bc

The Coincidence Love Affair (MUBF Book 2)

book_age16+
778
FOLLOW
3.5K
READ
drama
tragedy
sweet
humorous
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

In reality, two people are meant to fall in love with each other. But, Allen & Damzel love story is defined by choice not by destiny or even what is stated on the diary. Isn't it amazing that after all these years, the love and affection that they build would became stronger?

When they chose to stay in love no matter how it was hard to fight again, after the tragedy that came, it's when Damzel was diagnosed with cervical cancer and had conducted a surgery which could make her useless as carrier a child and to be a mother. Damzel had fully accept her weakness as Allen's future wife. But after all these years, after they had been through the darkest part of Damzel's life, Lorraine had came back to be an answered prayer to be the surrogate mother of their child, which it was hard for Damzel to handle the situation. Because, Lorraine has going to take it for granted, in order to run away her responsibility and broke the promised, the reason why Damzel had been hurt for the second time around.

But there's a rainbow after the rain, it's when Alliah came in their life and make the most of it. Isn't it a coincidence that Alliah is an answered prayer after the tragedy that came?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Author’s note: Ang istoryang ito ay naka=focus na kina Damzel at Allen, at magsisimula ito pagkatapos ng ilang taon magmula nang sila’y isilang. [Jiezel] Few years later.. "Mi! Na'san mo po inilagay 'yong uniform ko?" tanong ni Damzel sa akin. Parang kailan lang at nasa grade two na siya sa elementarya. "Hay! Damzel naman, hanapin mo na lang diyan at may ginagawa pa si mommy." Hindi biro ang maging ina, kung saan ay kinakailangan mong oa panatiling malinis ang bahay at mga kagamitan, mag-budget sa pang-araw araw na gastusin at mag-alaga ng anak. Sa ngayon kasi ay kaming dalawa lang dito sa bahay dahil si Adam ay kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon dahil sa importanteng business partners ng kaniyang magulang sa ibang bansa. At sa susunod na linggo na ang flight niya pabalik dito sa Pinas. Sa mahigit walong taon na pagsasama namin ni Adam ay masasabi kong isa siyang napakalambing at mabuting asawa at ama ni Damzel. Magkahawak-kamay kaming nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay at nananatiling handa sa pagsubok na darating. Gano'n naman siguro kapag mag-asawa, magkaramay sa lahat ng bagay. Sinuyod ko ang itsura ni Damzel, nakakatuwang isipin na marunong na siyang mag-asikaso sa kaniyang sarili. Hindi maitatangging mas kamukha niya si Adam kumpara sa akin. "Mi! Tingnan mo ang ganda ko!" muli niyang sigaw sa akin habang ako ay abala sa paghahanda ng babaunin niyang pagkain, ham and egg sandwich ang niluto ko at alam kong paborito niya 'yon kaya iyon ang madalas kong ipinababaon sa kaniya simula pa no'ng grade one pa lamang siya. "Mi, look at me!" muli niyang sabi dahilan para sandali akong mapasulyap sa kaniya at napaawang ang bibig ko sa nakita ko. Agad akong lumapit upang makita ng malapitan, na baka namamalikmata lang ako. At awtomatikong nagsalubong ang aking kilay at nakapamewang na humarap sa anak ko. "Sinong nagsabi sa'yo na gamitin mo ang lipstick ni mommy? Ang pangit Damzel-- ah! Hindi pa p'wede sa'yo 'yan--" Sandali akong natigilan nang marinig ang tunog ng aking cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot kong tokong. Kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon si Damzel na hindi maibaling sa kaniya ang atensyon ko. Napangiti naman ako nang makita ang pangalan ni Adam sa screen. Subalit hindi pa man ako nakakapagsalita ay nag-iiyak na si Damzel ng malakas. "Hello? Husby!" "Hello? Wifey? Bakit umiiyak si Damzel, wifey?" Pinandilatan ko ng tingin si Damzel para tumigil pero mas lalong lumakas ang iyak niya dahilan para tadtarin ako ng katanungan ng asawa ko. "Wifey? Can I talk to my princess?" "Husby, Damzel is only over-acting. A-at isa pa may pasok pa siya," pag-iiwas ko na hindi niya makausap si Damzel. Masyado niya kasing inii-spoil ang bata kaya nagiging salbahe na. "Mommy! I wanna talk to daddy!" "Ssssshh.. may kasalanan ka pa sa akin, Damzel, ah!" sigaw ko, dahilan para mag-ingay na naman si Adam sa kabilang linya. "Hey, wifey? What happened? Pinapagalitan mo na naman ba si Damzel?" Napabuntong-hininga na lang ako sa tanong niya. "No, pinapangaralan ko lang siya. Anyway kailangan ko nang ihatid si Damzel, just call me later, husby." "Alright, go ahead, i love you so much." "I love you too," sagot ko at saka ko na ibinaba ang linya. Samantala, naabutan ko naman ang anak ko na nakatalikod sa akin. "Damzel, humarap ka sa akin." "No. Bakit hindi mo sinabi kay daddy ang totoo, mommy?" "Na ano?" "Na pinagalitan mo ako." Napabuntong-hininga ako. Oo nga at medyo napataas ang boses ko kanina. Kaya imbes na lumala pa ang pagmamaktol niya ay naisipan ko na lambingin siya. "Damzel, hindi galit si mommy, okay? I'm sorry, ayoko lang na lumaki ka na hindi dinidisiplina. Si Mommy lang ang p'wedeng mag-lipstick, okay? Saka, maganda ka naman kahit walang lipstick." Pagkasabi ko 'non ay agad na sumilay ang magandang ngiti niya. Kaya dapat hindi talaga pinapatulan ang bata sa katigasan ng ulo, sa halip ay lambingin natin sila dahil madalas ay hindi nila alam ang ginagawa nila, kung tama ba o mali. "Mi, salamat po sa paghatid. I love you." Napangiti ako at pumantay mula sa pagkakatayo niya. "I love you too, my princess." At saka ko siya hinalikan sa pisngi. Patakbo siyang pumasok ng kaniyang classroom habang hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya hanggang sa likod niya na lang ang matanaw ko. Nasa ganoong sitwasyon ako nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. "Oh my god, Jiezel?" "Celeb?" "Kumusta na?" aniya. Nagbeso kami at hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda niya, mas gumanda siya. "Ayos lang, kakahatid ko lang kay Damzel." Napatingin ako sa batang kasama niya at nanlaki ang mga mata ko dahil parang nakita ko 'yong small version ni Allen! "Iyan na ba si Allen?" sabi ko, ilang taon na rin kasi nang huli ko siyang makita, tila nahihiya naman ito nang tingnan ako at napangiti naman si Celeb habang hawak-hawak sa magkabilang-balikat si Allen at nakaharap sa akin. "Yes, kamukhang-kamukha na siya ni Allen, wala man lang minana sa ganda ko," sabi niya at saka kami nagtawanan. "Ayos lang 'yan at least, may naiwan namang remembrance si Allen sa'yo, 'di ba?" Sandali siyang napangiti. "Oh siya, sige na at baka ma-late pa ang inaanak ko." "Okay, Allen, mag-bless kay ninang at magba-bye na." Agad naman nag-bless si Allen sa akin na napaka-cute. At hindi ko inaasahan ang sasabihin niya, "Ba-bye po, ninang!" Kumaway pa siya at napangiti kami sa isa't isa. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maisip si Allen nang dahil sa kaniya. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang tuluyan siyang mawala sa buhay namin. Pero ang kanyang alaala ay sariwa pa rin sa akin, lalo na nang isilang si Allen Jr. Pero ewan ko ba kung bakit may kakaiba akong naramdaman nang pagmasdan ko si Allen Jr., may ilang mannerisms kasi siya na tanging kay Allen ko lang nakita. Katulad ng simpleng pagkagat ng labi at pagkamot sa batok. Pagkalabas ko sa gate ng school ay natigilan ako sa malakas na busina ng kotse na ikinalingon ko at napangiti ako nang matanaw siya ng dalawang mata ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.3K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook