nangyari sa school. "I-im sorry Dad, I was involved sa away kanina sa school. But believe me, I was there to help. A-ayoko kasing may binu-bully," nakayukong sagot ko. "We will fix that thing tomorrow. For now, let us talk about you and Harris," sabi ni Dad. "B-bakit about sa amin? Dad?" tanong ko. "Ehem, son. Since ikaw lang ang lalaki sa pamilya natin and susunod na tagapagmana. We want you to get married sa anak ni Mr. and Mrs. Wallace," sabi ng Daddy ni Harris. Shock ako sa narinig ko, kami ipapakasal? "What? Oh come on Dad," reklamo niya . "Son, we already talk about this," sabi ng Dad niya. Hindi na siya naka imik. "Anak, I know mabibigla ka, but this is for your own good. We want you and Harris to be married," sabi sa akin ni Mom. "Are you kidding Mom? I mean, ang bata ko pa para magpakasal. Mom, Dad you know how important to me ang makapagtapos ng pag-aaral. I can get married at the right time and to the person i love," protesta ko. "Anak, listen first. Mag-aaral pa rin naman kayo kahit naikasal na kayo. After niyo grumaduate ng senior saka pa lang kayo magpapakasal," paliwanag ni Mom. "No Mom, I can't, I'm sorry. Please don't do this to me," naluluhang sabi ko. "I think, nabigla natin ang mga bata. We can talk about this some other time, right kumare?" sabi ng Mom ni Harris. "Excuse me, pupunta lang po ako sa washroom," sabi ko at 'di ko na hinintay ang sagot nila. This can't be, ipapakasal nila ako sa taong 'di ko naman gusto. Pa'no kami magkasundo kung una pa lang 'di na namin gusto ang isa't isa? Napaluha ako sa naiisip ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na . Nagulat na lang ako ng may nanghila sa akin. "Heyyy, ano ba bitawan mo ko," pagpupumiglas ko. "Just come with me," sabi niya. "At saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko. Huminto kami sa walang tao na lugar. "Did you know about that marriage thing?" tanong niya. "No, kita mo naman ang pag protesta ko 'di ba? I can't believe na magagawa nila Mom and Dad 'to. Hindi ko pinangarap maikasal ng maaga. Lalo na kung 'di ko naman gusto 'yong tao," sabi ko sa kaniya. "Ehh ikaw, alam mo ba?" tanong ko. "Yeah, pero hindi ko alam na sa iyo. I thought do'n sa isa pang business partner ni Dad," sabi niya. "Oh, ehh bakit 'di mo sabihin sa kanila para hindi matuloy ang plano nila?" sabi ko at tinalikuran ko siya. Pagdating ko sa table namin kinuha ko ang bag ko. "I'll go home first Mom, Dad. Magt- taxi na lang ako," paalam ko. Hindi ko na sila hinintay na sumagot. I know kabastusan ang ginawa ko. Masama ang loob ko. Pumara ako ng taxi at sumakay. Minutes later nasa bahay na ako. Pagpasok ko sa kuwarto ko dumapa ako sa kama at kinuha ang phone ko. Binuksan ko ang sss ko at nagpost ako ng... "Bad Day," Posted. May notification akong na tanggap . "Harris Harrington send you friend request," basa ko. Nagdalawang isip pa akong i accept 'yun. May bagong notification ulit. "Megan D. Harrington sent you friend request," "Trisha Valdez send you friend request," in-accept ko silang dalawa. Sunod sunod na notification ang na receive ko. Puro react ni Harris, at may comment pa . "I love the song," comment niya. Nag log out na ako at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Nahiga na ako sa kama at nagpa music hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, lutang akong pumasok. Hindi ako nag almusal, 'di ko rin hinintay ang parents ko. Dumiretso na ako sa guidance office, naabutan ko ang mga kaibigan ko sa loob. Magulang ni Suzy at magulang ni Stella. Maya maya dumating na ang magulang ko. Kasunod nilang pumasok si Harris. "So everybody is here. Good morning everyone, I am Mrs. Flor Santos, guidance counselor. Sa tapat ko naman ay si Mrs. Blesilda Ong Harrington. Hindi namin palalagpasin ang nangyaring gulo kahapon lalo na at nagkasakitan kayo. And we decided that you Ms. Dela Peña will be suspended within two weeks. And both of you Ms. Wallace and Ms. Lopez will be punished." Sabi ni Mrs. Santos. Tahimik lang kaming lahat. "Ano naman ang punishment na ipapatanaw sa kanila Mrs. Santos? " Tanong ni Mommy. "Sila ang maglilinis sa cafeteria sa loob ng dalawang linggo." Sagot niya. "That was so unfair!" Sabi ni Stella . "Shut up Stella, hindi ka na nagtanda! Hindi na namin alam ang gagawin sa'yo! You're embarrassing!" Galit na sabi ng magulang niya. Nag usap usap pa sila bago kami lumabas. "I have to go to our class Mom, Dad." Paalam ko sa kanila. Nagpaalam naman sila na aalis na. "Sis, are you okay.? May problema ba?" Tanong ni Megan. "Wala naman. May iniisip lang ako." Sagot ko at na upo na sa upuan ko. Pumasok naman si Harris kasunod ang teacher namin. Pagkatapos ng klase dumiretso kami sa cafeteria. Bigla namang tumunog ang phone ko. "Hello." Sagot ko. "Buti naman at sinagot mo. Akala ko kinalimutan mo na kami." Sabi ni Ella kaibigan ko sa dating school. "Napatawag ka, kumusta ang tropa?" Tanong ko. "Well, we're good but we have a little problem." Sabi nito. Kumunot naman ang noo ko. "What is it?" Tanong ko. "Kailangan nating pumunta sa underground mamayang gabi." sabi niya. Lumayo ako sa mga kasama ko para 'di nila marinig. "Bakit? Akala ko ba 'di muna tayo magpapakita doon," Sabi ko. "Well, 'yon na nga e, it's been a month. But, Venom Gang wants to fight us. Hinahamon nila tayo. At kung di natin sila sisiputin. Sila na ang mangunguna sa ranking." Sabi niya. Wala naman sigurong masama kung pupunta kami. Gusto ko ding may mapaglabasan ng sama ng loob ngayon. "Fine, dideritso na ako diyan mamaya." Sabi ko sa kaniya. "Noted, Ms. Black. See you later, by the way Ash always asking me about you. Wala naman akong masagot kasi ngayon lang ulit tayo nagkausap." Sabi niya. "I don't want to talk about him. Hayaan mo siya." Sagot ko. "Okay sige na babyee, kita na lang tayo mamaya." Sabi niya. "Sige, ingat. Byee." Paalam ko. Bumalik na ako sa table namin . "Who's that?" Tanong ni Megan. "Ahh, kaibigan ko sa dating school nangungumusta." Sagot ko. Pagkatapos ng snack bumalik na kami sa room namin. Napa isip naman ako sa mangyayari mamaya. Venom Gang, sila 'yong nakalaban namin noon pero hindi naman kami matalo talo. At ngayon naghahamon ulit sila. Matagal na rin akong hindi nakipaglaban sa underground. Gusto ko ulit magpapawis. Natapos ang buong araw na klase. Nagtext ako sa driver na 'wag na akong sunduin. I also call my mom para hindi siya magtaka. Buti na lang at hindi rin sila uuwi ngayon. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa hide out namin, sa isang di sikat na village. Hanggang gate lang ako at nilakad ko na papasok do'n. Pumasok ako gamit ang sarili kong susi, namiss ko din tong tambayan namin. "Owhh, nandito na ang pinakahihintay natin. Heyy budss long time no see," salubong nila. Sinalubong ko din sila ng yakap. Na miss ko ang mga hunghang nato. "Kumusta kayo dito?" Tanong ko sa kanila. "Okay naman. Budss tumaba ka ata kunti." Puna sa akin ni Wendy. "Tss, ikaw kaya kain tulog," natatawang sagot ko. "Naku, tama lang pala mapalaban tayo, nang matunawan ka naman." Biro nila. Nagkwentuhan kami habang pinagsaluhan ang pagkain. "So anong kapalit kapag natalo natin ang V.G." Tanong ko. "Titigil na sila kakahamon sa atin, then a cash." Sagot ni Audrey. Napatango naman ako. Marami pa kaming napag usapan. Maya maya pa naghanda na kami . Sinuot ko ang itim kong leather jacket na fitting at pants. Pinarisan ko ng itim na boots. Tinakpan ko ang mukha ko. Nakalugay naman ang buhok ko. Naglagay ako ng contact lens para walang makakilala sa akin. Nilagay ko sa likod ko ang mga kakailanganin sa laban. Naghanda na kaming lahat. Papunta na kami sa Underground Arena. Pagdating namin. Marami nang gang ang nasa loob. Pumasok kami at nagpunta na sa likod ng battle arena. "Iyong mga teknik natin lagi niyong isipin. I'm sure may mga lason ang mga gamit nila." Paalala ko. "Noted," sagot nila Maya maya pa, nagsalita na ang MC . "Good evening everyone. Tonight, tutunghayan natin ang muling paglalaban ng dalawang gang. Ang Venom Gang at ang Dark Angel Gang. Sino na naman kaya ang mananalo sa labang ito? Handa na ba kayong lahat?" Tanong ng MC . Nagsigawan naman ang mga nandoon. "What are we waiting for, let's the battle begin!" Umingay ang buong arena paglabas namin. Ang daming tao, I'm sure nandito din ang grupo nila Ash. Kaharap na namin ang Venom Gang. "Long time no see, Dark Angel Gang," sabi ng leader nilang si Venom.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook